Chapter 30

37.1K 1K 416
                                        

Lunes na ngayon, at andito ako sa classroom kasama sina Saryia at Shantelle na abala sa kani-kanilang cellphone habang hinihintay namin si Miss Cromwell.

Hindi ako mapakali sa aking upuan dahil nahihiya akong humarap kay Miss Cromwell. Nang maalala ko ang binigay kong chocolate sa kanya, hindi ko alam kung bakit, pero hindi na siya maalis sa isip ko.

Maybe because I was shy?

"Para kang kiti-kiti diyan," ani Shantelle habang nakatingin sa akin. "Mag-purga ka kaya, may bulate na ata 'yang pwet mo at kanina ka pa hindi mapakali sa pagkakaupo."

Napatawa naman si Saryia sa sinabi nito.

Inirapan ko sila. "Hindi ba pwedeng naiihi lang?" pagsisinungaling ko.

"Malas mo naman, ilang minuto na lang darating na si Miss Cromwell," ani Saryia.

I just bit my lower lip and didn't answer her.

Ilang sandali pa, pumasok na si Miss Cromwell. Pero bakit parang mas lalo siyang gumanda sa paningin ko ngayon? I mean, dati namang nagagandahan na ako sa kanya, pero ngayon, parang may iba.

Napansin kong nilibot niya ng tingin ang buong classroom at nang tumama ang tingin niya sa akin, agad akong umiwas ng tingin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at marahang napahawak sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang biglaang lakas ng tibok ng puso ko.

Anong nangyayari sa akin? May sakit na rin ba ako sa puso tulad ni Saphire? Sa isipin pa lang ay hindi ko maiwasang mangamba. Kailangan ko atang magpa-check-up.

"Good morning." ang lamig ng boses niya pero bakit parang nakakabighani sa pandinig ko?

"Good morning, Miss Cromwell," bati ng buong klase. Bigla atang nawala ang boses ko.

Nagsimula na siyang magturo, at hindi ko maiwasang titigan siya—na hindi ko naman gawain dati. Kapag nagtuturo siya dati, naka-focus lang ako sa pagte-take notes. Pero ngayon, parang na-magnet ang mga mata ko sa kanya.

At tuwing titingin siya sa direksyon ko, napapaiwas ako at kunwaring nagsusulat. Kung dati may nasusulat pa ako, ngayon naman, parang na-blangko na ang utak ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Yve, she might melt," bulong ni Saryia. "Wagas makatingin, ah."

"Huh?" bulong ko pabalik. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

"You've been staring at Miss Cromwell intently. You're not even taking notes," now it's Shantelle.

Napansin din pala nila.

"Girls at the back, what are you whispering about?"

Mas lalo pang kumabog ang dibdib ko nang magsalubong ang tingin namin ni Miss Cromwell.

Kung kanina ay malakas lang ang tibok ng puso ko, ngayon parang hindi na ako makahinga. Konting lapit na lang ni Saryia at Shantelle, maririnig na nila 'to eh.

"Martinez, you're getting pale. Are you okay?" lalo akong kinabahan nang marinig ko ang pag-aalala sa boses niya.

Marahan kong hinawakan ang dibdib ko at humugot ng hangin—parang nakalimutan ko nang huminga.

Hindi naman ako ganito dati kapag kinakausap niya ako, ah?

"I-I can't breathe p-properly," I said weakly.

Mabilis namang tumayo sina Shantelle at Saryia at inalalayan ako.

"Miss, dadalhin lang po namin siya sa clinic," bakas sa boses ni Saryia ang pag-aalala.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon