Chapter 15

36.9K 1K 133
                                        

Kasalukuyan kong hinihilot ang aking sentido dahil sa stress kanina sa quiz namin kay Miss Cromwell. Naubos ata ang brain cells ko dahil nagpa-surprise quiz siya, at hindi pa naman ako nakapag-advance reading dahil sa sobrang busy ko.

Paano ba naman, dalawang linggo na lang at tournament na kaya kahit alam kong mananalo ako, kailangan ko pa rin naman mag-practice. Modesty aside.

Tapos sa akin pa na-assign ang pag-aayos ng booth ng department namin para sa gaganaping foundation day sa susunod na linggo bago ang tournament.

Kaya heto ako ngayon, naglalakad na parang zombie. Kung hindi ako kulang sa tulog, pagod na pagod naman ang katawan ko. Mabuti na lang at hindi ako masakitin.

"Bessywaps, kanina ka pa nakabusangot diyan," ani Shantelle sabay akbay sa akin. Muntik ko nang makalimutang kasama ko pala silang dalawa ni Saryia. Kung ako na-stress sa quiz kanina, sila naman ay parang wala lang sa kanila ito.

Well, I'm a scholar, so I have to maintain my average high.

"Isang quiz lang 'yan, Yve, bawi na lang tayo sa susunod," ani Saryia sabay kindat sa akin, kaya napairap na lang ako. "Ako nga alam kong bagsak na agad ako do'n," humalakhak pa siya. Baliw kasi literal.

I pouted and just rolled my eyes at them. "Baka nakakalimutan niyong scholar ako dito," asik ko sa kanila.

"Ayaw mo kasi tanggapin scholarships ng parents namin—"

Pinutol ko agad si Shantelle. "Sobra-sobra na ang naitulong niyo sa amin. Nakakahiya naman kung pati pag-aaral ko ay sasagutin pa ng mga magulang niyo."

Akmang sasagot pa sana sila nang biglang nakarinig kami ng bulungan sa hallway. Medyo marami na ring estudyante dahil malapit na kami sa cafeteria. May mahigit kalahating oras pa naman ako bago ang shift ko — maaga kasi kaming na-dismiss ni Miss Cromwell, and we don't know why.

Mabuti na rin para ma-relax kahit konti ang utak ko.

"Ang gwapo niya. Bagay na bagay sila ni Prof Griffin," rinig naming bulungan ng mga estudyante habang dumadaan kami. Iyong iba sa kanila ang lalandi pa, tumitili pa talaga.

"I heard my future surname..." Saryia creased her eyebrows.

Shantelle scoffed. "Surname?"

Saryia grinned at her. "Yes, I will be Saryia Jade R. Griffin soon," proud na proud na wika nito.

See? Sabi ko sa inyo baliw ang isa'ng ito.

"Keep dreaming, bansa," tawa ni Shantelle.

Nagkibit-balikat lang si Saryia at hindi na pinansin ang tsismis dahil nasa loob na kami ng cafeteria. Surprisingly, medyo madaming estudyante ngayon, mabuti na lang at nakahanap kami ng mauupuan.

"What the fuck?!" Uupo na sana kami nang bigla na lang magmura si Saryia habang nandidilim ang mga mata't nakatingin sa likuran ko. Nasa harapan ko kasi silang dalawa ni Shantelle.

I looked behind me and saw Prof Griffin with a man. Ang sweet nila — sinusubuan pa siya ng lalaki ng carbonara.

Bumalik ang tingin ko kay Saryia at nakita ko kung paano nagliliyab sa selos ang mga mata niya habang nakatitig sa kanila. I knew her feelings towards Prof Griffin weren't just infatuation.

"Gusto mo bang umalis na tayo dito?" May pag-aalalang tanong ko.

Umiling siya bago umupo. "No. I'm alright... I'm fine," pilit na kalmadong sagot niya, kahit halatang pinipigilan lang umiyak.

Pagkaupo namin ni Shantelle, agad niya itong hinaplos sa likod dahil nakayuko na si Saryia at kagat-kagat ang ibabang labi.

"Ako na lang oorder ng meryenda natin," sabi ko.

Tumango naman silang dalawa bago inabot ni Shantelle ang card niya. "Clubhouse sandwich and water na lang sa akin. Salamat!"

"Sary?" tanong ko kay Saryia.

"Just water, please. Thank you," sagot nito habang nakayuko pa rin.

Tumayo na ako at pumila sa counter. Ilang sandali pa, tinanong na ang order ko kaya agad ko itong sinabi. Pagkatapos kong magbayad, pumunta na ako sa claim counter.

Habang naghihintay, hindi ko napansin na kasunod ko pala si Prof Griffin. Wala sana akong balak batiin siya at magpanggap na hindi siya nakikita, pero bigla siyang nagsalita. Fuck.

"Martinez, what's wrong with Rodriguez?" she asked. "Why is she sulking?" concerned yern?

I secretly heaved a sigh before facing her. "Good morning po, Prof Griffin," bati ko, na tinanguan lang niya. "W-Wala po. M-Monthly period," pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko na nagseselos siya.

Napakagat ako sa ibabang labi nang mariin niya akong tinitigan, wari bang binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Order mo, Yve!" tawag ni John, kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagpasalamat ako bago kinuha ang tray. Kilala niya ako kasi staff din ako ng cafeteria — sa likod lang ako nagtatrabaho.

"Una na po ako, Prof Griffin," paalam ko habang dala-dala ang tray.

Pagkarating ko sa mesa namin, nakayuko pa rin si Saryia habang hinahaplos pa rin siya ni Shantelle.

"Prof Griffin asked me about you," sabi ko pag-upo.

Napaangat ng tingin si Saryia. "What did she say?"

"Tinatanong kung bakit ka nagmomukmuk," sagot ko habang inaabot ang pagkain nila.

Napairap si Saryia bago kinuha ang tubig. "Paasa amp," asik niya bago uminom.

"I think she's worried, though," kibit-balikat kong wika bago kumain ng sandwich.

"Really?" Napataas ang kilay ni Saryia bago ngumiti.

"Marupok," sabay hampas ni Shantelle sa braso niya. "Tigilan mo, bansa! Mukhang nobyo niya ata 'yung katabi niya."

Napangiwi si Saryia.

"But how..." halos paiyak na si Saryia.

"Mahigit isang buwan mo pa lang siyang kilala, Sary. Kaya mag-move on ka na habang maaga," sabi ko, sabay ngiti sa kanya.

"Bakit kasi ang bilis ko mahulog, eh," napapadyak niya.

"Alam mo, mag-ikot-ikot na lang tayo sa garden kaysa dito. Pwede naman akong magpa-late ng pasok. Damayan ka muna namin," sabi ko habang kinukuha ang gamit ko.

Sumunod si Shantelle. "Mabuti pa nga kaysa dito ka."

Walang nagawa si Saryia at sumunod na rin, hindi man lang binigyan ng kahit isang tingin si Prof Griffin.

"Nakakainis, ang sarap kulamin ng bwesit na 'yon," pagmamaktol ni Saryia.

Nasa garden na kami, nakaupo sa usual bench namin.

"Nag-sex na kaya sila," biglang sabi ni Shantelle kaya binatukan ko siya.

"Anong bunganga naman iyan, Shantelle!" saway ko.

"Ano ba, normal lang 'yon sa mag-jowa," irap niya.

Napatingin ako kay Saryia na tahimik lang, nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang tingin niya.

And there I saw Miss Cromwell holding a bouquet of flowers while giving the man beside her a peck on the cheek. Mula kasi dito sa garden, kita ang office niya.

"Swerte naman ng jowa ni Miss Cromwell," wala sa sariling sabi ko.

Napatingin naman sa akin si Shantelle at Saryia.

"Swerte at malas niya dahil terror si Miss," natatawang wika ni Saryia.

Tumawa rin si Shantelle. "Under de saya panigurado siya."

"Grabe ka naman kay Miss Cromwell," I giggled.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon