Griffin Group of Hospital
Napatulala akong nakatingin sa pangalan ng hospital nang makarating kami dito. Dito lang naman nila dinala si Saphire—sa pinaka-sikat na hospital sa buong bansa.
Griffin.
Shit. Ngayon ko lang napagtanto na pareho ito ng apelyido ni Prof. Griffin. Mukhang sa kanya nga ito. Kaya siguro dito kami dinala.
Hindi lang ito ang pinaka-sikat, ito rin ang pinaka-mahal na hospital.
Lumingon ako kay Saryia, na katabi ko lang nakaupo. "Pst. Sary?" kaagad naman siyang lumingon sa akin. "Kay Prof. Griffin ba itong hospital?" pagkukumpirma ko.
Tumango siya na para bang hindi nakakalula ang tanong ko. "Ngayon mo lang nalaman?"
I gasped. "For real?!"
"Yes. Why? Is there a problem?" tanong niya.
Umiling ako. "I just can't believe it. I thought she's just an ordinary professor working at Cromwell University."
"She's not just a professor, Yve. She's also a businesswoman, just like Miss Cromwell," sagot niya.
Napatango ako. Damn. They're filthy rich. I bet that's exhausting—teaching while also running a business.
Geez.
Napukaw ang atensyon namin ni Saryia nang lumabas ang doktor mula sa emergency room. Andito kasi kaming lahat, naghihintay sa labas. Kasama namin sina Shantelle, Saryia, Tita Maurice, Saryia's mom, at si Charlotte.
Wala si Tita Michelle kasi nakiusap ako na iuwi muna si Cassia. Nahahalata ko na ang pagod at sobrang pag-aalala sa kapatid ko. Ayaw ko naman na magkasakit siya. Nahirapan pa nga akong pilitin siyang umuwi kanina, eh.
Habang sina Tito Audrick (asawa ni Tita Michelle) at Tito Mathew (asawa ni Tita Maurice) naman ay nasa ibang bansa dahil sa trabaho.
Sina Prof. Griffin at Miss Cromwell ay umalis kanina dahil may pupuntahan daw sila, kaya binilin kami sa mga bodyguard nila na naka-tuxedo.
Lumapit ako sa doktor, ganoon din ang mga kasama ko.
"How is she, Doc?"
"We're going to operate on her now. We've already examined her and her new heart for compatibility." isa ito sa mga dahilan kung bakit sobrang mahal ng GG Hospital—mas advanced ang equipment nila kaysa sa iba. "Hopefully, her body will accept the new heart."
"Will she be okay during the surgery, Doc?" I nervously asked.
"We can see that she's fighting, so I can assure you there's nothing to worry about. We'll do our best, Miss Martinez."
"Maraming salamat po, Doc," pasasalamat ko.
"Can we see her before the operation?" tanong ni Tita Maurice.
The doctor nodded. "Of course. In fact, she's awake right now and probably looking for you, Miss Martinez."
Pagkasabi no'n ay binuksan niya ang emergency room at pumasok. Sumunod kami sa loob—maliban sa mga bodyguard ni Miss Cromwell.
Mabilis kong nilapitan si Saphire at masuyong hinalikan ang noo nito. "Baby, fight for Ate, okay? Huwag kang susuko, ha?" bulong ko.
Tumango-tango lang siya dahil hindi siya makapagsalita, may tubo kasi sa bibig niya. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya habang pinapahid ang luha na dumadaloy sa mga mata niya.
"Shh. Don't cry, you'll be fine. Just be brave, okay?" muli siyang tumango.
Muli ko siyang hinalikan sa noo. Isa-isa rin siyang nilapitan at hinalikan ng mga kasama ko, dahil dadalhin na siya sa operating room.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomansaYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
