Chapter 38

64 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

We ate at the nearby restaurant for dinner, and he decided to take a chance to visit Kuya Han's family, and let me stay there for a while. Bigla kasi siyang nag-aalala noong malaman na mag-isa ako sa bahay at halos lahat ng mga katabing unit ko ay bakante. I said yes because honestly, I was planning to ask Kuya Han about that, gladly he's here to help me about my current problem. 

Naglalakad kami sa dalampasigan habang may hawak akong tatlong piraso ng bulaklak na kaniyang binili sa isang bata kanina. He wanted to help the kid that's why even though he already gave me a plushie bouquet a while ago, he still did gave me the three pieces of sunflower. 

"Yellow suits you the most, Mirielle." sabi niya sa akin nang makasakay na kami sa kaniyang sasakyan. 

"Why?" tanong ko sa kaniya. I love pastel colors to be honest, and yellow is one of my favorites.

"Because you usually send radiating energy to the people around you. Alam mo iyong pakiramdam na pagod na pagod ka na sa mundo, pero kapag nakikita kitang masaya, kinakaya yung mga bagay-bagay kahit mahirap, I get inspired and motivated, at alam kong hindi lang ako ang nakakaramdaman noon." paliwanag niya sa akin.

"I never thought I would appreciate everyone's perspective about me. Before, hindi ko kayang maniwala sa mga sinasabi ninyo, it's a hard pill, it's so hard to swallow."

"It was so hard for me to love myself, maybe because I was raised in a loveless household." dagdag ko pa.

"It was exhausting. Minsan nakakatulog na lang ako sa pag-iyak dahil ubos na ubos ako tuwing ipinakikita kong maayos lang ako. Now, hearing those words as my heart is now healed, it was calming and wonderful, it felt so good to be appreciated." sabi ko pa. Nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga nagtataasang gusali't makukulay na mga ilaw ng mga sasakyan.

"And always remember that I am so proud of your progress and growth. Ipinagmamalaki kong naging saksi ako noon, Mirielle, and I hope you are proud of yourself too." sabi niya sa akin.

"I am, and I'm always grateful because all of you made it to be a part of my growth and my journey. Kung hindi rin naman dahil sa inyo, sa suporta at pagmamahal niyo sa akin, I wouldn't be here, I wouldn't be at this phase of my life." sabi ko sa kaniya.

"I'm so happy to hear that, Mirielle. Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo, you had to go through a rough path but then you chose to be stronger. Palagi mong tatandaan na kahit ilang yugto pa ang pagdaanan mo, kasama mo ako." sabi niya sa akin. 

Ilang minuto rin ang itinagal ng biyahe namin. Nakikinig lang kami sa mga paborito kong kanta habang yakap ko ang unan na binigay niya sa akin. We are also singing and enjoying the music. Hindi na ko na nga napansin na nakarating na pala kami sa harap ng bahay ni Kuya Han. It's 8 in the evening and I know that Kuya Han's family are still awake. 

Inalalayan niya ako sa paglabas ng sasakyan, he even covered my head as we entered Kuya Han's home. Mahamog daw kung kaya't tinakpan niya ang aking ulo, napailing na lang ako, ang dami talaga niyang alam na madalas ikinabibigla ko na lang.

"Welcome, pasok kayo." bungad sa amin ni Kuya Han. 

I kissed his cheeks and Ate Cyerra's. Tulog na raw si Arhynne dahil 7 ang bed time nito. Pagkapasok namin ay pinaupo na nila kami sa living room at naghanda si Ate Cyerra ng mga snacks.

"You both look so good. It's so nice to see the both of you together." kinikilig na sabi ni Ate Cyerra, namula naman ako sa kaniyang sinabi.

"I decided to come here and visit the both of you. Ilang buwan na rin simula noong huling beses tayong nagkita." sabi ni Kuya Han kay Gael.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon