Special C 2.2

31.7K 558 327
                                        

😏



Yvette Gwen




"Xari, Xiev, mama has a date with your momma tonight." kwento ko sa akin mga anak. "Ang saya ni mama kasi sila na ni momma niyo, ang saya ni mama sobra."

"Mama happy.... Xia happy." bulol-bulol na sambit ni Xarienne saka nagpakarga sa akin, si Xeivion naman ay nakabungisngis na nakatitig lang sa akin habang may hawak na laruan sa loob ng crib.

"Xia wuvwuv mama." napangiti ako ng malawak ng yakapin ako ni Xarienne. Minsanan lang maglambing sa akin si Xarienne ng ganito dahil most of the time mas gusto niya maglaro mag-isa. Si Xeivion talaga ang parating nakadikit sa akin.

"Mama loves you too and Xeiv." I responded, giving her cheeks lots of kisses.

Tatlong araw na ang nakalipas ng maging kami na ni Xeen, our friends didn't know it yet, well... di pa kami muling nagkita magkakaibigan dahil nung wednesday hanggang friday nag-online class lang ako dahil may meeting si Xeen sa company niya dito sa pilipinas. Sinama narin namin yung dalawang anak ko sa kompanya niya, hindi naman sila malikot basta ba't busog sila at may nilalaro.

Sabi ko naman kay Xeen kaya ko ng pumasok mag-isa at tsaka may bantay naman akong dalawa pero hindi siya pumayag, para daw yun sa kaligtasan ko dahil hindi pa natatapos yung weekly check ups ko sa aking doctor, at naiintindihan ko naman iyon.

Next month ikakasal na si ate Cleofel at Saryia, actually dapat nung nakaraan buwan pa yun pero na-move iyon dahil hindi pa raw makakauwi ang ate ni Saryia, kahit gaano pa ka-excited si Saryia na maikasal kay ate Cleofel ay mas gusto parin nito na andun ang ate niya lalo na't dalawa lamang silang magkakapatid.

"Hon," mabilis akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni Xeen. "I'm sorry, I forgot that today is ate Vera's second child birthday, can we reschedule our date tonight?"

Oo nga pala, iyon pala yung sabi ni ate Vera nung pumunta siya sa CU nung tuesday.

Marahan akong tumango kay Xeen saka ito nginitian. "Of course, Xeen. Wala naman problema sa akin yun." sagot ko sa kanya.

"Thank you, Hon." kinikilig na naman ako sa endearment niya.

Yvette Gwen, kalmahan mo. Hawak mo yang anak mo, huwag mong ipahalata masyado na patay na patay ka sa momma niyan.

Nahihiya lamang akong tumango kay Xeen saka ibinigay sa kanya si Xarienne dahil iniabot nito ang kanyang dalawang maliliit na kamay sa kanya. Mukhang Xeen ang batang 'to, di lang mukha pati ugali nakuha niya kay Xeen.

"Hello, my gorgeous love." kausap ni Xeen kay Xari saka ito pinugpog ng halik kaya napahagikhik ito, at sa totoo lang tanging si Xeen lamang ang nakakapagpatawa kay Xarienne ng ganyan.

"Momma wuvwuv."

"I love you more, my love."

Sa amin kasi kung di tipid na ngiti, taray ang nakukuha namin. Napapatawa ko naman siya minsan, pero kapag naglalambingan lang kaming dalawa sa isa't isa.

"Mama..." napatingin ako kay Xeivion ng tumayo na ito sa loob ng crib saka iniabot sa akin ang kamay niya kaya agad ko siyang binuhat. "Mama dede..."

Umaga pa lang kaya naghahanap na ng dede ang isang 'to, mabilis akong umupo sa sofa na malapit sa crib at tinignan ang pintuan kong nakasara ba yun at na-ilock naman iyon ni Xeen kaya mabilis kong iniangat ang aking pantulog na damit para makadede si Xeivion.

Hindi pa kasi ako naliligo dahil sabado naman ngayon kaya pantulog palang ang suot ko.

"G-Gwen..."

Napatingin ako kay Xeen na buhat-buhat parin si Xarienne ngayon, agad kumunot ang noo ko ng makitang halos pula na ang buong mukha niya.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon