Mabilis lumipas ang mga araw at patuloy ko pa ring iniiwasan si Miss Cromwell. Hindi ako sure, pero parang nahahalata na niya. Isang beses kasi, tinawag niya ako pero hindi ako tumalima—binilisan ko lang ang lakad ko at nagkunwaring hindi siya narinig.
Akala ko papagalitan niya ako at ipapatawag sa opisina niya, pero hindi naman niya ginawa.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria ngayon dahil katatapos lang ng P.E namin. Wednesday ngayon. Sina Shantelle, Saryia, Ruelle, at Charlotte ay pumunta sa mall—may bibilhin daw sila. Sabi nila, magkita na lang kami mamaya sa cafeteria at sa afternoon class namin.
Gusto sana nila akong isama pero sabi ko may shift pa ako sa cafeteria. Actually, pwede naman akong um-absent since hindi naman maraming estudyante ngayon sa loob. Kaso, masakit lang talaga tiyan ko—pero iniinda ko na lang dahil pawala-wala naman ito.
Habang naglalakad, nakasalubong ko si Prof. Griffin. Patuloy lang sana ako sa paglalakad at babatiin siya nang huminto siya sa harapan ko.
"Good morning po, Prof. Griffin," bati ko.
"Good morning, Martinez," bati niya pabalik sabay ngiti. Yes, hindi na talaga siya strikta sa amin simula noong nagkamabutihan sila ni Saryia. "I kind of have some important thing to do. Can you give this to Miss Cromwell?" sabay abot niya sa akin ng folder.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. "P-Po?" Kay Miss Cromwell? Eh iniiwasan ko nga siya. "A-Ako po?" turo ko pa sa sarili ko.
Tumango si Prof. Griffin. "Yes. Is there a problem, Martinez?"
Napakagat ako sa ibabang labi at hindi makatingin ng diretso. "A-Ah, k-kasi po may p-pasok pa po ako sa cafeteria," alibi ko.
Mariin niya akong tiningnan bago marahang tumango. Nakahinga sana ako ng maluwag, pero sandali lang pala 'yon dahil nagsalita ulit siya.
"Ako na mag-e-excuse sa'yo sa cafeteria na male-late ka saglit."
Yawa. Walang takas.
"P-Pe... per—"
"Are you okay, Martinez?" singit ni Prof. Griffin. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?"
Luh.
"I-I'm okay po. K-Kas—" Potek naman kasi 'yan. Kung minamalas ka nga naman.
"I see. I'm in a hurry. Please, give this folder to Miss Cromwell. Thank you." Wala na akong nagawa nang inabot niya na sa kamay ko ang folder. "There are important papers inside—don't just give it to anyone," dagdag pa niya bago siya tuluyang umalis.
Potek. Balak ko pa naman sanang iutos 'to sa iba. Mukhang wala na talaga akong takas.
Kaya heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng office ni Miss Cromwell. Hindi ko alam kung pipindutin ko na ba ang intercom o ilulusot na lang sa ilalim ng pinto ang folder na hawak ko.
Tangina naman kasi.
"Okay, heart, behave. You can do it," I muttered under my breath. "Ibibigay mo lang naman tapos aalis ka kaagad. That's it." Pag-aalo ko sa sarili. "It's not like she knows that you're avoiding her anyway," dagdag ko pa sabay kibit-balikat.
"You look crazy talking to yourself there."
"Ay, kiki!" Agad akong napahawak sa dibdib sa gulat.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Miss Cromwell—nakahalukipkip ang braso at nakataas isang ang kilay.
Shit. There goes my heart again, beating frantically. Ang cliché mo naman tumibok, heart.
"Breathe, Martinez."
Fucking shit. I forgot to breathe again.
Mas lalo ata akong hindi makahinga nang mas lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang kamay ko, sabay hila sa akin papasok sa opisina niya.
"Martinez, breathe," pag-uulit niya. "Inhale. Exhale." Para naman akong aso na napasunod sa ginagawa niya.
After a minute, nagsimulang bumalik sa normal ang paghinga ko. Pero ang puso ko, nagwawala pa rin kaya hinaplos ko ang dibdib ko.
"Are you okay now?" tanong ni Miss Cromwell nang makita niyang medyo okay na ako.
Marahan akong tumango at yumuko. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Para kasi akong nahihipnotismo.
"What are you doing outside my office?" tanong niya.
Agas kong inabot sa kanya ang folder na ipinabibigay ni Prof. Griffin. "A-Ano po, pinabibigay po ni Prof. Griffin," sagot ko.
Oh my gosh. Ang lapit namin sa isa't isa. Naaamoy ko na ang pabango niyang nakakahalina. Nauulol na rin ba ako sa isang professor, kagaya ni Saryia at Ruelle?
Isali na rin natin si Ruelle dahil isa rin 'yon na wagas kung maka-bakod kay Professor Kim. Bumalik na kasi ulit ito sa pagtuturo sa Cromwell University, na pinagsisihan pa ni Ruelle dahil ang daming umaaligid dito. Swerte lang ni Ruelle at mataray ang girlfriend niya.
"I see," sabi ni Miss Cromwell, sabay kuha ng folder at nilagay ito sa mesa niya.
"A-Alis na po ako, Miss Cromwell," sabay talikod na sana ako nang magsalita ulit siya.
"Sit. We're going to talk." fuck. "You really thought I didn't notice you've been avoiding me these past few days?"
Wala na.
Rest in peace, Yvette Gwen Martinez.
"Sit down, Gwen."
Here goes my second name again. It makes my heart beat even wilder.
"M-May trabah—"
"I don't care. Sit down." Mabilis akong napaupo nang medyo tumaas na ang boses niya.
Nakakatakot kasi. Minsan lang siya magtaas ng boses.
"Now, tell me. Why are you avoiding me?" she asked sternly.
Napakagat ako sa labi saka napayuko. Shit. Hindi ako makaisip ng maayos dahil sa lapit niya. At tsaka, ano ba naman sa kanya kung iniiwasan ko siya?
"Gwen."
Oh my gosh.
"K-Kasi po, nahihiya ako," I lied. "Hindi ko po kasi alam kung paano ko kayo mababayaran sa lahat ng naitulong niyo sa amin magkapatid." Sasagad-sagarin ko na ang pagsisinungaling.
"I already told you bef—"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at dumating ang manliligaw niya.
"Love, I miss you," ani ni tukmol-tuko, sabay abot ng bulaklak at halik sa pisngi niya.
Sa harapan ko pa talaga. Mga salot na lalaki sa lipunan.
Wala sa sarili akong napairap, sabay tayo mula sa upuan at mabilis na naglakad palabas ng opisina ni Miss Cromwell—hindi alintana ang pagtawag niya sa pangalan ko ng ilang beses. Malakas loob ko ngayon na mag-walkout kasi... ano... basta! Ang sakit magselos lalo na kapag wala kang karapatan.
Now this is what jealousy feels like when you like someone.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
