Isang linggo na ang nakalipas simula no'ng ma-hold up ako at masugatan sa braso. Magaling na rin ang sugat ko, kaya pwede na akong bumalik ulit sa pagpa-praktis ng archery.
Ayaw pa sana akong payagan ni Miss Cromwell na mag-praktis mamaya, pero no'ng pinakita ko sa kanya ang sugat ko na naghihilom na, pumayag na rin ito kalaunan. Kailangan ko talagang mag-praktis kasi tatlong linggo na lang at tournament na.
"Bessywaps, ang tagal mo naman natapos sa trabaho. Limang minuto na lang at tutunog na ang warning bell," agad na bungad sa akin ni Shantelle no'ng makaupo na ako sa mesa nila dito sa cafeteria.
Kakalabas ko lang sa trabaho dahil naging busy ang cafeteria — absent kasi iyong dalawang kasamahan ko kaya medyo natagalan ako sa pag-time-out.
"May 5 minutes pa, kaya huwag niyo muna akong kausapin," sabi ko habang mabilis na kinakain ang pagkain na binili nila para sa akin, pagkatapos kong magpasalamat sa kanila.
Ilang minuto pa, tumunog na rin ang warning bell. Medyo marami rin akong nakain dahil konti na lang ang natira sa plato.
Tumayo na kami agad at kinuha ko na lang ang water bottle ko para sa daan ko na lang ito inumin — para iwas late sa klase ni Prof. Griffin.
Kahit medyo nakikita na namin ang soft side niya, takot pa rin kami dito. Maliban na lang kay Saryia na parang si Miss Cromwell lang ata ang kinatatakutan.
I mean, who wouldn't be? Nakakatakot naman kasi siya.
Naalala ko pa no'ng araw na mahimatay ako at dinala sa clinic, siya pa mismo ang nagpresenta na ihatid kami pauwi. At dahil takot ang mga kaibigan ko sa kanya, wala silang nagawa kundi tumango.
⸻
"Pasensya na po kung medyo magulo ang tinitirhan namin, Miss Cromwell," hingi ko ng paumanhin no'ng makita ko na medyo magulo ang bahay.
"There's nothing to be apologized about, Martinez," usal nito at inilagay ang bag ng kambal sa mesa.
Nagpresenta kasi itong ihatid kami ngayon, kasi professor daw namin siya... blah blah blah.
"Ah— uhm. Gusto niyo po ba ng maiinom, Miss Cromwell?" nauutal kong tanong.
Sa totoo lang, nahihiya ako sa kanya at natatakot rin at the same time. Hindi pa rin mawala sa isip ko na naiwala ko ang sapatos na binigay niya.
"No need. I won't be long anyway," sagot niya, habang parang may hinihintay.
At tama nga ako, dahil may dumating na isang lalaking naka-black tuxedo at may iniabot kay Miss Cromwell.
"Your Majesty," punong-galang nitong wika habang yumuko bago iabot kay Miss Cromwell ang paper bag ng Adidas.
Miss Cromwell just motioned her hand swiftly, at muling yumuko ang lalaki bago ito naglakad palayo.
Nagtataka akong tinignan si Miss Cromwell no'ng iniabot niya sa akin ang paper bag. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon kahit labag sa loob ko.
Like, wala ka talagang magagawa kundi tanggapin lalo na't malamig ka nitong tinitignan.
"That's your new shoes," she said. "Next time, don't bother chasing a thief. Understood?"
Napalunok ako bago tumango. "M-Maraming salamat po, Miss Cromwell. At pasensya na po talaga kung nai—"
"It's not your fault," putol niya sa sasabihin ko. "Goodbye, Martinez. Take care of yourself," she bid.
Hindi pa nga ako nakakapag-goodbye, mabilis na itong naglakad palabas ng tinitirhan ko.
⸻
"Ano, saang planeta ka na dinala ng pagka-spaced out mo, ah?" balik ko sa ulirat no'ng bigla akong inakbayan ni Saryia, habang tumatawa.
"Hindi mo man lang namalayan na andito na tayo sa classroom. Ano? Wala ka bang balak pumasok?" tumatawang sabi naman ni Shantelle habang nauuna nang pumasok sa room.
Napairap na lang ako sa kanila, inalis ang pagka-akbay sa akin ni Saryia, at pumasok na rin sa loob.
Saktong pag-upo namin ay pumasok na rin si Prof. Griffin, na ikinangisi ng malandi kong kaibigan.
"Good afternoon," malamig na bati nito bago umupo sa upuan niya, not even giving us a glance.
Tumayo kaming lahat para bumati pabalik, bago muling bumalik sa pagkakaupo.
"Hays. Ang swerte ko talaga sa mapapangasawa ko," pagda-daydream ni Saryia habang parang asong naglalaway na nakatingin kay Prof. Griffin.
Kung hindi ko 'to kaibigan, iisipin ko talagang may saltik ito sa utak at manyak.
"Mapapangasawa. Pfft," napaigik ng tawa si Shantelle. "Akala mo talaga may pag-asa," asar nito kay Saryia.
Saryia just rolled her eyes at hindi na kami pinansin, naka-focus na lang siya sa... well, sa harap.
"Hayaan mo siyang manga—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko no'ng biglang bumukas ang pinto ng classroom namin kaya lahat kami ay natuon ang tingin doon.
Pumasok ang isang magandang babae at lumapit sa mesa ni Prof. Griffin, na naging sanhi ng pag-ingay ng mga ka-blockmates ko.
"Holy shit! An angel from above," bulong ni Kale, varsity player naming blockmate, na parang nananaginip.
"Bobo, may angel ba'ng from below?" sabay batok ng kaibigan niya.
Akmang babatukan na rin sana nito ang kaibigan niya no'ng magsalita si Prof. Griffin, kaya agad na natahimik ang lahat.
Ilang sandali pa, tumayo si Prof. at masuyong inalalayan ang babae.
"Who the fuck is she," bulong ni Saryia, naniningkit ang mga mata habang nakatitig kay Prof. Griffin at sa babae.
Paano ba naman kasi, nakahawak si Prof. Griffin sa beywang ng babae.
Nabaling naman ang tingin ko kay Shantelle no'ng magsalita ito.
"She seems familiar," nakakunot-noo nitong sabi, wari'y may inaalala.
Hmm... yeah, she is.
"Everyone, this is Charlotte Yeen Cromwell. She will sit-in in my class for the meantime," pakilala ni Prof. Griffin.
"Ay shit. Cromwell, pre! Delikado," ani ng kaibigan ni Kale.
"I didn't know na may kapatid pala si Miss Cromwell," bulong ko.
Kaya naman pala medyo familiar siya sa akin at namumukhaan ko siya — kapatid pala siya ni Miss Cromwell.
"Oh? Tatlo silang magkakapatid. Pero never ko pang nakita 'yung dalawa — ang isa na lang pala dahil nasa harapan na natin ang isa pa," may inis na sambit ni Saryia habang nakatitig pa rin. "Bakit ba kailangan may pahawak pa ng beywang?"
Napatawa ako. "Selos na selos yan," I teased.
"Indeed. I am," seryosong sagot niya, kaya napailing na lang ako.
"Hello, everyone! Nice meeting y'all," masayang bati ni Charlotte.
Kung ang kapatid niya ay ubod ng kasungitan at walang emosyon, siya naman ay kabaliktaran. Napakasayahin ng mukha niya.
Napansin ko namang ang tingin niya ay nakatuon sa likuran— kay Shantelle, actually.
I nudged Shantelle. "Do you know her?" bulong ko.
"She's familiar," bulong niyang pabalik.
"Maybe because she's Miss Cromwell's sister?"
Akmang sasagot na si Shantelle no'ng makalapit si Charlotte sa pwesto namin at nandidilim ang mga mata habang nakatingin sa akin, kaya napalunok ako.
Luh. What did I do?
And here I thought she's nice...
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomantiekYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
