Chapter 1

165 4 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

I graduated as the salutatorian last month and today is my first day as a college freshman. The past month was a battle of my self-doubt, as once again, I failed to give them the title they wanted. Kahit gaano ko pa pinaghirapan yung pagiging salutatorian ko, hindi pa rin iyon sapat para sa kanila.

"Let's go, baby Miri." pagtawag sa akin ni Kuya Han sa kitchen, nagluto kasi siya ng breakfast ngayon sa condo. Kahit unahan ko siya sa pag-gising para ako ang magluto ng breakfast, hindi talaga ako nagtatagumpay.

"Good Morning, Kuya Han." bati ko at bahagyang yumakap sa kaniya bago naupo sa stool. Hinainan naman ako ni Kuya ng pagkain tapos humalik pa sa aking ulo bago ako sinalinan ng fresh milk sa baso. 

"Thank you, Kuya Han." pasasalamat ko at nagsimula na kumain.

"Always welcome, baby Miri." sagot nito at sinabayan na rin ako sa pagkain.

"Are you ready for your first day?" tanong ni Kuya Han.

"Very much, Kuya Han. I'm so excited to meet my classmates, I hope they can be my friends." sabi ko at uminom ng gatas.

"They will surely want to be friends with you. You're very charming kaya." sabi nito sa akin at ginulo ang aking bangs. Napasimangot naman ako pero tinawanan niya lang ako.

"Message me later, I can accompany you during your break, lalo na kapag wala ka pang makakasama, let me know okay?" sabi niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti. 

"Kuya Han, thank you for always taking care of me." sabi ko sa kaniya, mukha naman siyang nabigla sa aking sinabi. Inabot ko sa kaniya ang binili kong personalized keychain, isa itong silver keychain na isang hard hat, since he is an engineering student. 

"Wow, this is nice, Miri. Thank you!" sabi nito at hinaplos ang aking ulo. I smiled, I was glad that he liked it. 

Nakita kong kinabit niya iyon sa paborito niyang wallet. Mahilig kasi kami ni Kuya Han sa keychains, madalas naming bilhan ang isa't-isa ng ganoon, pero mas madalas niya akong bilhan ng kung anu-ano. Minsan keychains, plushies na halos mapuno na ang room ko, any cute stuffs na sa tingin niya magugustuhan ko ay binibili niya. Kaya kapag may tiyansa at may sobra sa aking allowance, hindi ako pumapayag na hindi ako nakakabawi sa kaniya.

Nakakatuwa ng tingnan ang sasakyan ni Kuya Han, ang passenger seat ay puno ng cute stuffs ko, mga mini plushies ng sanrio characters, tapos mga strawberry plushies din, at may isang side pa roon na may pangalan ko using cute sticker, I like everything cute.

"After your class, let me treat you." sabi ni Kuya Han habang nagmamaneho. Sabay kami ngayon papasok, sabi ko nga sa kaniya na kaya ko naman mag-isa pero ayaw niyang magpatinag. kaya ngayon maaga tuloy siyang pumasok kahit na mamaya pa ang start ng class niya.

Hinatid pa ako ni Kuya Han sa Psychology Department building, he insisted even though I had already told him that I could manage. Kuya Arhaan is really a caring and sweet brother, at sa tuwing naaalala ko na may kapatid akong kagaya niya, nawawala sa isip ko yung pakiramdam na walang kakampi, kasi nandiyan si Kuya Han, palagi siyang nandiyan para sa akin.

Pagkapasok ko sa room ay marami na rin akong kaklase, they looked so surprised when I entered the room that's why I felt so pressured. Naupo ako sa pinakadulo kung saan kaunti pa lang ang nakaupo, medyo nakakatakot sa pakiramdam yung mga tingin nila sa akin.

"Hello! Ang pretty mo naman." napatingin ako sa umupo sa aking tabi. Nabigla ako dahil hindi ko inakala na may lalapit sa akin.

"Thank you, ikaw din, you're very pretty." sabi ko sa kaniya.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon