"Isang beer pa!" sigaw ko habang pagewang-gewang na naglalakad papuntang bar counter.
"Hoy, lasing na si Yvette! Hindi naman 'yan umiinom ng beer kapag hindi pa lasing!" rinig kong sigaw ni Shantelle... ata? Hindi ko na alam kung kaninong boses 'yon.
Kailangan ko ng beer, nauuhaw pa ako. Yawa kasi itong si Saryia, ang daming ni-order na inumin porket sabi ni Charlotte na libre niya lahat.
Oh well, linggo naman bukas, mabuti na rin at makakapagpahinga ako kasi pagod na pagod na talaga ang katawan ko. Tinapos ko kasi 'yung paggawa ng booth namin kanina dahil sa Lunes na ang simula ng foundation day.
As for my archery practice, tapos na rin, at nasa amin na kung magp-practice pa ba kami sa foundation day o sa mismong tournament na, which is after foundation day.
Tiring, right?
Kaya heto kami ngayon sa bar kasi hindi kami natuloy last time noong broken-hearted si Saryia niyo. Sabi niya kasi may importante daw siyang pupuntahan.
For sure naman, guguluhin lang no'n si Prof Griffin.
"What can I get you, gorgeous?" Lasing na nga ako, hindi ko man lang namalayan, andito na pala ako sa counter. Ehe.
"Beer," simpleng sagot ko lang at umupo sa bar counter. Yes, sa bar counter dahil gusto ko, wala silang pakialam.
"Shet. Yve! Baka nakakalimutan mong naka-skirt ka lang ngayon!" hinila ako pababa ni Saryia at pinaupo nang maayos sa upuan ng bar counter. "Umayos ka, Yvette Gwen! Lahat tayo lasing for today's vidyow!" hagikhik nito.
Umirap ako, dahilan ng pagkahilo ko kaya napadukdok ako sa bar counter.
"Kaya pa, Yve?" ani naman ni Charlotte. Nakalapit na pala silang dalawa ni Shantelle sa akin. "Kaya mo pa bang sumayaw?"
Dahil sa narinig, masigla akong tumayo at malapad na ngumiti sa kanila. "Let's go dance!!!" I yelled.
"Gorgeous, your beer," abot ng bartender sa akin.
"Sankyuuu," pasalamat ko at nagsimula nang maglakad papuntang dance floor.
Hinawakan agad ni Charlotte ang aking beywang habang nakahawak naman ako sa balikat niya, gano'n din si Shantelle at Saryia sa isa't isa.
Lasing na talaga kaming apat dahil ang landi na namin sumayaw. Kung hindi lang kami magkakaibigan, malamang, pareho na kami ng ibang tao dito na sumasayaw at naghahalikan na.
"Elle, baby, naiinggit ako sa kanila," rinig kong wika ni Charlotte kay Shantelle na katabi lang namin habang sumasayaw.
"Edi, makipaghalikan ka kay Yvette," sagot naman ni Shantelle habang nauutal pa dahil sa kalasingan.
Bumusangot si Charlotte. "Ikaw gusto ko, hindi si Yvette."
"Hays. Kung nandito lang si future wife, malamang nakanood na kayo ng live porn," singit naman ni Saryia sa dalawa.
"Bunganga mo talaga, bansa! As if naman papatulan ka no'n," asar naman ni Shantelle.
"Elle, sige na kasiii!" pumadyak-padyak pa si Charlotte habang sumasayaw kami.
"Hoy! Hindi tayo close, huwag mo akong ma-Elle-Elle diyan," ani Shantelle na kahit lasing, maldita pa rin.
"Fine, si Yvette na lang hahalikan ko," bigla namang tumigil sa pagsayaw si Charlotte kaya napahinto rin ako, gano'n din si Shantelle at Saryia, at nakatingin na sa amin.
Eh paano ba naman kasi, marahang hinawakan ni Charlotte ang aking pisngi at masuyong hinaplos ito habang nakatitig sa aking mga mata.
"Shit. Magkaka-first kiss na ata si Yvette!!!" rinig kong tili ni Saryia.
BINABASA MO ANG
Queen's Archer
RomanceYvette Gwen Martinez, An archery scholar at Cromwell University-and the sole reason the next reigning queen extended her stay in the Philippines. Two people met in the most clichéd way, yet from that moment, love slowly began to bloom, changing both...
