"Study the transition elements because I will give you a long quiz this coming Friday. Class dismissed," Miss Cromwell said boredly as she gathered all her things and quickly left the classroom.
Mabilis din kaming lahat nag-ayos ng aming mga gamit at kanya-kanya ng labas sa classroom.
"So, see you later at lunch, Yve," paalam naman nila Saryia at Shantelle, because for sure tatambay na naman sila, it's either sa school library not to study but to sleep, or sa mall to go shopping.
Tumango lang ako at mabilis ng naglakad papunta sa cafeteria to start my work shift. I'm a little bit hungry right now since I didn't have my breakfast. Mas lalo akong nagtitipid ngayon dahil baka kumulang ang pambili ko ng maintenance ni Saphire.
Nang makarating naman ako sa cafeteria, agad ko ng sinimulan ang aking trabaho, not minding the growl in my stomach because of the hunger.
After almost two hours of work, agad akong nagtungo sa dalawa kong kaibigan na naghihintay sa akin. As usual, kaagad nilang binigay sa akin ang pagkain na in-order nila para sa akin.
I smiled. "Thank you so much, I'm famished!"
"Sabi naman kasi sa'yo mag-grocery na tayo ng pagkain niyo sa bahay para hindi ka gutom," Saryia rolled her eyes. "For once, lower your pride," she added.
"Yeah, we were just worried about you. Paano nalang kung magkasakit ka dahil 'di mo inaalagaan sarili mo? Paano nalang mga kapatid mo?" paalala naman ni Shantelle.
They were right, though.
Hindi naman sa ayaw kong tanggapin ang tulong nila dahil sa pride ko, nahihiya lang talaga ako dahil ang laki na ng naitulong nila sa akin at hindi man lang ako nakakabawi pa. Tsaka ayaw ko rin masanay at baka maging dependent ako sa kanila.
I heard Saryia groan, which stopped me from thinking. "Just the grocery, Yve," she softly mumbled afterwards.
Ano pa nga ba. "Fine, fine," I agreed, which caused them to squeal in happiness. "But not too much," I glared at the both of them, seeing their mischievous smiles.
Pagkatapos namin kumain at mag-usap, kaagad kaming tumakbo papunta sa susunod naming subject, which is Prof. Griffin.
Natapos naman ang buong klase namin ng malumanay, maliban nga lang sa panglalandi ni Saryia sa professor namin na mukhang mangangain na ng tao sa uri ng tingin nito kay Saryia tuwing nilalandi niya ito.
"Guys, una na kayo, kausapin ko lang future wife ko. Hehe," biglang wika ni Saryia.
Napailing nalang ako at nginitian ito. "Kunting-konti nalang, bubugahan ka na ng apoy niyan."
"Ika nga, 'the more you hate, the more you love'," ani naman nito.
Natawa kaming dalawa ni Shantelle. "Malala ka na, halos dalawang linggo pa lang natin na professor 'yan."
"Aish. Basta, sige na, alis na kayo. See you tomorrow. Love you both!" pagtutulak naman sa amin ni Saryia palabas ng classroom bago nito isara ulit.
Wala naman kaming nagawa ni Shantelle kundi mapailing nalang ng aming ulo.
"Well. See you tomorrow, bessywaps," Shantelle kissed my cheek.
"Alright. Drive safely!" I bid.
At dahil hindi kami nakapag-practice kahapon dahil may meeting ang faculty members, ngayon nalang kami nag-practice ng archery, lalo na't papalapit na ang competition. Pagkarating ko sa archery field ay sakto lang din ang dating nila Lily at Andrew kaya halos sabay na din kaming tatlo nagpalit ng damit habang wala pa si Coach Cromwell.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
