"Hoy, bansa! Kanina ka pa nakabusangot diyan, ah. Wala ka bang balak kainin 'yang order mo?" Shantelle nudged Saryia.
Hindi sumagot si Saryia at inabot lang niya ang order niya kay Shantelle, na agad namang kinain ni Shantelle.
Simula noong makita ni Saryia na may kasamang lalaki si Prof. Griffin, wala na ito sa mood—tatlong araw na rin ang nakalipas. Iniiwasan din niya ang professor; kahit tinatawag siya nito, hindi niya ito pinapansin.
"Club tayo mamaya," aya nito habang nakatulala.
Napatingin naman sa akin si Shantelle. "Ako na lang sasama sa kanya, alam ko namang sobrang busy ka na," aniya at nginitian ako.
"I can manage. Besides, Sary needs us."
"No, Yve. I appreciate it, but I don't want to exhaust you. Alam kong sobrang busy mo na rin dahil malapit na ang tournament." marahan nitong hinaplos ang likod ko. Magkatabi kasi kami ngayon habang kaharap naman namin si Shantelle.
Wala akong pasok sa cafeteria dahil pinag-leave muna ako ng headmaster ng sports club para matutukan ko ang practice sa archery. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko pa natatapos ang booth ng department namin.
And besides, paid leave naman iyon, kaya may sahod pa rin ako.
Actually, alam naman nila na hindi ko na kailangan pang mag-practice, ganoon kalaki ang tiwala nila sa akin. Pero para sa ikagagaan ng loob nila, nagpapraktis pa rin ako.
'Yabang ah,' my fucking aego.
"Don't worry, naka-leave naman ako sa cafeteria hanggang matapos ang tournament," panigurado ko sa kanila.
Nagkatinginan naman silang dalawa na wari'y bay nag-iisip kung paniniwalaan ako.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Shantelle.
I nodded. "Yes, yes." I gave them a big smile.
"Fine, fine. Sa bahay na muna ang kambal para si Manang na muna ang mag-asikaso sa kanila sa pagpasok bukas ng umaga," pumayag na rin si Saryia.
Habang nag-uusap kami, bigla na lang tumahimik ang cafeteria at napunta ang atensyon ng lahat sa magkasintahan na dumating.
Miss Cromwell and her boyfriend.
Ilang sandali pa, nagsimula na rin ang mga bulungan sa loob ng cafeteria.
"Damn. Bagay na bagay sila."
"Swerte naman ni Miss Cromwell."
"Swerte naman ng lalaki."
"Siya na kaya ang magpapangiti at tutunaw sa nagyeyelong puso ni Miss Cromwell."
Kahit saan talaga, hindi nawawala ang mga marites.
"Kaya pala maaga tayong na-dismiss kanina, andiyan pala ang jowabels," nakangiting turan ni Shantelle.
Napatawa naman ako. "Sana araw-araw na lang andito jowabels niya."
"Oo nga. Isa pa 'yan si Miss Cromwell na nagpapasakit ng ulo ko, eh," Saryia groaned.
And yup... kasali kami doon sa mga marites.
Habang patuloy kami sa pagkain at pag-uusap, bigla namang dumating si Charlotte na may dalang tray ng pagkain.
"Himala. Lumitaw," Shantelle rolled her eyes at her.
Charlotte smirked at her before winking. "I know you missed me. Don't worry, me, miss you more."
Hindi kasi namin nakakasama si Charlotte noong mga nakaraang araw dahil may pinapagawa raw sa kanya ang ate niya.
And we already accepted her as a part of our group... except for Shantelle though, kasi inis na inis pa rin siya kay Charlotte.
Shantelle scoffed before crossing her arms. "Dream on."
Napailing na lang si Charlotte at hindi na sinagot si Shantelle. Tumingin naman ito sa gawi ni Saryia na nakabusangot pa rin at nakatulala.
"What happened to her?" tanong nito, habang tinuturo si Saryia gamit ang labi niya.
"Brokenhearted," kibit-balikat na sagot ko. "Bar kami mamaya, sasama ka ba?" aya ko naman sa kanya.
