Chapter 18

35.7K 1.1K 87
                                        

Saryia's

"Ano ba 'yan, akala ko pa naman magkakaroon na ako ng first kiss," maktol ni Charlotte habang marahan na inilagay sa likod ng sasakyan ang tulog na katawan ni Shantelle.

Sa aming magkakaibigan, si Shantelle talaga ang unang bumabagsak kapag lasing na.

"Ang landi mo, kukunin mo pa first kiss ko, eh para lamang ito kay future wife," ani ko at hinalikan ang pisngi ni Prof Griffin habang nilalagyan ako ng seatbelt dito sa passenger seat.

Kahit lasing, kitang-kita ko pa rin ang pagsalubong ng dalawang kilay nito. Hays, ang cute.
"Rodriguez, do I need to remind you again that I'm your—"

"Future wife," I cut her off and giggled.

Napabusangot naman ako nang bigla akong hampasin ni Charlotte sa balikat. "Mas malandi ka pa sa akin."

Nakita ko naman ang pagbuntong-hininga ni Prof Griffin habang hinihilot nito ang kanyang sintido.
Bakit ang hot niya pa rin tignan kahit mukha na siyang problemado. Ugh.

"Yve, tulog ka na ba di—" naputol ang sasabihin ko nang hindi ko mahagilap si Yvette sa likod ng sasakyan, pati na rin sa labas ng parking lot.
"Charlotte! Iniwan mo si Yvette!" nag-aalalang bigkas ko.

Yawa.

"Anong ako? Baka tayo!" untag naman ni Charlotte.

"Damn it," rinig ko naman mura ni Prof Griffin.

Binalot ng kaba ang aking kalooban kaya akmang tatanggalin ko na sana ang aking seatbelt para balikan si Yvette sa loob, pero pinigilan ako ni future wife.

"Ako na ang babalik sa loob at mga lasing kayo," ani nito. "Charlotte, your sister will be here any minute now, just wait for her."

Napatango na lang kami ni Charlotte.

Umalis na rin si Prof Griffin at isinarado muna ang pintuan sa passenger seat kaya iyong pintuan na lang sa likod ang bukas kung saan nakaupo si Charlotte.

"How did they know that we are in a bar?" I asked Charlotte.

"Ohh. I called Ate earlier to fetch us since I kind of drank a lot, so I can't drive us home," she explained.
"And Ate is with Ate Cleofel earlier... so maybe that's the reason why Ate Cleofel is here too," she added.

Hindi nga pala kami nagpahatid sa driver ko kanina dahil nagpresenta si Charlotte na siya ang magda-drive sa amin.

"I see. Mabuti na rin 'yon, I can't drive too since my vision is starting to get blurry," I said and closed my eyes. "This is your fault, Charlotte!" I groaned.

She gasped. "Hey! I didn't tell you guys to order a lot."

"Nye. Nye. Akala ko ba si Shantelle ang gusto mo, bakit parang mas gusto mong halikan si Yvette, ha?" nagmulat ako ng mata at binalingan siya ng tingin.

Humalukipkip naman ito. "Duuh. You really believed that I would kiss you and Yve? Tch," she replied, rolling her eyes. "I was just trying to see Shantelle's reaction."

Well, alam ko naman na nagbibiro lang talaga ito kanina. I'm just making sure.

"Biatch, my friend is not easy to get. Try harder next time," asar ko dito. "And kissing me or kissing Yvet—"

"Charlotte Yeen." My sentence was cut by no other than the coldest professor in our university, which is Miss Cromwell.

Dumating na pala siya.

"A-Ate," nauutal na bigkas ni Charlotte. "Kyaah. W-Why are you looking at me like that?" bakas sa boses nito ang takot kaya napatingin ako sa gawi ni Miss Cromwell, at kahit lasing ako, nanaig pa rin ang takot sa aking sistema.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon