Napakagat naman ako ng labi at hindi makatingin sa gawi ni Shantelle.
"Spill," Shantelle said sternly.
"David told Yvette to intentionally lose the game in exchange for Saphire's heart." Saryia looked at me and sighed.
Nakita ko naman ang pagkakunot ng noo ni Shantelle nang binaling nito ang tingin niya sa akin. "You believed this jerk?!" di makapaniwalang bigkas nito habang tinuturo si David na nakahandusay pa rin sa sahig. "Yvette, you could've lost your scholarship!" napataas na rin ang boses nito.
"I had no choice." hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako, dahil naramdaman ko na lang ang patuloy na pag-agos ng aking mga luha. "I'd rather lose my scholarship than lose my sister."
"Then why did you keep it a secret from us?" nagtatampo naman nitong saad at napayuko na rin dahil umiiyak na ito. Pati rin si Saryia ay umiiyak na.
"I'm sorry. My mind was really clouded at that time. I didn't know what to do anymore. Sobrang nahihiya na ako sa inyong dalawa, pati na rin sa mga magulang niyo." lumapit ako sa kanilang dalawa at hinawakan ang tig-isa nilang kamay. "Please, forgive me."
"Alam mo namang parang magkakapatid na tayong tatlo, 'di ba? Kaya kahit anong mangyari, tutulungan ka namin kahit mataas pa 'yang pride mo." marahan nila akong niyakap. "Mahal na mahal ka namin, Yvette."
Mas lalo naman akong napaiyak. "Mahal na mahal ko rin kayong dalawa."
"Ate?" napabalikwas ako ng yakap sa dalawa nang marinig ko ang boses ni Cassia sa aking likuran.
"Anak, is everything alright?" nag-aalalang tanong ng ina ni Shantelle.
Siya nga pala ang nagsundo kay Cassia. Nakarating na pala sila.
"Shit. I don't want Cassia to see my bruised face," bulong ko sa dalawa kong kaibigan.
Napabaling ang tingin ni Shantelle sa mommy nito. "Mom, I'll explain everything later. But for now, can you take Cassia out?"
"Alright," sagot naman ng mommy nito at lumapit sa amin. Hinalikan niya sa pisngi si Shantelle at Saryia. Nang mapatingin ito sa akin ay napasinghap ito. "What happened to you, darling?" agad nabalot ng pag-aalala ang mukha nito.
"Ate? Are you okay? Why are you crying again?" hinawakan ni Cassia ang laylayan ng damit ko sa likuran.
"I'm alright po, Tita," nginitian ko siya. "Pwede po bang ilabas niyo muna si Cassia? Ayaw ko po kasing makita niya ako sa ganitong kalagayan," mahinang pakiusap ko.
Tumango-tango naman ito. "We'll treat your wounds later," wika nito at marahang hinalikan ako sa noo.
"Salamat po, Tita." ang swerte-swerte talaga namin magkakapatid sa kanila.
"Sweetie, let's go out first?" narinig kong wika ni Tita kay Cassia.
"Momsy, I wanna see Ate first. I haven't kissed her yet po." mahahalata naman sa boses ni Cassia na parang naiiyak na ito.
"Assia, Ate is fine. I'll see you later, okay? For now, go with Momsy." marahan kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. "Ate will give you lots of kisses later."
"Promise me you are okay?"
I smiled. "Ate is okay."
"Promise?"
I sighed. "Promise." and then I crossed my fingers.
"I love you, Ate." binitawan na niya ang pagkakahawak sa damit ko.
"I love you most," I replied.
"Let's go, Momsy."
Nang humarap ako, likod na lang nila ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
