Chapter 42

36.9K 1.1K 395
                                        


"Yve, tara, lunch na tayo," aya sa akin ni Charlotte habang inaayos na ang mga papel sa mesa nito.

"Wala pa si Miss Cromwell. Baka mapagalitan ako mamaya kapag umalis ako dito," sabi ko sa kanya.

"It's lunch time. Tsaka tinext ko na si Ate," sagot naman nito at ginising si Shantelle na natutulog sa sofa. I wonder kung pumupunta pa rin ba siya dito at natutulog kahit andito si Miss Cromwell?

Dahil sa sinabi ni Charlotte, inayos ko na lang ang mga papel sa mesa ni Miss Cromwell at nag-iwan ng sulat na babalik ako mamaya pagkatapos ng klase ko kay Prof. Griffin.

Saktong pag-gising ni Shantelle ay tumunog ang intercom at agad umalingawngaw sa loob ang boses ni Saryia.

"Guys, lunch na. Nagugutom na me," wika nito. Galing siya sa office ni Prof. Griffin. Doon siya madalas tumambay, habang si Shantelle naman ay kasama si Charlotte. Pero minsan, magkasama pa rin sina Saryia at Shantelle kapag trip nilang mag-mall.

Napailing na lang ako at kinuha ang bag ko sa sofa. Gano'n din si Shantelle habang inaayos ang sarili.

Tapos na kaming kumain sa cafeteria at nandito na kami ngayon sa klase ni Prof. Griffin, mariing nakikinig sa kanya. Wala rin siya sa mood. Sabi ni Saryia, red days daw kaya gano'n.

Siguro red days din ni Miss Cromwell.

"We'll be having a long quiz in our next meeting. Class dismissed," wala sa mood na paalam ni Prof. Griffin bago mabilis na lumabas ng classroom.

"Guys, I'll see you tomorrow! Maglalambing pa ako ng professor. I love you both!" tawa ni Saryia at hinalikan kami ni Shantelle sa pisngi bago mabilis na lumabas ng classroom para habulin ang future wife niya.

"Yve, pinapasabi ni Charlotte, sabi ni Miss Cromwell na pwede ka nang umuwi after this class," sabi ni Shantelle. "May meeting pa raw si Miss Cromwell kasama ang board members ng school."

Napatango ako. "Salamat," pasasalamat ko sa kanya. "Ikaw? Uuwi ka na ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Kasama rin si Charlotte sa meeting, eh," sagot niya. "Sabay na tayo?"

"Mauna ka na. Pupuntahan ko pa si Andrew sa garden," sabi ko. "At tsaka maghahanap na rin ako ng trabaho pagkatapos."

Nasabi ko na sa kanila kanina habang kumakain kami ng lunch ang tungkol sa pag-confess ni Andrew. Nasabi ko rin na hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya—na gusto niya akong ligawan.

Sabi naman nila na nasa akin ang desisyon at huwag kong paasahin ang tao kung alam ko sa sarili ko na wala siyang pag-asa.

"Ohh, I see. Sige, ingat ka. I love you!" paalam niya at hinalikan ako sa pisngi. "Huwag kang pagabi," paalala pa niya.

"I won't. Drive slowly. I love you," tugon ko.

Pagkarating ko sa garden, agad kong nakita si Andrew sa upuan na inupuan namin dati.

"Hey," tawag pansin ko sa kanya dahil mukhang malalim ang iniisip nito.

"Yve. Akala ko hindi mo narinig yung sigaw ko kanina. Kinakabahan tuloy ako habang naghihintay dito, baka hindi ka pumunta," alanganin siyang tumawa.

"Baliw. Narinig ko," sagot ko. Sa lakas ba naman ng boses niya.

Bigla naman siyang sumeryoso. "H-How are yo—"

"Andrew, I'm sorry, but I only see you as a friend," diretsong sabi ko sa kaniya. Kailangan kong magpakatotoo. Ayaw kong paasahin siya sa wala. I can't see myself being in a relationship with him.

Queen's Archer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon