Chapter 23

33K 1.1K 154
                                        

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ruelle, umalis na rin ito kasama ang coach niya. Habang si Coach Cromwell naman ay pinuntahan muna sina Lily at Andrew na nagp-praktis. Silang dalawa kasi ang mauuna, tapos susunod naman si Ruelle bago ako.

Nagsimula na ang laro at gaya ng dati, hindi ko ito pinanood. Tsaka mamaya pa naman ang laban ni Ruelle. Naisipan kong maglakad-lakad na rinmuna.

Binati ko na rin sina Lily at Andrew kanina pa. Alam na rin naman nila na hindi talaga ako nanonood ng laban.

Hindi makakapunta ang dalawang kaibigan ko dahil sila ang nagbabantay ngayon sa ospital kung saan kasalukuyang naka-confine si Saphire.

She's in a critical condition right now. Kahit gustong-gusto ko nang hindi pumunta dito, hindi pwede dahil alam ko naman na gusto ni David na mapahiya ako sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng pagkatalo ko sa laro.

Kung hindi lang dahil sa kapatid ko, baka nasapak ko na siya. Ey, feeling strong is me.

And speaking of the devil, David walked towards my direction with a smile plastered on his lips. Guwapo sana kaso demonyo naman.

Kanang kamay ata ni Satanas 'to, eh.

Napahinto ako sa paglalakad nang huminto siya sa harapan ko at nginitian ako ng makahulugan. "Huwag mong kakalimutan ang usapan natin, Martinez. Puso ng kapatid mo ang nakataya dito."

Inirapan ko naman ito. "Marunong akong tumupad sa usapan, David. Sana ikaw din."

"Pagkatapos ng laro mamaya, saka ko ibibigay sa doktor ng kapatid mo ang pusong kailangan niya," sabi nito bago ako tapikin sa balikat at umalis.

Wala sa sariling napatingala ako upang pigilan ang sariling maluha.

Actually, tinutulungan naman ako nina Saryia at Shantelle, pati na rin ang mga magulang nila. Pero critical na ang kondisyon ni Saphire at kailangan na niya ng heart transplant. Kaso wala kaming mahanap na compatible sa kanya. Isama pa natin na pang-sampu pa siya sa listahan bago makapag-transplant dahil may mga nauna pa sa kanya.

Kaya wala akong ibang choice kundi tanggapin ang offer ni David. Ayaw ko pang maniwala na may nahanap siyang compatible na puso para kay Saphire, pero dahil pagmamay-ari nila ang ospital kung saan naka-confine si Saphire, wala na akong nagawa kundi magtiwala sa kanya.

I don't know how long I've been walking, I just found myself right now in the field while watching Ruelle's and her opponent's turns to play.

Ruelle smiled when she looked in my direction, so I showed her a thumbs-up as good luck again.

Nagsimula na ang laro at nakikita kong magaling din ang kalaban ni Ruelle dahil napapansin ko rin ang pagka-tense ng katawan ni Ruelle.

"Kavya, you can do it." napatingin ako kay Coach Kim, and she's looking at Ruelle with a smile on her face.

Tumingin naman si Ruelle sa gawi niya, and I saw how her cheeks turned red when Coach Kim winked at her.

Okay? What was that?

"Mamaya mo na landiin, Mallory." parang may ibinulong si Coach Cromwell kay Coach Kim dahil nakita ko na lang na pinag-ikutan siya nito ng mata bago hinampas ng marahan sa braso. Pero umiling-iling lang si Coach Cromwell.

After almost an hour, finally tapos na rin ang laro nila Ruelle. Masaya siyang lumapit sa direksyon namin at agad niyakap ang kaniyang coach.

She won the game.

Akmang yayakapin na rin sana ako ni Ruelle nang magkasabay kaming hilahin ng mga coach namin.

"She needs to wear her safety gear now, Kavya," Coach Kim said to Ruelle while holding her wrist.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon