"Yve, pinapatawag ka ni Miss Cromwell sa office niya."
Rinig ko naman sabi sa akin ng kaklase ko pagkatapos ng klase namin ngayon kay Prof. Bartolome.
"Okay, thank you!" Pasasalamat ko dito. Tumango naman ito bago lumabas na ng classroom.
"Guys, una na kayo. Pinapatawag daw ako ni Miss Cromwell. Tsaka may practice din ako ng archery dahil malapit na rin ang tournaments." Paalam ko sa dalawa kong kaibigan.
Inakbayan naman ako ni Shantelle. "Sus. Kahit 'di ka mag-practice, yakang-yaka mo naman 'yan!" Proud nitong sabi.
"I second." Segunda naman ni Saryia.
"Longbow ako, baka nakakalimutan niyo." Paalala ko naman sa kanila.
"Hoy. Kahit recurve, compound at barebow pa 'yan, alam namin na easy lang 'yan sa'yo. Duh!" Pagtataray naman ni Shantelle.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Sige na, baka mainip sa paghihintay si Miss Cromwell."
"Alright, see you tomorrow." They bid.
Kaagad naman akong naglakad papunta sa office ni Miss Cromwell. Malapit lang ito at alam ko na kung nasaan dahil noong araw na pinahiram niya ako ng ballpen ay pinuntahan ko siya sa office niya. Medyo hapon na rin iyon kaya alam kong nasa office na ang lahat ng professors.
Pagkadating ko sa office niya ay kaagad kong pinindot ang intercom na nasa labas nito at sinabi ang aking pangalan.
"Come in." She commanded in a cold voice through the intercom.
Pumasok naman ako kaagad nang marinig ko iyon. Agad nagsalubong ang mata namin pero umiwas din ako kaagad dahil para ata akong aatakihin sa puso sa lamig ng mga mata niya. Nakayuko akong naglakad palapit sa mesa nito.
"Sit down." Utos nito kaya mabilis akong umupo.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag. Unang beses ko pa lang makapasok dito. Noong unang beses akong pumunta ay binalik ko lang ang ballpen niya pero hindi ako nakapasok sa loob kasi paalis na rin siya noon.
"You're sweating." Tipid pa rin magsalita kapag wala sa classroom.
Agad ko namang pinahiran ng aking palad ang aking noo nang maramdaman ko ang pawis doon. Kapag kinakabahan talaga ako, hindi ko maiwasang pagpawisan.
Nakakahiya.
"Here."
Napaangat naman ako ng tingin at nakita ang adidas na paper bag sa mesa niya na ikinagulat ko.
"Pa–para saan po iyan, Miss?" Tanong ko. Alam ko namang sapatos 'yon pero di ko maiwasang magtanong pa rin.
"Yours." Potek, napakatipid.
"P–po?" Di ko maiwasang mautal at magulat sa sinabi nito.
She rolled her eyes before pushing the paper bag towards my direction. "Use that. And you may go now."
"Miss, you don't have to. Malapit na po sah—"
"Just go." Putol nito sa sasabihin ko.
Wala akong nagawa kundi kunin ang paper bag sa mesa niya. Baka bigla itong maging dragon sa harapan ko—mahirap na.
I sighed and pouted. "Thank you, Miss." Pasasalamat ko bago naglakad palabas ng office nito.
Panigurado akong mahal ito, sa brand pa lang.
Mabilis akong naglakad papunta sa locker area at naabutan ko pa si Lily doon na naglalagay ng gamit sa locker niya.
"Oh hey, Yve. New shoes?" she asked.
Ngumiti naman ako bago tumango.
"Nice, nice." She smiled. "I got one too." Turo nito sa suot niyang sapatos. "And same tayo ng brand!"
Bago nga ito at parehas ng brand sa akin. Kinuha ko ang box sa paper bag para tingnan din ang sapatos na binili ni Miss Cromwell.
"Oh my! Same shoes din tayo!" Masayang bigkas ni Lily nang makita ang sapatos ko.
