Shantelle's
"Shan, darling, mal-late ka na." Gising sa akin ni Mama habang hinahaplos ang aking pisngi. Napangiti naman ako bago iminulat ang aking mga mata.
"Good morning, Mom," I greeted before getting up and kissing her cheek.
"Good morning, honey," she greeted back and kissed my forehead. "Get ready now, breakfast is ready," she said as she stood up and walked toward the door.
Nang makalabas na siya, agad akong pumunta sa bathroom to do my morning routine. After almost half an hour, bumaba na rin ako at kinuha lang ang sandwich na nasa mesa.
Wala na si Mommy at Daddy—baka pumasok na sila sa trabaho.
Pagkapasok ko sa sasakyan, kaagad kong tinawagan si Saryia. For sure, maaga na naman 'yon sa school para landiin si Prof. Griffin ulit. Thursday ngayon, kaya wala kaming pasok sa kanila, so siguradong nando'n iyon ng maaga.
It's already 9:10 a.m., and 9:30 ang start ng P.E. namin. Ayaw kong ma-late dahil baka patakbuhin pa ako ng five laps sa gym.
"Saan ka na?" agad na bungad sa akin ni Saryia nang sagutin niya ang tawag ko.
"Almost there," sagot ko, sabay mas mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Malapit lang naman kasi ang village namin sa university.
"Alright. Yvette's here already. Hintayin ka na lang namin sa labas ng gym," sabi naman nito.
"Aight, see you," I said and ended the call.
Pagdating ko sa university, agad kong pinark ang sasakyan sa usual parking area ko at mabilis na naglakad papuntang gym.
Naka-PE uniform na rin ako, at nagdala na lang ng extra clothes para sa klase mamayang hapon.
Pagkadating ko sa gym, kaagad kong natanaw sina Yvette at Saryia na nag-uusap.
"You're almost late, Shan," Saryia rolled her eyes at me.
I grinned. "I made it on time, didn't I?" I replied before kissing their cheeks.
"Let's go, bago pa tayo patakbuhin ng five laps," wika naman ni Yvette, na nauna nang maglakad.
Pagkapasok namin sa loob ng gym, sakto lang din ang dating ng P.E. instructor namin, kaya agad niya kaming pinag-warm up dahil magvo-volleyball daw kami ngayon.
Mabuti na lang ka-grupo ko sina Yvette at Saryia.
Pagkatapos ng isang oras na P.E., isa-isa na kaming pumunta sa shower area para maglinis ng katawan dahil sa pawis.
After cleaning ourselves, agad nagpaalam si Yvette dahil may shift pa siya sa cafeteria, at mamayang lunch pa namin ulit siya makakasabay.
"Tara, tambay muna tayo sa office ng future wife ko," baling sa akin ni Saryia, kaya sinundan ko na lang siya.
Simula kasi ng landiin niya si Prof. Griffin, bihira na lang kaming dalawa mag-mall o di kaya'y tumambay sa café hanggang lunch. Hindi ko nga alam kung seryoso ba talaga 'tong panglalandi niya o ano.
"Wala bang pasok si Prof. Griffin?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway papunta sa office ni Prof. Griffin.
"Meron, pero tambay pa rin tayo sa office niya," sagot nito, na ikinailing ko na lang.
"Pwede ba 'yon? Baka pagalitan tayo," nakataas na kilay kong tanong.
"Ako bahala sa'yo. Pwede 'yan," sagot naman nito.
"Tangina mo talaga. Pag tayo napagalitan mamaya, sinasabi ko sa'yo, Bansa, masasapak kita," wika ko sa kanya.
Bansa ang tawag ko sa kanya minsan dahil na rin sa pangalan niya na halos kapangalan ng Syria.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
