Fourth day na ngayon ng foundation day and so far, wala nang humahabol sa amin na mga SC Officers, which is a good thing.
Hindi naman sa killjoy kami, ayaw lang talaga namin sumama sa taong alam naman naming babastusin lang din kami sa huli. Nadala na ako nung foundation day noong freshmen pa lang ako dito. Binully lang ako ng taong nagbayad ng malaki. Akalain mo 'yon? Sila lang 'yong tanga na magbabayad ng malaki para lang ma-bully ang isang tao. Pfft.
That's why every foundation day, as much as possible, ay nagtatago talaga kami. Ako lang naman ang binu-bully kaso trip akong sabayan ng dalawa kong kaibigan sa pagtago para na rin daw ma-protektahan nila ako.
Fourth day na, at ngayong araw ay puwede nang isali ang mga pangalan ng professors sa kahit anong booth. At dahil kasali na ang mga professors, umabot na ng almost 500k ang bayad.
Sheesh. Ang yayaman talaga. (Wattpad universe.)
And that's also the reason why Saryia's giving us a backpack full of money. Like, thousands of money. Her reason? Well, if ever daw na makita namin na mahuli si Prof Griffin ng SC Officers, bayaran daw namin ito para lang hindi ito mapunta sa iba.
Ganyan siya kabaliw do'n sa tao.
Now I know the reason why she didn't want to waste her money nung unang araw pa lang ng foundation day. May pinag-iipunan pala.
Napaka-selosa.
I think I was carrying at least a million pesos right now. Crazy right? Meron ding dala si Charlotte at Shantelle. Ganyan kayaman ang isang Saryia Jade.
"Hindi ko pa nakikita future wife ko, baka naman nakuha na ito ng SC Officers at nakipag-date na sa iba." humalumbaba naman si Saryia sa mesa at pumadyak-padyak pa ang mga paa nito.
"Bitch, Prof Griffin is a professor. SHE. IS. A. PROFESSOR." Shantelle rolled her eyes at Saryia. "Therefore, she can pay if some SC Officers cuff her. Dimwit!"
Oo nga, actually naisip ko din 'yan kanina eh, pero itong si Saryia ay ayaw pa rin paawat kaya wala kaming nagawa.
Hindi naman pinansin ni Saryia ang pagtataray ni Shantelle at tumayo na sa pagkakaupo. "Still. Maghiwa-hiwalay na tayo baka sakaling makita natin." bagkus ay wika nito. Wala din kasi si Prof Griffin sa office niya noong pumunta kami doon kanina.
"Kung bakit ba kasi hindi ka nalang magbayad din doon sa 'date booth' para kayo ni Prof Griffin ang magka-date, o makasal or whatever booth na 'yan." sabi ko naman dito.
"No way. Ayaw ko siyang yayain ng date dito sa loob ng paaralan, no way." Sagot naman nito at humalukipkip. "At tsaka ayaw ko ng pekeng kasal." dagdag pa nito at sumimangot.
Napabuntong-hininga nalang si Shantelle. "Pasalamat ka talaga mahal kitang hayop ka."
"Mahal din kita. Thank you! Mwah." sagot naman ni Saryia at nag-flying kiss pa kay Shantelle.
Napapailing nalang kaming dalawa ni Shantelle at hindi na sinagot pa si Saryia dahil determinado na talaga ito.
Hindi na namin kasama si Charlotte ngayon dahil pinatawag ito ng ate niya kanina kaya kaming tatlo lang ngayon ang nandito sa cafeteria upang bumili ng tubig at mag-lunch na rin dahil ang mahal ng bilihin doon sa booth.
At gaya nga ng sinabi ni Saryia, naghiwalay na kaming tatlo. Magkikita nalang daw ulit kami sa cafeteria after an hour.
Sa may garden ako naglakad-lakad, para fresh air na rin. Habang naglalakad ay nakita ko naman ulit si Miss Cromwell kasama na naman ang jowabels nito.
Akalain mo 'yon, kasama na nga ang kasintahan pero hindi pa rin nagbabago ang pagka-passive ng mukha nito.
Oh well. Good luck nalang sa jowabels niya. Mag-tiis siya, diyosa naman girlfriend niya.
Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad hanggang sa nakasalubong ko ang apat na SC Officers at kung minamalas ka nga naman, kasama nila si Prof Griffin na naka-posas.
Halata naman sa mukha nila ang takot dahil narin siguro sa nakikita nilang inis sa mukha ni Prof Griffin. Kawawa naman sila, mabuti nalang hindi ako tumakbong Student Council kahit may nag-offer sa akin dati.
Tsaka bakit ba naka-posas si Prof Griffin kung puwede niya naman itong bayaran? Dahil sa pagtataka, tinawag ko ang SC Officers na ikinahinto nila sa paglalakad kaya mabilis akong lumapit sa kanila.
"Saan niyo po dadalhin si Prof Griffin?" magalang na tanong ko sa kanila.
"Ah. Someone paid half a million to be married with her." sagot naman ng isang SC Officer na ikinalaki ng mata ko.
500k?! Para lang sa pekeng kasal?! Damn! Kaya siguro hindi nakapag-bail out si Prof Griffin sa sarili niya. Sobrang laki naman kasi.
At tsaka sino kaya ang matapang na tao upang magbayad ng 500k para lang maikasal ng peke kay Prof Griffin? Panigurado malilintikan ang grado no'n.
"How much for bail out?" I asked.
"1 million pesos." nanlaki naman ang mga mata ko sa naging sagot nito.
Napatango nalang ako dahil sakto, may isang milyon ako dito sa bag. Tamang-tama lang ang pera na ibinigay ni Saryia.
Binuksan ko ang aking dalang bag at agad binigay sa kanila ang sampung tig-one hundred thousand na pera na kaagad namang inabot ng isang SC Officer at inilagay sa dala nilang bag.
Pagkatapos ay tinanggalan na nila ng posas si Prof Griffin bago humingi ng paumanhin dito at nagpaalam na.
"Where did you get that much money, Martinez?" Prof Griffin asked, crossing her arms.
I sweetly smiled at her. Gusto ko sana siyang asarin pero baka ibagsak niya ako, mahirap na. Hindi pa naman ako si Saryia.
"Saryia gave that to us po, para pang bail out daw po sainyo dahil ayaw daw niya kayong makasal, ma-date, o ano pa man ng ibang students." Sagot ko naman sa kanya.
Napansin ko naman ang bahagya niyang pagkagat sa kanyang ibabang labi bago mabilis na tumalikod. I almost saw her blush kung hindi lang siya tumalikod bigla.
I'm sure nakangiti ito ngayon kaya tumalikod. Hehe.
"Um. Tell Rodriguez to see me at my office right now." aniya at mabilis akong iniwan sa gawi ko. Hindi man lang nito hinintay ang sagot ko.
Napapangiti nalang ako dahil ngayon alam ko na may mapupuntahan din pala nararamdaman ni Saryia para kay Prof Griffin.
May mararating din pala ang pagka-ulol ni Saryia kay Prof Griffin.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