Napatingin ulit ako sa sapatos niya at sa akin. Parehas na parehas nga.
Napangiti ako at napakamot ng ulo. "Magkano ba ito?" Alanganing tanong ko.
"My dad bought mine for 18k something," sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.
"18k?!"
Tumango naman si Lily at nagtatakang nakatingin sa akin. "Bigay lang ba 'yan sa'yo?"
Napatango ako.
"Bigay lang din sa akin. Same ulit tayo." Napakamasayahin talaga nito. "Anyway, magbihis ka na baka ando'n na si Coach sa gym."
Napabuntong-hininga na lang ako at nanginginig ang kamay na inilagay sa locker ang paper bag ng bagong sapatos. Kailangan ko itong ingatan. Pang-ilang buwan na ata na pangkain namin 'to.
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na rin ako sa gym. Sinuot ko na rin ang sapatos na binigay ni Miss Cromwell—baka mapagalitan pa ako mamaya. Pagkadating ko sa gym ay kaagad akong lumapit kina Lily at Andrew na nagwa-warm up na.
"Uy, parehas ng sapatos ah," napansin agad ni Andrew ang parehas namin ni Lily.
Ngumiti lang ako at nagsimula na ring mag-warm up.
"I know, right? Baka destiny talaga kami ni crush." Wika ni Lily sabay flying kiss sa akin habang nagwa-warm up.
Napailing na lang ako at ngumiti. "Mga kalokohan mo talaga—"
"Start practicing now."
Natigil ang pag-uusap namin nang marinig namin ang ma-otoridad at malamig na boses ni Miss Cromwell.
Mabuti na lang at nakapag-warm up ako kahit kaunti. Mabilis naming sinuot ang safety gears namin at pumunta sa kanya-kanyang pwesto.
Isang oras din ang ginugol namin sa pagpa-practice bago kami natapos.
"Nakakatakot talaga si Coach," hingal na wika ni Lily habang kinukuha ang towel sa loob ng locker niya.
"Yeah." Sang-ayon ko habang inaayos ang gamit ko. "Anyway, una na ako. Susunduin ko pa mga kapatid ko."
Ngumiti naman si Lily bago tumango. "Ingat ka. See you tomorrow."
"See you!" Paalam ko at mabilis akong umalis sa locker room. 5 PM kasi nagsasara ang library sa school ng kambal kaya kailangan andoon na ako before 5.
Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko sa may di kalayuan si Saryia kasama si Prof. Griffin.
"Saryia!" tawag ko, at agad naman niyang narinig iyon kaya agad siyang tumingin sa gawi ko. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila.
"Good afternoon po, Prof. Griffin." Bati ko sa professor na kasama niya.
Tumango lang si Prof. Griffin.
"Katatapos lang ng practice niyo?" tanong ni Saryia.
Tumango ako at akmang magtatanong sana kung bakit andito pa siya sa school, nang maalala ko ang kambal.
"Anyway, I need to go. Susunduin ko pa ang kambal. Bye, see you tomorrow."
"Hatid na kita."
"Hindi na. Maabala ko pa kayo ni Prof. Griffin." Umiling ako. "Goodbye po, Prof." Paalam ko rin sa professor.
"Hey, new shoes! Buti naman at naisipan mong bumili ng bago," napansin ni Saryia ang sapatos ko.
Napakamot ako ng ulo at ngumiti ng alanganin. "Ah–uhm. Bigay lang 'to." Nauutal kong sagot.
Napataas ang kilay ni Saryia. "EH?! SINO?! At kailan ka pa tumatanggap ng bagay sa ibang tao?!" Gulat na tanong niya.
Napadako ang tingin ko kay Prof. Griffin at nakita ko siyang nakangisi?
"Aish! Basta! Alis na ako!" Iwas ko sa tanong niya.
"Hoy! 'Di ka makakatakas sa amin bukas ni Shantelle!" Napatango na lang ako. Hinalikan naman niya ako sa pisngi bago ako tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
