Waylen Gael Bejerano (Dos)

45 2 0
                                    

This is Waylen Gael Bejerano

"Hi." bati ko sa kaniya. Kanina pa ako hindi mapakali lalo na't nararamdaman ko ang mga titig niya mula sa malayo. Inayos ko talaga ang paglalaro kahit na practice game palang dahil nahihiya ako, mamaya magkamali ako tapos nakita niya, hindi ko yata kakayanin.

"Hello, is there a problem?" tanong niya sa akin, tumagilid pa ang kaniyang ulo at ngumiti sa akin. Napamura ako sa isip ko, damn, she's so adorable, kung close lang talaga kami baka napisil ko na ang pisngi niya.

"There is." sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko. Maybe destiny is giving me so much way to do my purpose. 

"Really? What is it?" tanong niya sa akin. Kitang-kita sa kaniyang magandang mata ang pag-aalala, tiyak nag-iisip na naman ito ng kung anu-ano. Bago pa iyon magtuloy-tuloy, pinutol ko na agad at sinabi ang dahilan.

"You smiled at me a while ago." sagot ko sa kaniya, yung mukha niya ay tila nagtataka pa rin. Well, kahit naman sino magtataka sa mga sinasabi ko, kahit nga ako hindi ko inakalang masasabi ko ang mga ganitong bagay.

"Oh, is that a problem? What can I do then?" tanong niya sa akin at litong-lito. 

"Panindigan mo ako." sabi ko sa kaniya, damn it. Waylen Gael, what the hell is happening to you?

"Panindigan kaagad?" tanong niya sa akin. I laughed.

"Ganoon ba kasama ang ngiti ko?" dagdag niya pa. Nabigla at nag-aalala naman ako roon kaya agad akong sumagot.

"Masama sa mental health ko, kasi nakakatuliro." sabi ko, hininaan ko pa ang boses ko nang bahagya, sana hindi niya narinig pero noong narinig ko ang tawa niya doon ko napagtanto na ibang-iba na ang kinikilos ko. I'm doomed because I'm captivated.

"I'm Waylen Gael Bejarano, by the way. What's your name?" tanong ko sa kaniya pagkatapos kong magpakilala.

"Hello, Gael. I'm Arisanna Mirielle Trujillo." pagpapakilala ko rin.

F*ck. Hindi naman ako palamura pero t*ngina. Yung puso ko parang makakawala sa hawla kung kumalabog. She called me by my second name, na pamilya ko lang naman ang tumatawa. Bakit parang mas gumanda yung pangalan ko kapag siya na ang tumatawag?

"Hello, Mirielle. You have a very pretty name." sabi ko sa kaniya. Her name is as beautiful as her. I decided to call her with her second name just like what she did to mine. Kahit ano naman naman ang itawag ko ay babagay sa kaniya, kahit nga siguro, love, baby, honey, o di kaya ay babe. The hell, ano ba 'tong naiisip ko?

"So, you're a player here?" tanong niya sa akin at napatingin pa sa aking suot na jersey. Mabuti na lang at ilang piraso rin ang binigay ng school, kung hindi, hindi ako lalapit sa kaniya ng pawis na pawis.

"Yup, I just accepted a while ago." masayang balita ko sa kaniya, well I had to say that kahit na noong nakaraang linggo pa. 

Baka mahalata naman niya na sinundan ko siya rito. It's her fault though, she has this energy that that makes me like a dog following her, isa pa hindi naman dahil sa maganda siya, may angking enerhiya siya na kapag nakita at napansin mo, gaganda ang tingin mo sa paligid. I'm not exaggerating it, but her mere presence is so bright and radiating that once you were shaded by it, you'll appreciate life more.

"May mga kasama ka ba? Bakit mag-isa ka lang ngayon dito?" tanong ko sa kaniya. Nag-aalala rin kasi ako, the way she talk negatively about herself, malaking tiyansa na mahirapan siya rito lalo na kung pangungunahan ng mga negatibong bagay ang kaniyang isipan.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon