"M-Miss Cromwell," tawag ko kay Miss Cromwell. Andito siya sa sala kasama sina Prof. Griffin at Miss Kim. Katatapos lang ng meeting nila kanina sa loob ng opisina ni Miss Cromwell dito sa mansion.
Nakataas ang isang kilay ni Miss Cromwell habang nakatingin sa akin. "What did I say about my name?"
Oh shit.
Don't tell me kahit may ibang tao, tatawagin ko pa rin siya sa pangalan niya? Hindi ba nakakahiya 'yon kina Prof. Griffin at Miss Kim? Baka isipin nila wala akong respeto sa professor.
"Gwen?" usal nito sa pangalan ko na para bang hinihintay akong sabihin ko ang pangalan niya.
I fake a cough. Bahala na. "Ah... X-Xeen," mahinang bigkas ko ng pangalan niya.
Nakita ko namang umiling-iling ang dalawang professor na kasama niya habang nakangisi.
"Yes, Gwen." Miss Cromwell grinned.
Hindi ko alam pero mukhang gusto talaga niya na tawagin ko siya sa pangalan niya.
Simula talaga no'ng nag-stay kami dito ng kambal, iba't ibang emosyon na ang nakikita ko sa kaniya. Ngumingiti siya kapag kaming tatlo lang ng kambal ang kasama niya. Minsan nga, tumatawa pa siya habang nakikipaglaro sa kambal.
Ang gaan-gaan ng aura niya—hindi kagaya kapag nasa university kami na isang pagkakamali mo lang, magpapaalam ka na agad sa mahal mo sa buhay.
It's like I'm seeing a different version of her, which I'm happy for, kasi feeling ko ang swerte ko na natutunghayan ko ito.
Nasasanay na rin ang puso ko sa presensya niya. Kumakabog pa rin ito ng malakas pero hindi na kagaya dati na halos hindi na ako makahinga. Nakakalungkot nga lang kasi sa bawat araw na lumilipas, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Which is mali... Una, may suitor siya na mas deserving pa sa akin. Pangalawa, isa lang akong hamak na hampaslupa na may malaking utang sa kanya. Panghuli, I am nothing. I don't have anything to offer.
That is why I need to leave this mansion—to save myself from drowning deeper.
"Gwen."
Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ulit ang pangalan ko.
I sighed and bit my lower lip. "Magpapaalam na po sana kaming umalis ngayon." Hopefully, pumayag siya.
Nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya. "No." may diin bigkas nito. "You'll be staying here from now on."
Ano raw? Dito na kami titira? Shit. Hindi pwede! Kahit saan, huwag lang dito.
Mabilis akong umiling. "Nako. Nakakahiya na po, Xeen." pagtanggi ko.
Bakit ba ayaw niya kaming pauwiin?
"Where will you stay then?" she arched her eyebrows while crossing her arms.
"Uh... sa bahay na inuupahan po namin?" patanong kong sagot.
"Ohh. You didn't know?"
Anong hindi ko alam?
"That house will be scheduled to be demolished this coming Friday?" Hala. Ano raw?!
Mad-demolish na ang lugar kung saan kami umuupa? Bakit hindi ko alam?! Ay, oo nga pala, wala akong cellphone at hindi rin ako nakakalabas dito.
"Ano po?!"
"You heard me."
"Mad-demolish na po ang inuupahan namin?" pag-uulit ko.
She nodded. "I was there earlier to check on something, but then the owner suddenly told me that they want to renovate the house."
Hala. Mga gamit namin doon...
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
