Chapter 21

33.1K 997 71
                                        

Dahil tapos na ang aking mission na binigay ni Saryia, naglakad na ako pabalik sa cafeteria.

Malapit na ako sa cafeteria nang salubungin ako ni Shantelle na humahangos at halatang balisa. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha, kaya't ako man ay nabalot narin ng pag-aalala. "What's wrong?" I asked.

"Saphire is in the hospital. Their school called me and Saryia to inform us," mabilis niyang sagot. "Let's go to the parking lot now."

Dahil wala akong cellphone, numero nilang dalawa ni Saryia ang inilagay ko sa emergency contact list nina Saphire at Cassia.

Nabitawan ko ang aking bag at pinipigilan ang sariling umiyak habang sinusundan si Shantelle na tumatakbo papunta sa parking lot.

Pagkarating namin doon, nandoon na si Saryia at naka-ready na ang sasakyan, kaya agad kaming sumakay ni Shantelle.

Wala na akong pakialam kung ma-mark absent ako ngayon. Mas mahalaga ang kalagayan ng kapatid ko.

"Oh my God. Anong nangyari?" Naluluhang tanong ko habang tinatahak namin ang daan papuntang ospital kung saan dinala si Saphire.

"H-heart attack." Mahina ngunit malinaw kong narinig ang sagot ni Saryia.

Oh my God, please heal my sister.

Mabilis kaming nakarating sa ospital dahil ito lang naman ang pinakamalapit sa paaralan nina Saphire at Cassia, at malapit na rin sa university namin. Sinadya talagang itayo ito malapit sa mga paaralan para sa mga kagaya nitong emergency situations.

Kaagad akong bumaba mula sa sasakyan ni Saryia at pumasok sa loob ng ospital, kung saan agad kong nakita si Cassia kasama ang guro nito sa may emergency area bench.

"Cassia!" Tawag ko sa kanya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit habang pinapatahan. "Shh. Saphire will be fine."

"Ate, I'm scared," hikbi nito sa aking dibdib kaya't hindi ko na rin napigilang mapaiyak.

"She'll be fine, don't worry," sabi ko habang pinapahid ang sarili kong luha.

Kumalas muna ako sa yakap kay Cassia nang makita ko ang doktor na lumapit sa gawi namin. Mabilis na nilapitan nina Shantelle at Saryia si Cassia at inilayo muna ito sa amin.

Cassia is smart, kaya ayaw kong marinig niya ang sasabihin ng doktor. Baka lalo siyang mag-alala sa kambal niya.

"Relative?" tanong ng doktor sa akin kaya mabilis akong tumango.

"Yvette Martinez po, her sister, doc. H-how is she?" I asked nervously.

The doctor sighed as he examined the clipboard he was holding. "We need a heart transplant as soon as possible. Her condition right now is critical. Mabuti na lang at nadala siya agad sa ospital," sagot nito. "She's getting weaker, Miss Martinez, and without the life support, she might not make it."

Parang namanhid ako sa narinig. Hindi ko mahanap ang aking boses. Parang bigla akong nawalan ng pandinig at tinig dahil sa sinabi ng doktor.

Namalayan ko na lang na tinapik ng doktor ang balikat ko bago siya tuluyang umalis. Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinabi.

Ang huling narinig ko lang ay nasa ICU si Saphire, at ang life support machine na lang ang bumubuhay sa kanya.

Why? Just fucking why?! Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako?

——

Andito ako ngayon sa bench, sa labas ng ICU kung saan nakahiga si Saphire na may tubo ng life support sa bunganga. Kasama ko si Cassia dahil ayaw niyang sumama kina Saryia at Shantelle kanina— gusto daw niyang makita si Saphire na gising na.

Umuwi muna sila para kumuha ng gamit namin at sabihan ang mga magulang nila. Sila rin ang naghatid sa guro nina Saphire at Cassia pabalik sa paaralan matapos sabihin sa akin ang nangyari kanina.

Pinaliwanag nito sa akin na masigla naman daw si Saphire kaninang umaga kaya't nagtaka sila kung bakit bigla na lang itong namutla at inatake sa puso.

Nasabi na rin ng doktor dati na pabigla-bigla talaga ang pag-atake ng puso ni Saphire, lalo na't bata pa siya. Kaya napaka-protective ni Cassia sa kapatid niya at todo bantay talaga ito.

My friends told me not to worry about the bill and everything, which made me thankful to them, kasi wala talaga akong pera ngayon. Binaba ko na ang aking pride para sa ikabubuti ng aking kapatid.

Hanggang ngayon ay nanunuot pa rin sa aking dibdib ang sakit dahil sa sinabi ng doktor. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kasi sa totoo lang, nakakawalang-gana.

Pilit ko pa ring pinapalakas ang aking sarili, kahit kanina pa nanginginig ang aking mga binti. Parang bumalik na naman sa akin ang trauma ko. Nang mamatay si Mama sa ospital, nagsimula akong matakot sa mga ospital. Pero ngayon, kapatid ko naman ang nandito, kaya kailangan kong lakasan ang loob ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Hindi ko man lang namalayan na may nakaupo na pala sa tabi ko.

"Martinez." His voice is familiar.

I looked at him and remembered—he's one of my opponents in archery. The one I always defeat.

"Small world," ani nito. Pero wala akong balak sagutin siya. Baka makadagdag lang siya sa problema ko ngayon. "Kung sini-swerte ka nga naman."

Besides, we're not close. As far as I know, he's mad at me because I always beat him.

"This is my parents' hospital. Soon to be mine," mayabang niyang wika. Yabang. At tsaka, sino ba ang nagtanong? "I heard from one of the doctors that your sister is in critical condition and in need of a heart transplant as soon as possible."

"I don't have time for you right now," asik ko sa kanya sa mahinang boses habang hinahagod ang buhok ni Cassia na natutulog sa kandungan ko.

David smirked. I know his name well. Ilang beses ko na siyang tinalo sa archery. Hindi ko nga alam kung bakit siya ang laging kalaban ko. Wala atang balak ang paaralan nila na palitan siya.

Their loss anyway.

"I can help you." napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "We have a heart here that's compatible with your sister."

Parang nanghina ako, at the same time, nabuhayan ng loob sa sinabi niya.

Mariin akong nakatitig sa mukha niya na may nakakalokong ngiti. Alam kong may kapalit ang tulong na ibibigay niya. Sa ngiti pa lang niyang—parang demonyo.

"What do you want?" I firmly said.







"Lose the game."

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon