Chapter 27

34.7K 1K 86
                                        

Nauuhaw ako. Feeling ko ang dry sobra ng bibig ko.

Minulat ko ang aking mga mata at puting kisame agad ang sumalubong sa akin. I roamed my eyes and saw Shantelle, who was also looking at me worriedly.

"Glad you're awake. You've been sleeping for almost 24 hours," ani nito na ikinagulat ko.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. "T-Tubig," hirap kong bigkas dahil ang sakit ng panga ko. Naalala ko, sinuntok pala ako ni David.

Mabilis naman kumuha ng tubig si Shantelle at iniabot ito sa akin, na agad ko namang ininom.

"How's Saphire? Where are they?" tanong ko.

"She's fine. Nagising na siya kagabi, nasa suite room sila. Para nga'ng hindi galing sa surgery," sagot niya. "But she's been looking for you. You worried us when you passed out while hugging Miss Cromwell yesterday."

"I didn't know."

"The doctor told us you were overfatigued and sleep-deprived, that's why you passed out," napabuntong-hininga siya. "Hindi mo na naman inaalagaan ang sarili mo."

I bit my lower lip. "I'm sorry, Shans," hingi ko ng tawad sa kanya.

"It's alright. Sobra lang kaming nag-alala sa'yo, lalo na ang kambal." hinalikan naman ni Shantelle ang ulo ko bago niya kinuha ang basong hawak ko. "Miss Cromwell was about to transfer you to Saphire's room, but we stopped her. Ayaw naming mag-alala ang kambal, lalo na si Saphire."

"Mabuti na lang. Salamat."

"Anyway, how are you feeling right now?" tanong niya.

"I feel good now," sagot ko. "Anyway, can I see them?"

"Let's wait for the doctor to check on you."

Akmang sasagot na sana ako nang bumukas ang pintuan at pumasok sina Saryia at Charlotte.

"Thank God you're awake!" mabilis na lumapit sa akin si Saryia at niyakap ako, gano'n din si Charlotte.

"Pinag-alala mo kami," sabi ni Charlotte nang kumalas sila sa yakap.

"I'm sorry," hingi ko ng tawad.

"Kung hindi lang sinabi ng doctor na overfatigued at sleep-deprived ka, aakalain ko na nahimatay ka dahil sa kilig noong niyakap mo si Miss Cromwell, eh," may nahihimigan akong tono sa boses ni Saryia.

Nakataas ang isang kilay akong nakatingin sa kanya. "Nahimatay sa kilig?" tanong ko, nagtataka.

"Oo, kinikilig ka noong bigla mong niyakap si Miss Cromwell." ngumisi siya ng nakakaloko at tinaas-baba pa ang kilay.

"Gago. Anong kilig pinagsasabi mo diyan! Nagpasalamat lang ako," asik ko at tinapon sa kanya ang isang unan.

Natatawa naman niyang pinulot ang unan sa sahig. "Oh. Bakit ka namumula diyan?" wala sa sarili akong napatakip ng mukha dahil sa sinabi niya, dahilan para pagtawanan nila ako.

Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko. Siguro dahil sa hiya nang yakapin ko si Miss Cromwell.

"T-Tigilan niyo ako!" sigaw ko sa kanila habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay ko sa mukha.

"What's happening here?" hindi ko alam pero bigla na lang tumibok nang mabilis ang dibdib ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

It was Miss Cromwell's voice. Bakit siya andito?

"Si Yvette kasi, Miss, kinikilig. Kaya namumula ang mukha ngayon," agad namang sabat ni Saryia, kaya tinapon ko sa kanya ang unan sa likod ko. Sakto sa mukha niya tumama pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa, gano'n din sina Shantelle at Charlotte.

"Kinikilig?" hindi ako ngayon makatingin sa direksyon ni Miss Cromwell nang magsalita siya.

Tangina. Anong nangyayari sa akin.

"See? She's blushing, Miss Cromwell," this time si Shantelle naman ang nang-aasar kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I-I'm not!" deny ko, kahit ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Your face is red, Martinez," sabat pa ni Prof Griffin na hindi ko namalayang andoon din pala.

Mabilis kong tinakpan ang mukha ko nang marinig ko 'yon. Bwesit. Nakakahiya. Lagot sa akin 'tong tatlong tukmol na 'to paglabas ko ng ospital.

"Why are you blushing anyway?" tanong ni Prof Griffin.

"Kasi future wife, naalala niya kahapon—"

"Miss Cromwell, Prof Griffin, bakit po pala kayo nandito?" putol ko agad kay Saryia at masama ko siyang tiningnan, pero ngumisi lang ang gago.

"Obviously, checking on you." ayan bumalik na ang pagtataray ni Miss Cromwell. Kahapon lang ang aliwalas ng mukha niya, tapos ngayon parang binagsakan ng mundo.

"I feel good na po. Maraming salamat po sa inyo," sagot ko at pinasalamatan sila.

Napatango silang dalawa ni Prof Griffin. "That's good to know," sabi ni Prof Griffin.

"For now, take good care of yourself. We'll talk in school on Monday," wika ni Miss Cromwell bago siya lumakad palabas.

"Get well soon, Martinez," sabi naman ni Prof Griffin bago niya sinundan si Miss Cromwell.

Nang makalabas na ang dalawang professor, napatingin ako sa tatlo kong kaibigang ngayon ay nakangisi sa akin.

"What?!" asik ko sa kanila at inirapan sila.

"'Take good care of yourself.'" ginaya pa ni Saryia si Miss Cromwell. "Naks naman, Yvette."

"Akalain mo 'yon, si Miss Cromwell pa talaga ang nagsabi niyan kay—"

"Pwede ba, tigilan niyo ako sa kakaasar niyo. Wala akong gusto kay Miss. Sapakin ko kayo eh," ingos ko.

Charlotte giggled. "Hindi naman namin sinabi na may gusto ka sa kanya, ah."

"Oo nga," segunda naman ni Shantelle.

"Napanghalataan ka na, Yve," sabay ngiti ni Saryia.

"Gosh. Stop, guys. Kung ano man 'yang iniisip niyo, tigilan niyo na dahil walang mapupuntahan 'yan. Goodness!"

Nakaka-stress sila, ah.

"How sure are you? Ate is single. And this is the first time I've seen her care for someone aside from me, her family, and close friends," ngisi ni Charlotte at nagkibit-balikat pa.

"Single?" kunot-noo ni Shantelle. "Hindi ba niya boyfriend 'yong lalaking pumupunta sa school at binibigyan siya ng bulaklak?"

"Ang assuming niyo talaga, magkaibigan. That's Kuya Jake, Ate's suitor. Not her boyfriend—yet."

Ohh. Akala namin jowa na, manliligaw lang pala.

"See, Yve? Manliligaw pa lang. May pag-asa," ani Saryia.

Yawa. "Maghunos-dili ka sa pinagsasabi mo, Saryia," asik ko. "At tsaka tigilan niyo ako, ha. Wala pa akong balak makipagrelasyon."

Napabuntong-hininga naman silang tatlo at nagkibit-balikat.

At tsaka kung papasok man ako sa relasyon, impossible naman 'yong iniisip nila. Like, hello? Miss Cromwell? Naka-shabu ata 'tong tatlo eh.

Hindi porket tinutulungan ako ni Miss ay mag-iisip na sila ng kung ano-ano. Hays. Kinain na ata sila ng pag-ibig.

I don't even have any feelings towards her. Yes, I admire her—but that's it. It is pure admiration, nothing more.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon