Chapter 40

81 3 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Pagkatapos ng seremonya ay agad akong lumapit kay Kuya Han na umiiyak pa rin at hindi makapaniwala.

"Stop crying na, Kuya Han." sabi ko dahil kahit ako ay naluluha na rin kapag tinitingnan ko siya.

"I'm so proud of you, baby Miri. So d*mn proud. I love you." sabi niya sa akin at yumakap.

I hugged him back as I cried with him. Mas emosyonal lalo na't kaming dalawa na lang sa buhay, wala na kaming mga magulang at iniwan na namin ang pamilyang halos sumira sa amin. Kahit na kaming dalawa na lang, mas masaya, mas mapayapa, at mas tahimik. Ito ang buhay na gusto ko at hindi ko ipagpapalit sa kahit ano.

"Let me take a picture of the both of you." sabi ni Ate Cyerra. Tumango naman kami ni Kuya Han, nagpunas muna kami ng luha at nag-ayos nang bahagya tapos ay ngumiti na sa kamera.

Pagtapos namin ni Kuya Han, ay kaming apat naman kasama si Arhynne, tapos kaming dalawa naman ni Gael, na parang si Kuya Han din kung umiyak. I laughed at him and kissed him gently on his cheeks, doon lang siya tumigil at pumirmi, ang utak din talaga.

"I'm so proud of you, so much, baby. Ang husay-husay mo." sabi niya at humalik sa aking ulo. I smiled at him.

Ang sarap talaga pakinggan na masaya at ipinagmamalaki ka ng mga taong naging inspirasyon mo habang kinakaya mo ang lahat.

Nang matapos ang picture-taking, umalis na rin kami sa Saint George para magpunta na sa venue. Balita ko kay Ate Cyerra ay kumpleto na at marami na rin ang mga bisita.

Ilang sandali pa ang itinagal ng aming biyahe tapos ay nakarating na rin kami sa venue. To be honest, ang Seventeenth Heaven ang venue, nahirapan pa nga kami lalo na't malakas ang cafe, but then kinaya naman ng rent fee na tapatan ang daily income nila so in the end, ang pangalawang tahanan ko ang naging venue ng aking graduation celebration.

Ang saya-saya ko nga noong naayos na ang lahat, isang paraan ko na rin iyon para mas mai-promote pa ang cafe na naging tahanan at kumupkop sa akin ng ilang taon.

Invited ang mga kaibigan ko mula Ridgeview, ang Ridgeview Alums, ang pamilya ni Joaquin, ang kambal na sila Miguel at Uno, syempre si Ate Dia at ang triplets na sina Rose, Quartz, at Serenity.

Nang makarating kami ay sinalubong ako ng masigabong palakpakan. They all shouted with glee as they congratulated me.

"Congratulations, Pres!" sigaw mula sa table nila Caden. Si Andreu iyon habang hawak ang tiyan niyang tatlong buwan na mahigit. Nandoon din si Xantria kasama ang asawang si Hans.

Nakangiti ang lahat sa akin, ang mga taong importante sa akin. Gaya ng sinabi ko noon, hindi ko talaga akalain na mas makararamdam ako ng ginhawa sa ibang tao kaysa sa sarili kong mga kadugo.

"Uno!" sabik na usal ko nang makita ko si Uno, akmang tatakbo ako papalapit sa kaniya nang pigilan ako ni Gael. I looked at him, he looked like a puppy pleading me not to come to Uno. Natawa na lamang ako sa kaniya.

"Why?" tanong ko sa kaniya

"I'm jealous." sagot niya sa akin.

"Uno is like a brother to me, Ga." sabi ko sa kaniya. Isa pa, Uno, and I are both on good terms and I still support him no matter what happens.

"I'm sorry. That was immature and insensitive." sabi niya sa akin. I smiled.

"It's good to know that you're aware of what you're doing, but it's fine, Ga. I know where you're coming from. In our current situation, it's given to have doubts, we aren't yet a thing and we are too focused on taking everything slow. But let me assure you, sayo at sayo lang ako uuwi." sabi ko sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon