Chapter 8

74 1 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Our bond lasted for almost three hours but it felt so short. Sobrang naging lapit na silang dalawa, na halos malimutan na nilang nandito pa ako. But it's totally fine, I'm having a good time watching the two most important men in my life talking and laughing with each other.

After our breakfast bond, sabay-sabay na kaming pumasok sa Ridgeview. Hinayaan na ako ni Kuya Han na sumakay sa sasakyan ni Gael. Sabi niya paghirapan muna ni Gael ang tiwala niya, pero parang hindi na yata kailangan, halos siya na ang gumabay sa akin sa pagsakay sa front seat. Natawa na lang ako, Kuya Han is a very supportive brother of mine.

"I really enjoyed talking with Kuya Han, Mirielle." sabi ni Gael habang nagmamaneho. 

"I know, kulang na lang nga kayo na ang maging magkapatid." sabi ko at natawa. They share lots of hobbies. Kaya iyon, sobrang dami rin nilang napag-usapan, from movies, basketball, and even their fashion styles. Magkasundong-magkasundo sila na halos magmukha silang kambal at dikit ang mga bituka.

"I'm glad to hear that, Mirielle. At least, kahit papaano magiging kampante si Kuya Han kapag kasama kita. Ayokong mag-alala siya, kaya maganda na rin talaga itong nagkakilala kami." sabi niya sa akin, napangiti naman ako. 

"Ilan pala ang class mo for today?" tanong niya bigla.

"Dalawang minor lang, then meeting with the student council." sagot ko naman, tumango ito sa akin.

"With review sa library?" tanong niya, I nodded. Nahulaan niya kaagad kung anong susunod kong gagawin after ng meeting.

"Why sasama ka?" tanong ko sa kaniya.

"Kung pwede at kung hindi ako makakaistorbo sayo." sabi niya sa akin. Nakahinto na pala kami sa parking lot ng Ridgeview.

"Kailan ka naman naging istorbo." sabi ko sa kaniya.

"Iyan ka na naman, ang aga pa, tinatanggalan mo ako kaagad ng angas." sabi niya kaya natawa kami pareho.

"Make sure to study with me. Mamaya ako ang i-review mo, kakatingin mo sa akin." pabirong sermon ko sa kaniya.

"It's your fault, you're always pretty. Mas magandang titigan ka kaysa sa libro." sabi niya at natawa.

"Bolero ka talaga." sabi ko at napanguso.

"As if naman pang-bola lang ang ganda mo. Tingnan mo nga ang paligid, palagi silang nakatingin sayo, ang dami mo ngang fan boys, mabuti na lang talaga nasa unahan ako ng pila." biro niya kaya hindi ko maiwasang matawa.

Pagkatapos niyang paulanan ako ng mga magagandang salita, naghiwalay na rin ang landas namin dahil kailangan na naming pumasok sa kniya-kaniyang klase. I have been very motivated these past few days, even when there are moments when I'm losing myself, Gael and Kuya Han are always there for me, boosting my energy and motivation, plus my new friends. I'm living my best life when I'm outside, like a bird that needs to be free and not to be caged.

"Ang galing mo naman, Miri." sabi ni Klyde, matapos kong mapaganda ang surprise reporting ng isang Professor namin.

"I reviewed, that's why." sagot ko na lamang. 

"Busy ka ba after?" tanong ni Kassey.

"Oo eh, magre-review ako sa library later." sagot ko sa kanila at napanguso.

"Ah, study date no?" pang-aasar ni Klyde, namula tuloy ang aking pisngi.

"He wanted to come, so, yeah." sabi ko na lamang. Halos mangisay na namana ng kambal sa kilig, hindi ko ba alam bakit sila ganito.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon