Andito ako ngayon sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Miss Cromwell. Hinihintay ko siya para ibigay itong Hello na chocolate na may nakasulat sa likod na "Happy Birthday!"
I accidentally overheard Prof. Griffin earlier greeting Miss Cromwell a happy birthday.
Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko siyang bigyan ng regalo. Pasasalamat na rin sa lahat ng naitulong niya sa akin, lalo na para sa mga kapatid ko. At dahil wala naman akong pera pambili ng mamahalin na regalo, itong Hello na chocolate na lang ang naisip kong ibigay.
Actually, nagdadalawang-isip pa ako kung ibibigay ko ba talaga ito o hindi na lang, kasi nahihiya rin akong ito lang ang kaya kong iregalo.
Akmang itatago ko na sana sa bulsa ko ang tsokolate at aalis na lang, nang dumating bigla si Miss Cromwell.
"Are you waiting for me?" she asked, one eyebrow raised.
Natataranta naman ako dahil sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Lalo lang akong nahiya, kaya hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
"Martinez?" tawag ulit niya sa akin sa mas mapanuring tono.
Dahil sa sobrang kaba, nagsimula na ring manginig ang tuhod ko. Ramdam ko rinang bilis ng tibok ng puso ko—parang lalabas na sa dibdib ko.
Wala sa sarili kong hinawakan ang isang kamay niya at agad inilagay roon ang tsokolate. "H-Happy Birthday po, Miss Cromwell," mabilis kong bati, at bago pa man siya makareak, tumakbo na ako palayo.
Saka pa lang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas ako ng school grounds. Napaupo ako sa waiting shed sa labas habang pilit pinapakalma ang nanginginig ko pa ring tuhod.
Ilang minuto rin akong nanatiling nakaupo roon bago naisipang umuwi na. Malapit nang dumilim at kailangan ko pa sunduin ang kambal sa bahay nila Shantelle. Sila kasi ang nagsundo kay Saphire kanina—na-miss daw nila ito.
Bumalik na si Saphire sa pag-aaral kaya minsan na lang siya nakakapunta sa bahay nina Shantelle at Saryia. Pareho na rin kasing busy ang mga magulang ng dalawa.
Nang may dumaan na jeep na papunta sa village nila Shantelle, agad ko itong pinara at sumakay. Ilang minuto rin ang biyahe bago ako nakarating.
"Ma'am, kayo po pala. Wait lang po, tatawagan ko si Miss Delos Santos para ipaalam na nandito na po kayo," magalang na bati ng guard sa gate. Kilala na ako rito, lalo na't madalas kaming bumisita ng kambal.
"Maraming salamat po, kuya!" pasalamat ko habang naupo muna sa waiting shed sa gilid. Hindi sila basta-basta nagpapapasok, kaya kailangang maghintay.
Maya-maya lang, bumalik na si kuya guard. "Ma'am, papunta na daw po ang driver nila."
Tumango ako at muling nagpasalamat.
Nang dumating na ang sasakyan, agad itong huminto sa tapat ko. Sumakay na ako nang buksan ng driver ang pinto.
"Magandang hapon po, Ma'am," bati ni Kuya Paolo, ang driver nila Shantelle.
Ngumiti ako. "Magandang hapon din po, Kuya Paolo."
Pagkaupo ko nang maayos, agad niyang pinaandar ang sasakyan. Ilang sandali pa, dumating na kami sa bahay nila Shantelle.
Pagkababa ko ay agad akong binati ng isang kasambahay. "Magandang hapon po, Ma'am. Nasa pool area po sina Miss Shantelle."
Nginitian ko siya at sinundan papunta sa pool area. Pagkarating doon, iniwan na rin niya ako.
"Ateee!" sigaw ng kambal nang makita ako. Tumakbo sila papunta sa akin at agad akong niyakap.
