Nag-iisa akong naglalakad ngayon sa hallway papuntang library para pag-aralan ang magiging quiz namin mamaya kay Mr. Bartolome.
Hindi ko kasama si Saryia at Shantelle dahil ayaw kong maging thirdwheel. Tatambay kasi sila do'n sa office ng jowa nila. Si Ruelle naman ay sa lunes pa ang babalik galing sa ibang bansa, nauna na nga umuwi si Miss Kim dahil may pinaasikaso si Miss Cromwell sa kanya.
Nag-paalam naman na ako kay Miss Cromwell kanina na sa library muna ako tatambay para mag-aral, hindi ko kasi nadala ang cellphone na binili nito para sa akin. Nakakalimutan ko kasi minsan lalo na't di pa rin ako sanay.
Habang naglalakad papuntang library ay napapansin ko naman ang bulong-bulongan ng mga studyante habang may pinapanood sila sa cellphone nila.
"I told you, that's her."
"She looks like a crazy person here."
"Seems like the rumors about her being a slut were true."
"She's a pyscho— why is she even here?"
"She should be expelled."
"How dare she treat the Queen like that?"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa kanila. Mukhang may bago na naman silang pinagch-chismisan. Oh well, labas na ako diyan. Makiki-chismis nalang ako mamaya kila Shans at Saryia. #marites
Nang makarating na ako sa library ay nagtungo agad ako sa pinakalikod na aisle, doon ang usual area namin nina Shantelle at Saryia dati kapag nag-aaral kami o di kaya kapag gusto matulog ni Shantelle dito.
Tsaka ito rin 'yung area na walang ibang studyante na umuupo eh, nagtataka nga ako kasi medyo looban ito— mas maganda itong tambayan kung gusto mong matulog o mag-cutting class.
Habang okupado ako sa pagbabasa ay bigla nalang lumitaw sa Andrew sa aking harapan habang humihingal, may dala din itong cellphone.
Ngayon ko nalang ulit siya nakita pagkatapos ng pag-uusap namin nung nakaraan.
"Andrew, are you okay?" tanong ko dahil bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Imbes na sagutin ako ay inabot lang nito sa akin ang cellphone niya at may pinindot na video at pinanood ito sa akin.
And there I saw it—it was me. My clothes were covered in blood, my hair was disheveled, and I looked like I was in deep pain, screaming hysterically.
I really did look like a crazy person who'd just escaped from a mental hospital.
When was this? Why can't I remember it? Oh my God— I remember those clothes. This was when I was suffering from that terrible stomach ache. So, ito iyong sinasabi ng doctor at ng mga kaibigan ko na nakalimutan ko.
Wait—
Ako ba ang pinag-uusapan ng mga studyante?
Fuck.
Hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo mula sa aking mga mata, bigla ko nalang din nabitawan ang cellphone ni Andrew at nagsimulang manginig ang aking katawan.
"Yve..." may pag-aalalang bigkas ni Andrew. "Your body's trembling."
"That's her," napatingin ako sa isang studyante na nagsalita habang tinuturo ako. "That's the psycho girl in the video." she grimaced.
"Why is she here?!" asik naman ng isa pang studyante. "She should be expelled."
"What she did is embarrasing." nandidiring sabi pa ng isang studyante. "She's ruining the reputation of this university."
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
