Yvette's
"What is happening here?"
Parang bigla atang nanlamig ang buong pagkatao ko at mas lalong tumindi ang takot na aking nararamdaman nang marinig ko ang boses ni Miss Cromwell— kapatid ng babaeng dahilan kung bakit ako napalabas.
Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kaniya. Wala din akong maalala na encounter naming dalawa dahil kahit ni-isang beses ay hindi pa kami nagkita o nagkakilala man.
O baka naman sa archery? Argh!
"Why are you in here when it's your class hour?" naputol ang aking pag-iisip nang magsalita muli si Miss Cromwell.
Tumikhim naman si Saryia habang pinipigilan ang kamay nitong nanginginig. "G-Good afternoon po, Miss Cromwell," lakas loob na bati nito at nakita ko pa ang pagkapit nito sa mesa. "P-Pinalabas po kasi kami ni Prof. Griffin." kinakabahang sagot nito kay Miss Cromwell.
"You're a scholar here, Martinez. What did you do—"
Shantelle cut her off. "It's not Yvet—"
Hindi naman naituloy ni Shantelle ang sasabihin nito nang pinaningkitan ito ng mata ni Miss Cromwell kaya napalunok ito at napahawak sa kamay ko ng mahigpit. Yawa, ang sakit. "Do not cut me off when I'm talking, Delos Santos."
Napayuko naman si Shantelle. "I'm so sorry, Miss Cromwell," paumanhin nito. "But I just want to say that it's your sister's fault why Yvette got kicked out and is crying right now." takot man ay nagawa pa rin nitong sabihin kahit na nanginginig ang boses.
"My sister?" Miss Cromwell raised a brow.
Shantelle nodded. "Yvette cried because she thought her scholarship will be taken away from her."
Buhat sa narinig ay napayuko ulit ako. "I'll do anything, Miss Cromwell. Please don't take away my scholarship," iyak ko habang nakayuko.
Ilang beses na ba akong umiyak sa harapan niya? Dalawa? Tatlo? Pero iyan lang ang magagawa ko ngayon dahil scholarship ko ang nakataya dito. Kung kailangan lumuhod ako sa kanya at sa kapatid niya, gagawin ko. Kahit di ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kapatid niya.
Natahimik naman kaming tatlo habang nakayuko dahil hindi na nagsalita ulit si Miss Cromwell. Ramdam ko naman na mariin lang siyang nakatitig sa aming tatlo.
"You three, come with me to my office now," wika nito at nagsimula nang maglakad.
Nagkatinginan pa kaming tatlo bago mabilis inayos ang gamit namin at sumunod kay Miss Cromwell. At dahil malapit lang ang office niya sa library, nakarating kami agad.
"Sit while we wait for them," utos nito sa malamig na boses at itinuro ang sofa sa loob ng kaniyang opisina. Tahimik naman kaming napaupo.
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Prof. Griffin at Miss Charlotte.
Miss... I feel like I need to call her 'Miss' too since her sister owns this school.
Nakita ko naman na napatingin si Prof. Griffin sa gawi ni Saryia pero itong kaibigan ko ay umiwas lang ng tingin, na ikinairap ni Prof. Griffin.
Okay... What was that?
Napunta naman ang tingin ko kay Miss Charlotte at nakita itong nandidilim na naman ang mukha habang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Shantelle, kaya wala sa sarili ko itong binitawan.
Weird.
"Beau?" Miss Cromwell called Prof. Griffin's attention. "What happened?"
Prof. Griffin crossed her arms. "Charlotte said that Martinez was bothering Delos Santos while I was teaching, so I kicked her out. While Delos Santos here suddenly cussed in my class," she explained.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
