Lantang gulay akong napaupo sa upuan dito sa loob ng cafeteria at agad napapikit ang mata, hindi iniinda ang ingay ng ibang estudyante sa sobrang pagod ko. Unang araw pa lang ng pasukan pero pagod na pagod na ako kahit hindi pa talaga nagsisimula ang araw.
Halos dalawang oras lang kasi ang naitulog ko kagabi dahil binantayan ko si Saphire—inaatake na naman kasi ng asthma. Takot din ako baka ma-trigger 'yong puso niya. Kaya eto ako ngayon, parang lantang gulay at pakiramdam ko'y sumabak sa gyera sa sobrang sakit ng katawan ko.
"Is something wrong, Yvette?" tanong ni Saryia, may pag-aalala sa boses.
I sighed. "Nothing, just exhausted," sagot ko.
"May isang oras ka pa para matulog. Gusto mo bang punta muna tayo sa library para makatulog ka kahit sandali?" suhestiyon naman ni Shantelle.
"Hoy, tangina mo! Kailan pa naging tulugan ang library?!" asik ni Saryia. "Dinamay mo pa si Yvette sa kagaguhan mo."
"Tangina mo rin! Eh sa doon ako tumatambay kapag gusto ko matulog, eh. Mas masarap matulog do'n," sagot naman ni Shantelle sabay irap.
Kaya minsan kapag absent si Shantelle sa klase namin, alam na namin—nasa dreamland na 'yon at hindi mo na magigising hangga't di nakukumpleto ang beauty rest niya.
Magkakapareho kaming tatlo ng kursong kinuha dahil ayaw nilang mawalay sa akin. Wala na daw silang makokopyahan kapag ibang kurso ang pinili nila. Parehas ba naman... bobo. LITERAL!
Kaya malamang kapag nagtrabaho na rin ako, susunod din ang dalawang 'yon sa akin. Pwede rin naman na 'di na sila magtrabaho—mayaman naman sila.
"Kapag nakatulog ako ngayon, baka hapon na ako magising. May pasok pa ako mamayang tanghali sa cafeteria at may practice pa ako ng archery mamayang hapon," sabi ko para matigil ang dalawa sa pagbabangayan.
I'm an archery scholar here in Cromwell University. Simula senior high school pa lang ay defending champion na ako. Kailangan kong panatilihin 'yon para hindi ako matanggalan ng scholarship.
Magaling ako sa archery. Simula bata pa lang ako ay gusto ko na ito. Kaya noong nag-aaral na ako ay sumasali na ako sa mga palaro sa paaralan para mas ma-enhance ang skills ko. Mabuti na lang at nirecommend ako ng isa kong guro noong grade 10 sa Cromwell University. At dahil defending champion ako noon, nakapasa ako sa scholarship ng CU.
Sa pagkakaalam ko, sampu lang kaming scholars dito sa Cromwell—apat ang nasa volleyball women's team, tatlo sa basketball boys team, at tatlo sa archery—kabilang na ako ro'n.
"Mabuti na lang at 4 units lang ang kinuha mo this sem," wika ni Saryia.
"Oo nga. Ngayon pa lang parang sumabak ka na sa gyera," segunda naman ni Shantelle.
Sinadya kong apat na units lang ang kunin para may oras pa ako sa trabaho, practice, at pagsundo sa mga kapatid ko. Sa summer ko na lang kukunin ang ibang subjects para kahit papaano ay makagraduate din ako ng maaga.
"Inatake kasi ng asthma si Saphire, kaya dalawang oras lang tulog ko," buntong-hininga ko at kinuha ang iniinom ni Shantelle na milktea.
"Bakit di mo sinabi? Kamusta siya?" tanong ni Shantelle, halatang nag-aalala.
"Let's bring her to the hospital!" biglang tayo ni Saryia.
Napangiti ako. "She's fine now. Pumasok pa nga, eh."
Saryia sighed in relief. "May mga gamot pa ba siya?"
Tumango lang ako, kahit sa totoo lang ay paubos na ang gamot niya. Ayoko lang umasa pa sa kanila, dahil sobra na rin ang naitulong nila sa amin.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
