Arisanna Mirielle Trujillo
I learned that Kuya Han failed his one test last semester and Dad knew about it that's why he came to our condominium unit. It was just a test, not an entire semester but Dad took it so seriously. Hindi ko rin naman masisi si Kuya Han dahil sobrang naging magulo ang buhay namin noong nakaraang mga buwan dahil na rin sa pagpili ko ng kurso.
Today, Kuya Han decided to have dinner with Ate Cyerra and Gael. Agad kong inimbita si Gael at pumayag ito kaagad. Mabuti na lang at linggo ngayon, kapwa kami walang mga pasok. Hindi rin kami umuwi sa bahay dahil nabalitaan namin na nasa Davao sila Mommy at Daddy para sa trabaho nila. Laking pasasalamat ko na lang dahil kahit papaano nakalaya kami kahit na dalawang araw lang mula sa bahay na iyon.
I'm currently wearing a beige maxi dress, it has puff sleeves and I paired it with my stringed white heels. Nagsuot na rin ako ng fur claw clip sa aking buhok para mas bumagay sa aking suot.
"Are you ready?" tanong ni Kuya Han sa akin.
"Yes, Kuya Han." sagot ko, kinuha ko lang ang aking shoulder bag tapos lumabas na ng aking kuwarto.
"May sundo ka." sabi ni Kuya Han kaya nagulat ako nang kaunti.
"You're here!" sabi ko nang makita si Gael, he looks so handsome with his white polo and his specs. I smiled at him and accepted the tulip bouquet he handed to me.
"Good Afternoon, beautiful." bati ni Gael sa akin.
"Nandito pa ako, baka nakakalimutan niyo." biro ni Kuya Han kaya hindi namin maiwasang matawa.
"Ako na po bahala kay Mirielle. We'll just go to the restaurant you reserved for us after our small date." sabi ni Gael kay Kuya Han.
Nagulat ako roon, we just dated yesterday. It looks like Gael love dates. Napangiti ako, hindi naman ako tatanggi.
"Let's just see each other in the restaurant. Enjoy and be careful when driving, Waylen." paalala ni Kuya Han kay Gael.
Yumakap na ako kay Kuya Han at nagpaalam na rin kami sa kaniya ni Gael. Panay naman gabay sa akin si Gael sa paglalakad, siguro nanibago siyang nakita akong nakasuot ng heels. I just tried this one, it was a gift from Kuya Han on my last birthday.
"You look so beautiful, Mirielle. I mean you're lovely every day, this dress looks good on you. It made you look brighter." papuri niya sa akin.
"You look dashing as well, Ga." papuri ko rin sa kaniya. I think this is the very first time I'm being vocal about how attractive he is from my point of view.
Habang naglalakad kami papunta sa kaniyang sasakyan, bigla siyang napahinto kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya.
"Is there a problem, Ga?" tanong ko, nakatingin siya sa aking braso, roon ko lang napagtanto na kitang-kita pa rin ang pasa na dulot ng paghablot sa akin ni Daddy kahapon.
"What happened to this, Mirielle?" tanong niya, seryosong-seryoso at tila may bahid ng galit. He looks so mad and worried at the same time.
"W-Wala lang 'to...Nasagi lang ako sa kitchen area naming k-kahapon." pagsisinungaling ko.
He did not look convinced, he sighed and softly touched my bruise then he planted a kiss on it. I was surprised by what he did but it really sent me a different feeling, like I have been laying my back on a sea of clouds. It feels so soft, gentle, and genuine.
"I don't want to see you with this kind of bruise once again. Call me when you need me." sabi niya sa akin, sapat na para matauhan na hindi tumalab ang pagsisinungaling ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...