Chapter 9

34.5K 1.1K 74
                                        

Yvette's

Pagkaalis naman nila Shantelle at Saryia kasama si Prof Griffin, agad nagsalita si Miss Cromwell at sinabing sundan ko siya.

Gaano ba ako katanga kanina para hindi ko sila mapansin dalawa? Wala pa naman akong balak sabihin sa kanya ang tungkol doon sa sapatos na na-hold-up sa akin.

Hindi ko maiwasang mag-alala ulit at matakot na baka pagalitan ako nito dahil nanakaw ang bigay niyang sapatos.

Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko habang nakasunod ako sa kanya. Hindi ko maiwasang kabahan kaya wala sa sarili akong napayakap sa sarili ko at hindi na ininda ang sakit ng braso ko.

May medyo kalakihan kasi itong sugat nang sinubukan akong saksakin nung nang-hold-up sa akin. Mabuti na lang ito lang ang natamo ko, dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may mas masama pang nangyari. Tapos 'yong kambal, bata pa.

Alam ko naman na andiyan 'yong dalawa kong kaibigan para alagaan sila, pero ayaw kong maulila sila—ako na lang ang meron sila.

Pagkarating namin sa office ni Miss Cromwell, agad niya akong hinarap.

"Are you out of your mind, Martinez?" malamig niyang wika, pero hindi maitago ang disappointment sa boses niya.

Galit nga siya.

Mas lalo akong napaiyak. "I-I'm so sorry po, Miss Cromwell," hingi ko ng tawad. "Papalitan ko na lang po. P-promise po," pumiyok kong bigkas.

"I don't give a damn about the shoes, Martinez."

Napatingin ako sa kanya, nagtataka. Kung hindi siya galit dahil nanakaw ang sapatos, eh sa ano?

Magsasalita pa sana ako nang muli siyang nagsalita.

"Remove your jacket." Ma-awtoridad niyang utos.

Umiling ako. Wala akong balak ipakita sa kanya ang sugat ko, baka mas lalo pa siyang magalit.

"You'll remove it or I'll remove it myself?" madiin niyang wika.

"M-Miss—"

"Don't make me wait, Martinez." Napaatras ako at dali-daling tinanggal ang jacket ko nang makita kong naglakad siya papunta sa akin.

Napangiwi pa ako sa sakit dahil masakit pa rin ang braso ko kapag ginagalaw ko. Di ko alam, pero nanghihina rin ako, at masama na ang pakiramdam ko.

"What the—" agad na wika ni Miss Cromwell nang makita ang telang pinangtakip ko sa sugat, na ngayon ay punong-puno na ng dugo.

Bakit kasi puting tela pa ang ginamit ko? Pwede namang itim para hindi mahahalata kapag may dugo.

Mabilis siyang lumapit at marahang tinanggal ang tela sa braso ko. Nang matanggal na niya ito, napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya na parang any minute from now ay bubuga na siya ng apoy.

Shit. Ito na ba? Bubuga na ba siya ng apoy?

"This is too deep, Martinez," galit niyang wika. "Di mo man lang ba ginamot o pina-check up sa hospital?"

"Kaya ko naman po gamuti—"

She scoffed. "Really? It seems like you lost a little blood." Her jaw clenched as she crossed her arms.

I feel like she's controlling herself or something. I'm scared. Damn, I'm scared. Nakakatakot ang awra niya ngayon, kaya wala sa sarili akong napaatras palayo sa kanya.

"Saan ka na-hold-up?" she asked sternly.

Dahil sa takot ko, mabilis kong sinabi sa kanya ang lokasyon.

Ilang sandali pa, kinuha niya ang cellphone niya at mukhang may tinatawagan.

"Can you excuse Martinez's friends?" wika nito. "To my office right now." Dagdag pa niya. "I have something important to do." At agad niyang pinatay ang tawag.

Napayuko ako sa gilid nang makita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Sino ba naman ang hindi matatakot kung galit siyang nakatingin sa'yo?

"Next time, don't bother chasing a thief when you know you can't defend yourself," she said coldly.

Napalunok ako at marahan lang na tumango. "I-I'm sorry," nanghihinang bigkas ko.

Wala sa sarili akong napaupo sa malapit na upuan sa mesa niya dahil nanghihina na talaga ako, at hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang dugo sa braso ko.

Alam kong may lagnat na ako. Siguro dahil ito sa sugat ko, kasi hindi ko masyadong nalinisan kagabi. Ayaw ko rin kasing mag-alala ang kambal sa akin, lalo na si Saphire.

Parang napansin naman 'yon ni Miss Cromwell, at akmang lalapit na ulit sa akin nang biglang tumunog ang intercom niya, kasunod ang boses ng dalawa kong kaibigan.

Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng office at pinapasok ang dalawa matapos siyang batiin ng mga ito.

"Bring her to the clinic," Miss Cromwell said sternly.

Nang makita nila ako, napasinghap ang dalawa sa natunghayan at napatakip ng bibig.

"Shit," agad na lumapit si Shantelle sa akin at tinignan ang sugat ko.

"You're getting pale," nag-aalalang boses ni Saryia. "And you're also freaking hot."

"I know." I smirked.

Shantelle groaned. "Now's not the time for that, Yvette Gwen Martinez," she said worriedly.

"I-I'm fine," nanghihinang wika ko, at tumayo na para makapunta na kami sa clinic dahil hindi ko na talaga kaya ang presensya ni Miss Cromwell.

Nakakatakot kasi ang awra niya ngayon.

Inalalayan naman agad ako ng dalawa, pero nakailang hakbang pa lang ako nang hindi ko na talaga kinaya—at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon