Chapter 26

63 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Why does being called beautiful by this man is so endearing? Why does it feel so beautiful? 

"Your scars made you even more beautiful, because those are the evidence of how brave you are, and braveness is the most beautiful thing in this world." sabi niya sa akin. 

Marahan niyang hinaplos ang mga dungis sa aking balat. Kung hawakan niya ito ay walang halong pandidiri, bagkus punong-puno ng malalim na admirasyon, nasisilayan ko pa ang bahid ng pagmahahal sa kaniyang mga mata. 

"How can you admire someone like me?" tanong ko sa kaniya.

"Why not? You deserve every kind of love, Mirielle." sabi niya sa akin.

"Who are you in my life then? I know you, I can feel it. But my memories keep on failing me, and it's making me frustrated." sabi ko sa kaniya.

Nabigla naman siya sa aking binitawang tanong. Pinakatitigan ko ang mukha niya, tunay na iba nga ag epekto niya sa akin. A simple sight of him is more than enough to make me feel safe. 

"I don't want you to be overwhelmed with so much information, those might have a negative effect on you. You're still fragile, Mirielle. I can't risk it." sabi nito sa akin, bakas na bakas sa boses nito ang pag-aalala. 

"Mas lalo akong hindi magiging maayos sa sobrang daming tanong sa isip ko, Waylen." sabi ko sa kaniya. I was surprised when he bitterly laughed. Did I said something wrong?

"You can't even call me now with the nickname you gave me." sabi niya, nalulungkot ang boses nito at tila kaunting tulak na lang ay matutumba't madadapa na.

"I-I'm sorry..." mahinang usal ko.

"It's okay. I just missed hearing it together with your voice." sabi niya sa akin at malungkot na ngumiti.

"Tell me, what are we? Clear every messed memories inside my head, please..." sabi ko sa kaniya, na halos magmakaawa na. 

Kung hindi ko malalaman at mabibigyan ng mga sagot ang tanong ko, hindi ko alam kung paano ako kikilos pa sa bawat araw na lilipas, kung paano ko pa kakayaning magpagaling at magpagamot kung mas lalo lang akong nawawala sa tamang pag-iisip dahil sa mga tanong na araw-araw, kada minuto, kada oras, at gabi-gabing dumidikdik sa aking isip.

 "Come on. Tell me." pakiusap ko pang muli. Umiwas siya sa akin ng tingin kahit na hawak-hawak niya pa rin ang aking mga kamay.

"I'm your lover, Mirielle. We are lovers." sagot niya sa akin. 

For the years that have passed, aside from my brother Han, I suddenly felt a genuine love comforting me, like a fur-padded blazer hugging my entire body. It's so soft, genuine, and wonderful to feel, but unluckily, the world is against me. 

Hindi ko alam pero hindi ko inaasahan na hindi ako mabibigla nang sobra sa mga binitawan niyang sagot. Marahil sa kailalaliman ng aking nararamdaman, alam ko at nararamdaman ko kung sino ba talaga siya sa puso ko. I just wanted the confirmation, I just wanted the truth. 

"Everything is so unfair to you, Waylen." sabi ko sa kaniya. Doon siya nag-angat ng kaniyang tingin. Tila kinakabahan at naghihintay pa sa mga susunod kong sasabihin.

"What do you mean?" tanong niya sa akin, halatang kinakabahan ito, ngunit wala naman akong magagawa dahil ang mga dapat kong sabihin ay nararapat lang niyang marinig.

"Here you are, constantly loving and admiring someone who doesn't even remember you, a woman who can't remember a lot of things in her life." sabi ko sa kaniya. 

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon