Saryia's
We are currently at the cafeteria right now, eating our food, when Miss Cromwell and my future wife, Prof. Griffin, joined us at our table kasi halos punuan na rin ang cafeteria.
Actually, nakita ko lang si future wife kanina na naghahanap ng mauupuan, tapos napansin ko pa na halos okupado na lahat ng upuan kaya tinawag ko ito. Hehe.
Ayaw ko naman na maki-sit-in sa iba ang future wife ko. Ano sila, siniswerte?
Minsanan lang sila kumain dito sa cafeteria kasi most of the time, kung hindi sila busy, sa labas sila kumakain. Silang dalawa parati magkasama since magkaibigan sila. Parehas din yelo. Pero mas yelo pa sa lahat ng yelo si Miss Cromwell kumpara sa future wife ko.
"Good noon, Professors." Magalang na bati naman ni Shantelle sa kanila, na tinanguan lang ng dalawa.
"You guys sure eat a lot," wika naman ni Prof. Griffin nang makaupo na sila. Magkatabi naman kami ni Shantelle, tapos kaharap namin silang dalawa.
"Oh no. These two are for Yvette, Prof," sagot naman ni Shantelle kay Prof. Griffin. "Pero mamaya pa konti 'yon at nasa trabaho pa."
"Work?" nakataas kilay na tanong ni Prof. Griffin.
Tumango naman kami. "Yeps. She works here at the kitchen area of the cafeteria, Prof," ako na ang sumagot.
Napatango naman siya habang ang katabi nito ay busy lang sa pagkain at walang pakialam sa paligid. Ayaw din naman namin kausapin, baka mamaya bumuga ng apoy. Jusko. Magpapakasal pa ako kay Prof. Griffin.
"Tang-ina mo Shans—"
"Language, Rodriguez!" agad na saway sa akin ni Prof. Griffin nang magmura ako. Nakalimutan ko na andito pala sila sa harap namin.
Namumula naman akong ngumiti at humingi ng paumanhin sa kanila. Paano ba naman kasi itong si Shantelle, nilagay sa pagkain ko ang lettuce ng in-order niyang burger—eh kakadiri kaya 'yon. Argh. Pahamak ang bruha.
Baka ma minus points ako sa puso ng future wife ko.
Ilang sandali pa ay nakita na namin si Yvette papunta sa direksyon namin ni Shantelle. Parang wala ata ito sa wisyo dahil pagkarating niya ay umupo lang siya bigla sa upuan katabi ni Miss Cromwell na medyo nagulat pa—pero hindi pa rin ito napapansin ni Yvette.
Pero in fairness, ngayon ko lang nakitaan ng gano'ng reaksyon si Miss Cromwell. She's always passive kasi. Di ko alam, magugulatin pala siya.
Agad naman naming inabot ni Shantelle ang pagkain niya na binili namin para sa kanya. We know her situation, and as much as possible, we try to help her in a way that she'll accept our help. Ma-pride din kasi ang bruha kaya hindi lahat ng tulong namin tinatanggap niya, maliban na lang kung kailangan niya talaga at siya mismo ang hihingi ng tulong sa amin. Pero mabuti na lang at di siya umaangal kapag kami na ni Shantelle ang bumibili ng lunch niya dito sa school.
"Thanks, guys," paos na wika nito habang nanginginig ang kamay na inabot ang tinidor.
Agad naman akong nabahala—alam kong pati rin si Shantelle dahil hindi naman siya ganyan kapag kumakain kami.
"Hey, Yve, you okay?" alalang tanong ni Shantelle.
Napansin ko na rin na nakuha na pala namin ang atensiyon ng dalawang professor, lalo na si Miss Cromwell, na hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon habang mariin lang nakatingin kay Yvette.
Tumango naman si Yvette at tinignan kaming dalawa ni Shantelle bago kami nginitian ng tipid. Hindi niya pa rin ata napapansin 'yong dalawang professor.
I know there's something wrong. Ayaw niya lang sabihin.
"Why are your hands shaking?" I asked worriedly.
Napabuntong-hininga naman ito nang malakas, na pati 'yong dalawang professor ay narinig ito. Ilang segundo pa ay para na itong naiiyak dahil suminghot-singhot na siya.
"Kas–kasi i-iyong sapatos k-ko," nauutal na wika nito at parang naluluha na. "I-iyong bago kong sapatos n-ni-holdup s-sa akin." At tuluyan na nga siyang naiyak.
"ANO?!" sabay na sigaw namin ni Shantelle.
"What happened? Are you okay?!" I asked, not minding the stares we're getting from the other students in the cafeteria.
"Sige, lakasan niyo pa boses niyo." Napairap naman ito sa amin habang patuloy pa rin sa pagluha ng mga mata niya.
"Ano nga nangyari?" Mahinahon na tanong ni Shantelle.
Mas lalo namang napaiyak si Yvette. "I-iyong sapatos, b-bigay lang 'yon sa akin," she stuttered as she tried to dry her tears. "H-hinabol ko naman y-yung magnanakaw tapos n-nung nahabol ko, may kutsilyo pala siyang dala kaya wala na akong na-nagawa."
"Are you stupid, Yvette?! Dapat hinayaan mo na lang! Paano kung sinaktan ka, ha?!" singhal ko naman dito.
"P-pero importante 'yong sapatos, t-tapos baka pagalitan ako ni Coach," iyak naman ulit nito. "A-ano gagawin ko, mas mahal pa 'yon kaysa sa pagkatao ko," dagdag pa nito.
"Stupid. So stupid of you," napapailing na bigkas ni Shantelle. "Pwede ka naman namin bilhan ng sapatos. Dapat hinayaan mo na lang 'yon kaysa naman mapahamak ka pa." Mahabang litanya naman nito. "Mabuti na lang di ka sinaktan."
Humalukipkip naman si Yvette at marahang inayos ang suot na jacket nito—na ngayon ko lang napansin. Nagtataka naman akong napatingin dahil sa pagkakaalam ko, hindi ito mahilig mag-jacket.
"Yvette, why are you wearing a jacket?" nakataas kilay na tanong ko.
Andito pa rin pala ang dalawang professor namin at maiging nakatingin kay Yvette na nakayuko lang. Makikita naman sa mukha ni Prof. Griffin ang pag-aalala. Hindi ko naman mabasa ang emosyon ni Miss Cromwell, pero mariin pa rin itong nakatingin kay Yvette at hindi na kumakain pa, unlike earlier na busy lang ito sa pagkain. Nakuha ata namin ang atensyon nito.
"A-ahm, it's cold?" patanong na sagot nito.
"Cold?" pag-uulit naman ni Shantelle sa hindi makapaniwalang boses.
Napakagat naman ng labi si Yvette at marahang tumango, indikasyon na nagsisinungaling ito.
"Yvette Gwen—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang tumunog ang bell, indikasyon na 10 minutes na lang ay klase na—which is klase namin kay Prof. Griffin.
Kaagad na tumayo si Yvette pero napaaray ito nang sumagi ang braso niya sa kamay ni Miss Cromwell. Nagulat naman si Yvette nang makita ito—parang ngayon niya lang ata napagtanto na katabi niya ang dalawang professor.
"M-Miss Cromwell, I'm—I'm sorry po," she stuttered while tears were starting to build up in her eyes.
Mariin lang nakatingin sa kanya si Miss Cromwell. Tapos ilang sandali pa ay tinignan ni Miss Cromwell si Prof. Griffin.
"Please excuse Miss Martinez from your class, Beau," malamig na wika nito bago ibinaling ulit kay Yvette ang paningin.
Nagtataka naman naming tinignan ang dalawa.
"Alright. You two, let's go ahead," baling naman sa amin ni Prof. Griffin.
Tumango lang kami habang tinignan si Yvette na umiiyak pa rin habang nakayuko.
"Yve, you'll explain later," paalam naman namin ni Shantelle dito na tinanguan lang niya.
"She'll be fine, Rodriguez," my future wife said habang nakasunod naman kami sa kanya.
Wala sa wisyong napatango na lang kaming dalawa ni Shantelle dahil hindi pa rin namin maiwasang mag-alala kay Yvette.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomansaYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
