Chapter 38

36K 1.1K 74
                                        


"Ma'am, bawal pa po talaga kayong gumalaw," pigil ng isang katulong sa akin nang magwalis ako dito sa garden ng bahay—more like mansion ni Miss Cromwell. "Kami po ang mapapagalitan."

Alam kong mayaman si Miss Cromwell, pero hindi ko akalaing sobrang yaman pala nito.

It's been a week simula noong magising ako from 'surgery' na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Isang linggo din akong nakahiga lang sa kama dahil sabi ng doctor kailangan kong kompletuhin 'yong antibiotic na naka-inject sa IV.

At kahapon nga nang makalabas na ako ay pinagbawalan naman akong gumalaw-galaw hanggang sa tuluyang maghilom ang mga sugat ko dahil sa operasyon.

Gusto ko na nga sanang umuwi, kaso sabi ni Miss Cromwell dito daw muna kami pansamantala hanggang sa gumaling na daw ako. Baka daw magkaroon ng infection ang sugat ko, at mas mabuti nang makasigurado daw kami.

Tumanggi pa ako noong una, pero dahil sa likas na nakakamatay ang kaniyang mga tingin, ay wala na akong nagawa. Kahit mga kaibigan ko ay ayaw akong pauwiin—isasama na natin ang kambal na gusto na atang tumira dito.

Nakakahiya.

Imbes na umiiwas ako do'n sa tao, ay hindi ko na magawa dahil araw-araw ko na itong nakakasama.

Hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa lahat ng ginastos ni Miss Cromwell sa amin ng mga kapatid ko. Paniguradong mahigit isang milyon na ang nagastos nito para sa amin.

Kaya kailangan kong magpagaling agad para makabalik na sa trabaho, dahil baka pag-uwi namin ng kambal ay wala na kaming bahay na uuwian.

Regarding naman sa studies ko, pinag-homeschool muna ako ni Miss Cromwell. Iyon din ang payo ng doctor, kaya heto ako ngayon, bored na bored na dito dahil buong maghapon lang akong nakatunganga—tapos ayaw pa akong payagan tumulong ng mga katulong ni Miss Cromwell.

Dinadalaw naman ako ng mga kaibigan ko minsan dito sa bahay para kamustahin ako. Most of the time, si Shantelle ang nakakasama ko dito dahil madalas na siyang tumatambay dito nang magsimula nga siyang ligawan ni Charlotte.

Si Saryia naman ay paminsan-minsan lang dahil busy din 'yon sa future wife niya. Habang si Ruelle ay busy sa trabaho nito, pero nadadalaw pa rin naman ako.

"Ate, hindi naman po mabigat ang pagwawalis, tsaka kaya ko ito." inilayo ko naman sa kanya ang walis na hawak ko.

Napansin ko rin na lumapit na sa gawi namin ang dalawang bodyguard ni Miss Cromwell na inutusan niyang bantayan ako habang nasa trabaho ito.

Ang OA lang. Hindi naman ako tatakas dito. Mas lalong hindi na ako bata para bantayan pa.

"Ma'am, utos po sa amin ng Reyna—"

"Reyna?" putol ko sa sinasabi ng bodyguard.

Tumango naman ito. Reyna? Sino? Si Miss Cromwell? Isang Reyna?! Eh?!

"M-Miss Cromwell is a Queen?" I gasped.

The heck?! I mean, she really looks like a queen, a goddess—but I didn't know that she's really a QUEEN!

Like, literally!

Damn. No wonder her house looks like a palace.

Holy shit. Ang kapal ng mukha kong magka-utang sa isang Reyna. Nayawa na.



"But why the heck is she working as a professor when she's literally a queen?!" I asked my friends, eyes bewildered.

Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang totoong Reyna talaga si Miss Cromwell, kaya nang dinalaw ako dito ng mga kaibigan ko ay agad akong nagtanong sa kanila. Mabuti nga at napadalaw sila.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon