Chapter 24

32.9K 1K 80
                                        

Shantelle immediately hugged me when she saw me approaching them. "I don't need to ask if you've won because I already know you will, so... congrats!"

I'm here now at the hospital after the game. I didn't bother looking to see if I had aced my target because I'm confident enough that I did, especially when the audience went wild.

I didn't even say goodbye to Miss Cromwell or to my members. Pwede naman na sila na lang kumuha ng award ko, alam naman kasi nila ang kalagayan ko ngayon.

Sumunod naman yumakap si Saryia sa akin pagkatapos niya akong batiin. Nagpasalamat naman ako sa kanila pagkatapos kong halikan ang mga pisngi nila.

"Assia's not here yet?" tanong ko nang hindi ko makita si Cassia.

"Mom insisted to fetch her," sagot ni Shantelle at inalalayan akong makaupo sa bench sa labas ng ICU kung nasaan si Saphire naka-confine ngayon.

At dahil sa pagod, nagpatianod na lang ako at umupo. Mamaya na lang ako papasok sa loob ng ICU kapag nagising na ulit si Saphire.

Bumuntong-hininga ako at pilit pinapakalma ang sarili dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon, lalo na't hindi ako tumupad sa usapan namin ni David.

I trust Miss Cromwell, I do.

"Pwede ba munang sa inyo si Cassia habang hindi pa nakakalabas ng hospital si Saphire? Baka kasi magkasakit siya dito at alam kong sobra na ring nag-aalala 'yon," baling ko sa dalawa kong kaibigan.

"Of course."

"No problem."

Sabay na sagot naman nilang dalawa.

"Ang swerte ko talaga sa inyo. Kaya mahal na mahal ko kayo eh, kahit ang sarap niyong paghahampasin minsan," I joked to lighten the mood. Halata din kasi sa mga mukha nila ang pag-aalala sa aming magkakapatid.

Napairap naman si Shantelle habang pinalo naman ni Saryia ang braso ko.

"Sadista mo talaga, masakit pa braso ko dahil sa laro kanina." hinaplos-haplos ko naman ang brasong pinalo nito. It's not really that painful, nagd-drama lang ako and she knows it.

"Neknek mo," ingos agad ni Saryia.

"Martinez!" bigla kaming napalingon sa taong tumawag sa akin at nakita kong si David ito, at halata sa pamumula ng mukha niya na galit na galit siya. Suot pa rin niya ang safety gear niya.

Napalunok naman ako dahil hindi siya nag-iisa ngayon. Kasama niya ang mga bodyguard niya.

Kaagad naman niyang hinawakan ang kwelyuhan ko kaya napatayo ako. "Pinahiya mo ako," asik nito. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang galit.

Itutulak na sana siya ng mga kaibigan ko nang hawakan din sila ng dalawa sa tatlong tauhan na kasama ni David.

"Let me go," rinig kong asik ni Saryia sa bodyguard na humawak sa kaniya.

"My parents will hear about this." nakita ko na pinapalo-palo ni Shantelle ang kamay ng bodyguard na nakahawak sa kaniya.

Bumalik ulit ang atensyon ko kay David nang mas lalo nitong higpitan ang pagkahawak sa kwelyuhan ko, dahilan upang mahirapan akong huminga. "L-Let us go, David," nahihirapang usal ko.

Pero mukhang nakain na ito ng galit dahil mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahawak sa aking damit bago ako mabilis na sinuntok sa mukha kaya napasubsob ako sa sahig.

"Yvette!" sabay na sigaw ng dalawa kong kaibigan.

Tangina. Ang sakit. Napahawak ako sa aking pisngi na sinuntok nito. Nalalasahan ko pa ang dugo sa aking bibig.

"We had a deal." napaatras ako nang maglakad papalapit sa gawi ko si David. Hindi pa rin nawawala ang galit sa pagmumukha nito. "You broke our fucking deal, Martinez!" galit na galit na sigaw nito.

Napansin ko rin na nakuha na namin ang atensyon ng ibang nurses at doctors dito pero hindi man lang nila magawang tulungan ako.

Fucking shit. Nag-doctor at nurse pa sila. Sabagay, magulang nga naman pala ni David ang nagmamay-ari ng hospital na ito, sino ba naman ang hindi matatakot.

And I'm just a mere poor human being.

"Please stop." isinangga ko ang aking dalawang braso at napayuko nang aambahan na naman ako nito ng suntok, pero nagulat na lang ako nang biglang bumulagta si David sa sahig.

"Shit. Hot mammeh," rinig kong bigkas ni Saryia.

"Bansa, now is not the time to ogle at Prof Griffin! Help Yvette!" narinig ko naman ang paghampas ni Shantelle sa braso ni Saryia.

Mabilis na lumapit sa direksyon ko ang dalawa kong kaibigan at inalalayan akong tumayo.

"Shit. You bruised your cheeks and lips," ani ni Shantelle at marahang sinuri ang mukha ko.

"That fucktard," pagmumura naman ni Saryia.

"Rodriguez, language!"

"Sorry, mammeh," paumanhin naman nito agad.

Saka lang nabaling ang tingin ko kay Prof Griffin. Siya pala ang sumuntok kay David dahil malapit ito doon. Napansin ko rin na nakahandusay na sa sahig ang tatlong bodyguard ni David.

Ngayon ko lang din napansin na andito din si Charlotte at may kasama silang mga nurses at doctors na galing sa ibang hospital.

"Anong nangyayari?"

Yawa. Ang sakit sa panga magsalita. Nakakaiyak.

Bumaling agad ang tingin ni Prof Griffin sa akin. "Ililipat ng hospital ang kapatid mo," sagot nito. "Mr. Sy here," tukoy niya kay David, "had no real intention to help you." agad akong napasinghap at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya.

"A-Ano pong ibig niyong sabihin?" sa pagkakaalam ko, wala akong ibang sinabihan sa naging deal namin ni David.

"Yve, sinabihan ako ni Assia sa naging usapan niyo ni David noong Thursday." napabaling naman ako kay Saryia nang magsalita ito. Right, Assia was there when David talked to me. I didn't know she heard us because I thought she was sleeping in my chest.

Seems like it was Saryia who told Prof Griffin and Miss Cromwell. So, all this time they knew that I'm gonna intentionally lose the game.

"Anong usapan?" nagtaka naman si Shantelle na napatingin sa amin.

"Oh right. I forgot to tell you." Napakamot agad ng ulo si Saryia at napangiwi nang tinignan ito ng masama ni Shantelle.

Uh-oh.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon