Chapter 31

34K 1K 209
                                        

Sa mga sumunod na araw, iniiwasan ko si Miss Cromwell dahil sa tuwing napapalapit ako sa kaniya, bigla kong nakakalimutang huminga.

Ganiyan kalala ang epekto niya sa akin. Kaya as much as possible, lumalayo ako sa kaniya.

"So, kamusta ang pag-iwas?" Saryia asked.

Napadukdok ako sa mesa. "It's easy and hard at the same time. I don't know why, but I really want to talk to her and be with her... but I know I can't." I groaned. "It's not like she cares, anyway." I sighed.

Minsan nga mukha na akong stalker dahil kapag nakikita ko siya sa malayo, sinusundan ko siya ng tingin. Si Prof. Griffin ang parati niyang kasama—minsan naman ay 'yung manliligaw niyang mukhang tuko na may epilepsy.

One time, I saw her from a distance with her suitor, and I don't know what came over me, pero tinapunan ko ng bato 'yung manliligaw niya. Mabuti na lang at hindi ako nakita. Mehehe.

Dati naman wala akong pakialam sa kanila—ewan ko ba kung anong nangyari ngayon. I don't think this is just an infatuation anymore.

"Infatuation pa rin ba?" Shantelle giggled.

Napatingin ako sa kaniya at inirapan siya. "It's not funny." I pouted. "I think I really do like her," problemadong saad ko. "Bakit pa kasi sa kaniya?"

"Hi, guys!"

Napalingon kami kay Charlotte at sa kasama niyang si... Ruelle?

"You guys already met Ruelle last time sa hospital, right?" sabay turo niya sa kasama niyang nakangiting nakatingin sa amin.

Tumango sina Shantelle at Saryia. "Nice, lumalaki na 'yung circle of friends natin," ani Saryia habang pinaupo si Ruelle sa tabi niya.

"Welcome to our group, Ruelle," bati ni Shantelle. Nginitian naman siya ni Ruelle at nagpasalamat.

Kaya pala bigla na lang lumakas ang bulungan ng mga estudyante dito sa cafeteria—dahil pala sa babaeng 'to.

"Hi, Yve," bati ni Ruelle sa akin. "I'll be studying and working here from now on. Nabobored na kasi ako sa bahay," sabi niya kahit hindi naman ako nagtatanong.

"Welcome to our group, Ruelle," bati ko rin at nginitian siya. "Mabuti naman—para hindi ka na parang nakakulong lang sa bahay niyo."

"Bakit ka nga pala homeschooled?" tanong ni Shantelle.

"Ako kasi nagpapatakbo ng business namin simula nang mamatay ang mga magulang ko, kaya nawalan na ako ng oras bumiyahe papunta sa school. Kaya naisipan ko na lang mag-homeschool," paliwanag niya.

Wala na rin pala siyang magulang. Balita ko rin, nag-iisa lang siyang anak.

"We're sorry to hear that," malungkot na sambit ni Saryia.

Ruelle smiled. "It's alright. Besides, I'm not really completely alone because I have my girlfriend with me and also— si Charlotte, Ate Cleofel, at Ate Clementine rin."

"Girlfriend? Eh?" I gasped.

She nodded. "Yep. Miss Kim," proud niyang sagot.

Dahil sa narinig naibuga ni Saryia ang iniinom niyang tubig. Mabuti na lang at sa sahig ito tumama. "Si Professor Kim? 'Yung isa pang terror at cold na professor—jowa mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango si Ruelle. "Yes, yes. Almost one year na rin kami. Hehe."

"Damn. Lucky," ani Saryia na namamangha.

"Kayo ba ni Ate Cleofel?" balik-tanong ni Ruelle kay Saryia. Akalain mo 'yon—alam niyang may namamagitan kina Saryia at Prof. Griffin.

"We're good. After my graduation, liligawan ko na siya," masayang sagot ni Saryia.

Napatango si Ruelle. "And Charlotte?" tumingin siya kay Charlotte na sinusubuan na ngayon si Shantelle ng fries.

Nililigawan na pala ni Charlotte si Shantelle, three weeks ago pa. Bibigay rin pala ang isang Shantelle—pabebe pa noong una, akala mo talaga.

"Courting phase na," ani Charlotte, sabay halik sa pisngi ni Shantelle na agad namula.

Medyo nasasanay na akong makita silang ganyan.

"Ikaw, Yve? May boyfriend o... girlfriend ka na ba?"

Napunta naman sa akin ang tingin ni Ruelle.

Napabuga ako ng hangin at napadukdok ulit—na ikinatawa ni Shantelle at Saryia.

"Elle, hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit nagkakaganiyan si Yvette," reklamo ni Charlotte.

"Promise ka muna na hindi mo ipagsasabi."

"Promise." Oh well. May tiwala naman ako kay Charlotte. Pero sa oras na sabihin niya, magpaalam na siya kay Shantelle—ililibing ko talaga siya ng buhay.

Shantelle laughed. Kahit wala naman nakakatawa. Pareho sila ni Saryia. Baliw. "It's because of your sister."

"My sister? Why? Anong ginawa ni Ate?" naguguluhang tanong ni Charlotte.

"Yve likes your sister."

And there. Natahimik si Charlotte. Pero ilang sandali lang, tumawa rin siya. Ganoon din si Ruelle, na akala mo talaga alam ang nangyayari.

"Ohh. Kaya pala..." Charlotte hummed like she knew something.

"Kaya pala ayaw niya akong tawagin kang 'Gwen'." Napa-angat ako ng tingin, hindi ko kasi naintindihan ang sinabi ni Ruelle.

"Ano?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang si Ruelle at hindi na muling nagsalita.

"Yve, kung gusto mo siya, bakit mo siya iniiwasan?" tanong ni Charlotte.

Napataas ang isang kilay ko. "Paano mo nalaman na iniiwasan ko siya?"

Charlotte shrugged. "It's obvious, duh."

Sige, kunwari naniniwala ako sa sagot niya. Pero baka si Shantelle ang nagsabi sa kaniya.

Binalewala ko na lang sila at bumalik sa pagkadukdok sa mesa. "Liking someone is so hard—lalo na kung si Miss Cromwell pa." I groaned. "Unang taong nagustuhan ko, doon pa sa imposibleng mapasakin."

"Di mo sure," sabay-sabay na sagot ng apat.

"I'm fucking sure, kaya tumahimik kayong apat diyan," singhal ko—na ikinatawa nilang lahat.

"Mukhang may magtataguan ng feelings, ah," Ruelle mumbled.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon