Shantelle's
"Bansa, wala pa rin si Yvette," sabi ko kay Saryia habang abala akong nag-aayos ng gamit ko sa bag. Kinalkal ko kasi ito kanina dahil hindi ko mahanap ang cellphone ko. Nakalimutan ko, nasa bulsa ko lang pala.
Tuesday ngayon at nasa loob na kami ng classroom. We're waiting for Yvette, pero wala pa rin siya. Hindi naman siya 'yong tipo na nalalate. Limang minuto na lang at tutunog na ang bell.
"May nangyari kaya?" kinakabahang tanong ni Saryia.
Kung bakit kasi ayaw pa rin mag-cellphone ni Yvette, kaya hindi namin siya makontak. Hindi tuloy namin alam kung anong nangyayari sa kanya. Kagaya ngayon—hindi talaga maiwasang mag-alala.
It's so unlike her to be late.
Ilang sandali pa, pumasok na ang substitute ni Miss Cromwell.
"Wala pa rin si Miss Cromwell? Akala ko nakauwi na sila kahapon?" bulong ni Saryia sa akin.
Nagkibit-balikat ako. Wala kasi ako sa mood makipag-usap—ang iniisip ko ngayon ay si Yvette. Mukhang absent siya ngayon.
Habang nagsisimula na si Mrs. Maneja sa klase, biglang may kumatok sa pinto kaya napatigil siya sa pagsasalita. Pagkabukas ng pinto, lumitaw si Charlotte at lumapit sa desk ni Mrs. Maneja para may ibulong.
"Rodriguez, Delos Santos, you're excused for today," tawag sa amin ni Mrs. Maneja.
Nagkatinginan kami ni Saryia at parehong nagtataka. Napatingin kami kay Charlotte pero tinanguan lang niya kami kaya mabilis naming inayos ang gamit namin at lumabas ng classroom.
"Anong nangyayari?" bulong ni Saryia.
"I don't know," buntong-hininga ko.
Pagkasara ng pinto, agad kaming sinalubong ni Charlotte. Halata rin sa boses niya ang pag-aalala. "Ate called me. It's Yvette."
Sa narinig ay bigla akong kinabahan.
"A-anong nangyari kay Yvette?" tanong ni Saryia na nanginginig ang boses.
"Sinugod sa ospital. Let's go—now."
Kahit hindi pa pumapasok sa utak ko ang sinabi niya, sinundan ko na lang siya papuntang parking lot.
Pagdating namin, agad kaming sumakay sa sasakyan niya. Si Saryia sa likod, ako sa harap.
"Charl, bakit dinala sa ospital si Yvette?" tanong ni Saryia habang palabas na kami ng school premises.
"Hindi ko rin alam. Tinawagan lang ako ni Ate. Kasama raw niya si Yvette at ang kambal."
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "I-is she okay?" paos kong tanong.
Kinuha naman ni Charlotte ang kamay ko. "I don't know."
Wala na muling nagsalita sa amin. Tahimik naming binagtas ang daan papuntang ospital. Mukhang sa Griffin Group of Hospitals kami pupunta.
Ilang sandali pa, dumating na kami. Basta na lang pinark ni Charlotte ang sasakyan sa gilid ng emergency entrance.
Mabilis kaming bumaba at naglakad papasok. Pagpasok namin, agad naming nakita sina Miss Cromwell, Prof. Griffin, at ang kambal na nakaupo sa kandungan nila.
"Tita Shans! Tita Sary!" sigaw ng kambal habang tumatakbo papunta sa amin.
"Shhh," bulong ko kay Saphire habang binubuhat ko siya.
"Ate won't wake up," iyak ni Cassia habang buhat-buhat ni Saryia.
Nagkatinginan kami ni Saryia at nilapitan sina Miss Cromwell at Prof. Griffin.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomansaYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
