Arisanna Mirielle Trujillo
Hindi ko alam kung paano kikilos matapos kong malaman ang lahat. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw, ni hindi ako makapag-isip nang maayos dahil hindi ko pa rin mai-proseso ang mga sinabi ni Caden.
"Ayos ka lang ba, Presi?" nag-aalalang tanong ni Andreu sa akin. Kitang-kita kong nag-aalala ang kaniyang mukha at humawak pa sa aking kamay, gaya ni Xantria.
"Ayos lang ako, medyo napagod lang siguro." pagsisinungaling ko sa kanila at bahagyang ngumiti.
"Maupo ka muna dito, Pres. Ito tubig, uminom ka muna." sabi ni Andreu at ginabayan nila ako ni Xantria na maupo muna sa bleachers.
"Ikaw naman kasi Pres, kanina ka pa kasi kumikilos." sabi ni Xantria at pinunasan ang noo ko na may pawis pala. I want to keep everything I learned to myself, because I also want to respect Caden, ayoko na ring palakihin pa ang bagay na iyon.
"Magsisimula pa naman na ang game, kaya mo ba Pres?" tanong ni Andreu.
"Oo naman, kaunting pahinga lang ito." sagot ko sa kanila. Tumango naman ang dalawa at nanatili sa aking tabi hanggang sa magsimula nang mapuno ang arena ng mga estudyante na mula sa Ridgeview at maging sa Saint George.
"Intense ang game ngayon, sino sa tingin niyo mananalo?" tanong ni Xantria.
"Ridgeview, of course." sagot ko.
"Pres alam namin na mahal mo ang taga-Ridgeview ay este ang Ridgeview pala." sabi ni Xantria, natawa naman kaming lahat sa kaniyang sinabi. It's true though.
"They'll win, he promised." sabi ko na lamang. Tumili naman ang dalawa, ewa ko ba rito parang ginagawang teleserye ang lovelife ko, kulang na lang gumawa sila ng fanclub ng love team namin kuno ni Gael.
Kahit na nangako si Gael hindi ko pa rin maiwasang kabahan at mag-alala, alam ko na pisikalan talaga ang larong ito, at kahit anong pigil, hindi maiiwasan ang magkasakitan. I'm just hoping that would play with his best and have fun with no possible injuries or wounds.
Mabuti na lang at nasa unahan kami dahil kami naman din ang halos naghanda sa event na ito, I don't need to find my own good seat para makita nang maayos si Gael mamaya. Actually, when the arenas started to be filled with lots of people, my mind suddenly became calm, adding the fact that these two are clinging on me like babies.
Ilang sandali pa ay nakita kong pumasok na ang team ng Ridgeview. I saw Gael looking so serious and somehow mad. What happened to him? He looked bubbly and cheerful when we parted ways a while ago.
"Nakakapanibago naman si Waylen, Pres." sabi ni Xantria. Hindi lang pala ako ang nakapansin.
"Oo nga ano, kapag nakita tayo niyan kumakaway na iyan agad." sabi ni Andreu. I pouted, what's his problem then? Should I approach him?
Nang makita kong nakaupo lang siya sa bench na malapit sa puwesto namin, nagpasya na akong lapitan siya. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at tila ang lakas ng loob kong lapitan si Gael kahit na papaligiran kami ng maraming tao.
"Bejarano, bebeloves mo nandito." sabi ni Ruadhan kaya napatingin sa akin si Gael. His eyes sparkled a bit but became serious after a second before approaching me.
"What are you doing here, Mirielle? It would be best if you were resting at the bleachers." sabi nito sa akin.
"Are you okay?" hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at agad siyang tinanong.
"Of course, why wouldn't I?" tanong niya sa akin, pero alam kong pinepeke niya lang ang kaniyang sinasabi.
"You do have a problem, Ga. Tell me, are you okay? Are sick or what?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at hinawakan ang aking kamay tapos ginabayan ako sa paglabas ng arena.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...