Prologue

659 10 1
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

I often feel trapped in a party room with a glaring spotlight, but what's even more distressing is that I'm sitting in the darkest corner, watching everyone else bask in the spotlight while I feel insignificant and unnoticed.

Lumaki akong nasa isip ko na hindi ako espesyal, na walang bagay na espesyal sa akin. I lived all my life, imprinted inside my mind that everything I do is mediocre and average, na kahit anong sikap ko, I will never be the best.

All of my life I've been living with pressure. Pressure from my parents, and most importantly from myself. Siguro routine ko na sa buhay ang pagdudahan ang sarili ko, kasama ko na palagi ang ganitong gawain, iyong tipong may parte naman sa akin na alam kong kaya ko, pero mas tumitimbang yung tanong na, kaya ko ba talaga? kaya ko bang gawin 'to nang maayos?  

Kaya hanggang ngayon, para akong isang batang kulang sa atensyon, na handang gawin ang lahat para lamang mapansin.

I am the shadow of the Trujillo Family.

"I saw your grade, Miri. It was all average, I thought you're studying hard?" sabi ni Daddy, nasa hapagkainan, nasa harap ng biyaya.

"Kung itatapat ang grado mo sa mga pinsan mo, mukha kang kawawa. Your highest grade is 97? What a shame." dagdag pa nito.

Wala akong ibang narinig bukod sa pagkabasag ng puso ko. Kaya kong tanggapin ang mga ganiyang salita kapag galing sa iba, pero kapag galing sa mga taong malapit sa buhay ko, pakiramdam ko para akong pinapatay. By that, I remember my grand mother also being like that to me.

"Tingnan mo itong si Miri, hindi naman kataasan ang grado, hindi naman katalinuhan. Ewan ko ba sa batang iyan, napag-iiwanan ng magpipinsan at kahit ng sariling kapatid." 

"Nakakahiya kapag naglalabasan ng mga grado, nag-aaral naman pero mababa ang grado. Hindi matalino, masipag lang." dagdag pa ni Mommy.

Ang masaklap pa, hindi lang sa loob ng pamilya nila sinasabi ang mga ganiyang bagay, maging sa mga kumare at kakilala nila, hanggang may pagkakataon, It seems like they make a habit of bringing up my mistakes and making me feel worthless. Masarap yata sa pakiramdam nila kapag pinapahiya nila ako, kapag ibinababa nila ang tiwala ko sa aking sarili, my effort and hardship are like clowns to laugh at, which makes them happy.

After I heard that soul-crushing line, I developed a routine that I will never eat unless I am confident enough that I studied well. Walang pakialam sa kalam ng sikmura, walang pakialam sa sariling kalagayan, maraming gustong patunayan, pero hindi naman nakikita.

Mahal ko ang pamilya ko, pero madalas nilang iparamdam sa akin na kahit kailan hindi nila ako nakikita. They always let me feel like I am a ghost, no sees me and I am nothing but a mid, average, typical, unexceptional and the most run-of-the-mill of the Trujillo clan.

"Dad, mas mataas nga ang grades ni Miri sa akin. Noong nasa age niya ako hindi naman ganyan kataas ang mga grado ko." singit ni Kuya Arhaan. Hindi nakaimik si Daddy. 

Minsan naiisip ko, minalas man ako sa mga magulang ko, pero sobra-sobra naman ang swerte ko sa Kuya ko. 

I even won first place at a Scrabble competition, my research paper won as the best, my exams were excellent, and even my projects were featured in our school paper, but all of that is still not enough. 

Hindi masaya ang pamilyang mayroon ako. Hindi rin mapagmahal at mapagkalinga ang lugar na tinuturing kong tahanan, a home that is far to feel to call as it. We only live in pressure, to make sure that we are the best, the one who always stands out, and the one who always drowns in compliments. Ganiyan kami sinanay ng mga magulang namin. Dahil sa taas at bigat ng kanilang posisyon at trabaho, hindi sila tumatanggap ng pagkakamali, kahit na mula pa sa aming mga dugo't laman nila.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon