Finally, finally!
I missed this university. Kahit madalas akong ma-bully dito, hindi ko pa rin maiwasang mamiss ito. Sa wakas, hindi na ako parang tangang nabobored sa mansion ni Miss Cromwell.
"Yaaay Yveee! Finally! Na-miss ka namin dito!!!" agad akong sinalubong ng yakap ng dalawa kong kaibigan.
"Oh, careful guys. Iyong tahi niya sa tiyan," paalala naman ni Charlotte sa kanila bago niya rin ako niyakap.
"Thank you guys! Na-miss ko rin ang pumasok," masaya kong sambit.
Kumalas na sila sa yakap kaya nagsimula na kaming maglakad. Nagpaalam na rin ako sa driver ni Miss Cromwell. Hindi kami sabay pumasok kasi mas maaga pala siyang umaalis ng bahay dahil dumadaan muna siya sa kompanya niya. Iyong kambal naman, may sarili ring driver na naghahatid.
"So, I heard from Cleo that you're now working for Miss Cromwell," ani Saryia.
Napabuntong-hininga ako bago marahang tumango. "Personal assistant daw," walang ganang sambit ko.
"Bakit parang hindi ka masaya? Ayaw mo no'n? Mas lalong malapit ka sa taong gusto mo," sabay taas-baba pa ng kilay ni Saryia.
Inirapan ko siya. "Eh, kailangan ko nga pigilan, diba? Kasi imposibleng magugustuhan ako no'n," asik ko.
"Look at me and Cleo. Akala ko nga hindi ako nito magugustuhan, eh."
"Sary, magkaiba naman tayo ng estado sa buhay eh. Mayaman ka, ako ay isang hamak na hampas—"
"Continue that and I will really slap you," putol ni Shantelle sa sasabihin ko.
Agad kong itinikom ang bibig ko saka sumimangot. Ang sakit pa naman niyan manghampas—sampal pa kaya?
"My sister will not care about your life status, Yve," ani Charlotte.
Alam ko naman 'yon. Tinutulungan niya nga kami, eh. Miss Cromwell may be cold-hearted, but I know deep inside she's really a good samaritan—natatabunan lang ng nakakatakot niyang face expression.
Oopsie. Okay lang, sobrang ganda niya pa rin naman.
"In case you forgot, she has a suitor," sagot ko kay Charlotte. "And we don't even know if your sister is straight or whatsoever," dagdag ko.
"Who knows? Malay mo naman, diba?" kibit-balikat na sagot ni Saryia.
"And also let's not forget that SHE IS A QUEEN!" I exclaimed. "Her being a queen is enough reason for me to stop these feelings I have for her." I said with finality.
Napailing na lang silang tatlo at hindi na sumagot. Why are they pushing me towards Miss Cromwell anyway? Hindi naman sila 'yong masasaktan.
Gusto ata nila ng friendship goals ang mag-jowa ng professors.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa classroom. First subject namin ngayon si Miss Cromwell—mukhang makikita ko na naman ang pagtataray nito.
Hindi na kasi ito madalas nagtataray sa bahay dahil na rin sa kambal. Mabuti na lang 'yon kasi ayaw ko namang lumaki ang kambal na makuha ang attitude ni Miss Cromwell na mataray, tapos may tinatagong kabaitan naman pala.
Lalo na si Cassia, na alam ko talagang may attitude. Kaya nga ramdam kong may paghangang nararamdaman ito kay Miss Cromwell—parang ginagaya niya ito.
Oh Lord, gabayan niyo po si Cassia at ang pagka-mataray nito.
"I'll see you later, love." my eyes widened when Shantelle and Charlotte kissed. It was just a quick kiss, but still... it caught me off guard.
Holy shit.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