Sandaling nag-isip si Charlotte bago sumagot. "Sure, I'm free tomorrow anyway," masiglang sagot niya.
"Seems like you need to unwind, too."
"Yes, yes!" she let out a deep breath. "Ate has been giving me a lot of paperwork to do," she groaned and pouted.
Halata nga rin sa mga mata niya ang pagod. Actually, magtuturo na siya dito next school year. Ngayon ay nagpapahinga muna siya kasi kaka-graduate niya lang.
"Huwag kang ngumuso, para kang pato," asar naman ni Shantelle.
Pero imbes na maasar si Charlotte, nginitian niya lang ito. "Sure, babe, sure," and then she winked at her.
Shantelle just rolled her eyes in annoyance.
"Ano ba 'yan! Andito na naman ang asungot na 'yan!" nabaling naman ang tingin namin kay Saryia nang bigla siyang magsalita at galit na nakatingin sa entrance ng cafeteria.
Kaagad naman kaming napatingin sa entrance, and there we saw Prof. Griffin with that man again.
"Wait..." Charlotte uttered, looking at Saryia now. "He's the reason why you're in a bad mood?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"That fucking man," ingos ni Saryia.
"Damn," nagtataka naman naming tinignan si Charlotte nang bigla na lang itong humagikhik. "Shet. So epic, Saryia."
"Sabi sa inyo, baliw 'yan, eh," asik ni Shantelle.
"What's funny anyway?" I asked, perplexed.
Nang mapansin ni Charlotte na seryoso pa rin kaming nakatingin sa kanya, tumigil na siya sa pagtawa bago uminom ng tubig.
"Ehem... Kuya Ray," wika nito at tinuro ang lalaking kasama ngayon ni Prof. Griffin, na nakaupo na sa mesa kung saan naroon sina Miss Cromwell at jowa nito. "Is—"
"Mababatukan na talaga kita, Charlotte, sinasabi ko sa'yo. Pa-suspense ka pa eh," inis na wika ni Saryia.
"Chill, chill," Charlotte laughed. "Kuya Ray has a wife already," sagot niya.
Mas lalo namang nanlumo si Saryia sa narinig. "Kasal na sila ni Prof. Griffin," napakagat-labi pa siya at mukhang maiiyak na.
"Stupid. Ate Cleofel is single."
Dahil sa narinig, biglang nagliwanag ang mukha ni Saryia. "W-Wait... you mean?"
"Yeps. Kuya Ray is my Ate and Ate Cleofel's best friend."
"Holy shit," bulong ni Saryia, eyes bewildered. "I hurt my future surname."
Charlotte looked at her, confused. "Surname?"
"Don't mind her, Charlotte. She's dreaming," naiiling kong wika.
"Akala ko kasi jowa niya kasi ang sweet-sweet nila tapos may pa-pahid pa ng pisngi ang bwesit na lalaking 'yan," asik ni Saryia at humalukipkip.
"Dimwit. Why would I help you with her if I knew that she's married already? Dzuh," Charlotte rolled her eyes. "I'm not a homewrecker."
"Sayang, tatlong araw kong pagmumukmok at mga luha ko," bulong ni Saryia. "Now I'm hungry."
Well, halata naman sa ilalim ng mga mata niya ang eyebags.
Napaikot na lang ako ng mata at inabot sa kanya ang isang sandwich na hindi ko pa nakakain. "Here."
"Thanks, Yve! That's why I love you!" Saryia beamed at kinuha ang sandwich sa akin.
"Balik pagka-ulol na naman si bansa," umiiling na wika ni Shantelle.
"Kay Prof. Griffin lang mauulol," proud na sigaw ni Saryia kaya napatingin ang mga estudyante sa cafeteria.
"Rodriguez, language!" napatingin naman ako sa gawi ni Prof. Griffin na namumula ang pisngi—baka dahil sa hiya at inis sa sigaw ni Saryia sa apelyido nito.
Instead of being scared, Saryia just winked at her, not minding the teasing smiles of the other students inside the cafeteria.
Here we go... again. Good luck, Prof. Griffin.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
