Chapter 22

55 1 0
                                    

Warning: Suicide Attempt.

Arisanna Mirielle Trujillo

Hindi ko na napansin ang pagtakbo ng oras. Nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad sa kawalan habang bitbit ang mga gamit kong hindi ko na kailanman magagamit pa. Mga bagay na magpapaalala sa akin sa mga panahong naging malaya at nagawa ko ang mga bagay na gusto ko, dahil ang lahat ng iyon ay hanggang memorya na lamang.

Sobrang sakit na rin ng aking mga mata dahil sa pag-iyak, pero hindi naman dahil masakit na ito ay tumigil na ito sa pagluha. Para nga itong hindi napipirmi, tuloy lang ang buhos, na parang ulan sa madilim na langit.

"Miss, ayos ka lang ba?" napatingin ako sa nagsalita. A stranger.

"O-Opo..." mahinang sagot ko.

"Sumilong ka na roon sa condominium, mababasa siyang dala-dala mong box." sabi nito sa akin at tumakbo na. 

Umuulan na rin pala. Sinasabayan na ng langit ang aking pagluha. Hindi na mahirap itago, hindi na kailangang punasan pa at magpanggap na maayos. 

Nagpumilit lang akong makawala sa mga tingin ng mga kaibigan ko. Nagpanggap na kayang umuwi mag-isa, na kayang tumayo at maglakad ng nasa huwisyo, kahit na ang totoo niyan ay wala na ako sa sarili, ubos na ubos na, at gusto na lang mawala.

Hindi ko na nga alam kung paano ako nakarating sa tapat ng condominium unit namin ni Kuya Han. Sa sobrang layo ng aking iniisip, hindi na iniinda ng katawan ko ang pagod mula sa paglalakad ng malayo, dahil mas nangingibabaw yung pagkabasag ng buong pagkatao ko dahil sa parusa sa akin ng mundo, na hindi ko alam kung pagsubok pa ba o talagang ganti na sa akin.

"Ma'am Arisanna, tulungan ko na kayo diyan." napatingin ako sa nagsalita, isang lady guard, kilala niya ako, at alam ko na kilala ko rin siya pero bakit hindi ko maalala ang pangalan niya?

Kinuha na niya ang dala-dala kong malaking box. Halos akayin pa ako nito papunta sa elevator dahil sa sobrang bagal kong maglakad, marahil gawa na rin ng pagod mula sa paglalakad. 

Tulala lang ako sa loob ng elevator, tumatagos ang aking tingin kahit na sarado naman at walang labasan ang lugar na kinaroroonan ko. Pakiramdam ko kaunti na lang ay mauubusan ako ng hininga. Tila ako sinasakal at kahit anong pilit kong lumaban, hindi ako nananalo.

"Hija, ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin muna kita sa clinic?" tanong nito sa akin.

"Huwag na po...A-Ayos lang po ako..." mahinang tugon ko. Unti-unti lang aking pagsasalita dahil pakiramdam ko may nakabara sa aking lalamunan at nahihirapan akong bumuo ng mga salita.

"Sigurado ka ba? Namumutla ka hija, sobra. Gusto mo ako na lang bumili ng gamot?" tanong nito sa akin. Nababakas sa boses niya na nag-aalala siya, pero hindi ko magawang magpasalamat dahil hindi ko kayang magsalita. Umiling na lamang ako sa kaniya at tipid na ngumiti.

"Tumawag ka lang kapag kailangan mo ng tulong, ha?" sabi nito sa akin at iniwan na ako sa tapat ng pintuan ng unit namin. Hindi ko na nagawang ibuka pa ang aking bibig para magpasalamat, dahil pilit kong dinidikdik ang aking utak para maalala ang password ng lock ng unit namin. 

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang tinagal ko sa pagtayo bago ko tuluyang nabuksan ang pintuan ng unit. Bumungad sa akin agad ang madilim at tahimik naming lugar. But the moment I entered the unit, nervousness suddenly consumed me. 

The darkness wasn't able to stop me, I was in a rush, opened every door, and then I saw him.

Rope. A Chair. My Brother. 

My brother was about to end himself...

"Kuya!" agad kong sigaw at itinulak siya pababa sa upuan kung saan siya nakatayo.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon