Where am I?
Why am I in a room that smells like heaven?
What happened?
I furrowed my brows as I scanned the whole room.
Ang ganda nito at napakalaki pa. Naagaw naman ang pansin ko nang bumukas ang pintuan at pumasok si Miss Cromwell.
Huh?
Miss Cromwell? Bakit siya andito?
Sa pagkakaalam ko, nahimatay ako kanina sa bahay dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. Hindi ko na nga natapos lutuin iyong babaunin ng mga kapatid ko.
Sa isipin ay bigla akong napabangon, pero agad ding napangiwi nang makaramdam ako ng kirot sa aking tiyan. Nang tignan ko ito ay nakabalot ito ng bandage.
Ngayon ko lang din napansin na naka-dextrose pala ako. Dextrose?! Pero wala ako sa hospital, sigurado ako roon.
"Please be careful, you're not healed yet," she said softly as she helped me sit up properly in bed.
Shit naman. Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib nang magsimula na namang tumibok ng malakas ang aking puso.
Bakit ba kasi andito si Miss Cromwell. Sobrang lapit niya, parang kaamoy nito ang buong kwarto.
"Gwen, are you okay?" she asked, clearly worried. "May masakit pa ba sayo?"
Oh my gosh!
Mga kapatid ko. Inuna ko pa ang kalandian.
"M-Miss, nasaan po ako? Mga kapatid ko po?" I asked, embarrassed, eyes glued to the bed.
Hindi ko siya kayang tignan sa mata—baka maulit muli 'yong nangyari sa classroom na makalimutan kong huminga.
"They're fine," Miss Cromwell answered.
"Sa pagkakaalam ko kapag nagising na ang pasyente, tinatawag agad ang doctor," napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Miss Kim, kasama si Prof Griffin at mga kaibigan ko.
Hala? Anong meron? Bakit sila andito? May doctor? Mukhang wala naman ako sa hospital dahil halata namang nasa isang kwarto ako—isang malaki at napakabangong kwarto.
"Yve, you scared me," said Shantelle. Namamaga naman ang mga mata nito. Umiyak ba siya?
"Uh, anong nangyayari?" I asked, confused. "Umiyak ba kayo? Bakit namamaga mga mata niyo?"
Nagkatinginan naman sila na wari ba'y naguguluhan din.
"Doc, how is she?" May lumapit sa akin na lalaki—ito ata ang doctor, pero ang suot niya ay parang nasa bahay lang siya.
Kinausap ako ng doctor at in-examine. Ilang sandali pa ay natapos rin ito.
"She's stable now. Call me when she farted already."
Yawa. Tangina. Puta. Ano raw? Utot?
I gasped. "Utot? Tama ba 'yong pagkakarinig ko?"
The doctor nodded. "Miss Martinez, you had appendicitis—but don't worry, we already removed it yesterday."
"Huh?" mas lalo akong naguluhan. "I have what?"
"Appendicitis," the doctor repeated.
"And you removed it yesterday?" I asked again.
"Yes."
"How? I can't remember anything. All I remember is being with my sisters, then my stomach started to hurt, then I passed out, and then I woke up here?" I said.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