Napansin ko rin na may protective plastic na nakatakip sa dibdib ni Saphire—para hindi ito mabasa o ma-infection. Magaling na ang sugat niya, pero kailangan pa ring maging maingat.
"Did you guys have fun?" tanong ko habang hinahalikan ang kanilang mga noo.
Tumango silang sabay. "Yes po!"
"Hey, Yve! Come here!" tawag ni Shantelle. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Hinalikan ko siya sa pisngi bilang bati.
"Anyway, since tomorrow is Saturday, why don't you guys have a sleepover here?" masaya niyang alok habang pumapalakpak.
"Yeyyy! Please, Ate!" sigaw ng kambal habang naglalaro sa mini pool.
Pinapayagan ko naman silang maligo sa pool kapag may pagkakataon, lalo na't minsan lang din sila makaligo sa ganito. May ilang damit din kami rito—binili ng parents ni Shantelle para handa na kami kapag may sleepover.
Actually, may sarili na kaming kwarto dito. Dati pa gustong-gusto ng mga magulang ni Shantelle na dito na kami tumira, pero tumanggi ako. Ayokong maging unfair sa parents ni Saryia dahil gusto rin nila kaming patirahin sa kanila. Kaya para iwas tampuhan, parehas ko silang tinanggihan.
"Okay, Jesse! Pakiayos ng kwarto nila dito," utos ni Shantelle sa isa sa mga kasambahay.
"Pala-desisyon ka?" asik ko sa kanya.
"As if naman may magagawa ka pa," sagot niya, sabay belat at tawa.
Napairap na lang ako.
"Thank you! I love you, Tita Shans!" sabay na sigaw ng kambal.
"I love you both, muah!" sagot niya pabalik at nag-flying kiss pa.
Spoiled na spoiled talaga ang kambal sa kanila ni Saryia.
"Wait here, I'll just call bansa," paalam niya habang papasok ulit sa bahay.
Kapag may sleepover kami, dapat kaming tatlo ang magkasama. Kaya kapag sa bahay ni Saryia kami natutulog, si Shantelle ang dumadalaw roon. Kapag dito naman, si Saryia ang dumadalaw, tapos sinusundo siya ng driver nila Shantelle. Buti na lang, magka-village lang sila—nasa west side lang ang bahay nila Saryia.
Ilang sandali pa, bumalik na si Shantelle, ngumunguya ng tsokolate. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa ko kanina—kaya nag-init ang pisngi ko.
"Hoy, bakit ka namumula diyan?" natatawang tanong niya habang naupo ulit sa tabi ko.
Inirapan ko na lang siya para itago ang pamumula ng mga pisngi ko.
"Anyway, bakit hindi mo inimbitahan si Charlotte?" tanong ko.
"Birthday ngayon ni Miss Cromwell, kaya may family dinner daw sila."
Oo nga pala. Minsan talaga nakakalimutan kong Cromwell si Charlotte. Ang layo kasi ng ugali nila ni Miss Cromwell. Siguro dahil kaibigan namin siya kaya parang hindi halata.
Akmang sasagot sana ako nang biglang dumating ang mga magulang ni Shantelle.
"Oh, hija! Mabuti naman at napadalaw kayo," bati ng mama ni Shantelle.
Agad akong tumayo at niyakap silang dalawa. "Magandang hapon po, Tita, Tito."
Binati rin nila ako at hinalikan sa pisngi.
"Momsy! Popsy!" sigaw ng kambal nang makita ang mag-asawa. Mabilis silang umahon mula sa mini pool at sinalubong ang mga ito ng yakap at halik.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Kahit hindi kami mayaman, ang daming taong tumuturing sa amin na parang pamilya.
Kaya sobrang nagpapasalamat ako—dahil may mga kaibigan akong kagaya nina Saryia at Shantelle. Kung wala sila, hindi ko alam kung kakayanin ko bang itaguyod ang kambal. Sobrang laki ng naitulong nila sa amin.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomantikYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
