Arisanna Mirielle Trujillo
I was trembling so hard, I didn't know what happened, and how everything happened. Klarong-klaro sa memorya naming apat na itinago ko ang pondo sa safe box ng office, at ngayon punong-puno kami ng pagtataka kung paano at bakit iyon ngayon nawawala.
"Pres, may naka-away ka ba? Alam naman namin na hindi mo iyon kukunin. Baka naman may nag-frame up lang?" naluluhang tanong ni Andreu nang makarating kami ni Xantria sa student council office.
"I honestly don't know...After I changed my clothes, umalis na ako agad at pumunta sa arena." sabi ko sa kanila.
"But Pres...The school head is looking for you, to all of us. Papunta na iyon sila rito." seryosong sabi sa akin ni Caden.
Napahawak na lamang kaming apat sa aming sintido. Nagkagulo-gulo na. Imposibleng may kumuha noon sa amin, dahil umalis kami nang nakalagay iyong pera sa safe box at bukod sa school heads, kami lang ang may alam ng password ng safe box.
"I will never do that, alam niyo iyan." sabi ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin at yumakap. Caden really looks worried, nakayukom ang kamao nito at tila galit na galit.
Gulong-gulo na ako, hindi ko na alam kung anong iisipin ko. I wanted to fix everything but suddenly, the world is moving on it's own once again to destroy everything more, na para bang hindi nito magawang makuntento.
"They are having their meeting, and later on, they will meet us all in here." sabi ni Caden at ibinaba ang kaniyang telepono. His Mom is one of the representatives that's why he is very updated with the things going on.
"It's either it's a misunderstanding or someone has been lurking around our office to frame things to us." seryosong saad ni Caden.
"Iyan din ang naiisip ko, Vice Pres. Wala namang ibang tao noong araw na iyon. Yung kambal naman naunang umalis, no offense Pres ha, it's just that we need to think about everything, kahit na kaibigan mo sila, at syempre pumasok sila dito, pero imposible rin naman dahil nauna silang umalis para sa part time job nila, tapos doon ko lang ibinigay kay Pres ang pera. We all saw that she put it inside the safe box, and after that umalis na rin tayong lahat dito sa office." sabi ni Xantria.
"May mga naka-away ba kayo? Or baka may mga nakagalit?" tanong ni Andreu. Umiling-iling kaming lahat.
"Ako rin naman wala...What the hell is happening? This is so frustrating. We just wanted the best for the school and ganito pa ang mangyayari." sabi ni Andreu at napayakap sa akin.
We waited patiently, and then after half an hour, the student council office suddenly opened. Nandoon ang school heads, maging ang ina ni Caden at ang Principal. They look furious and I can't help but feel scared because I'm also getting flashbacks of how mad my Mom and Dad were the last time I met them.
"We are very disappointed, most especially to you, Miss Trujillo." bungad ng Principal.
Agad akong nag-angat ng tingin. Bakit parang sa akin ang buong kasalanan? I didn't do anything wrong. Wala akong motibo para kunin man ang perang mayroon ang student council.
"What's the matter, Principal?" seryosong tanong ni Caden.
"Oo nga po, bakit po parang na kay Pres ang bintang?" seryosong tanong din ni Xantria habang hawak nila ni Andreu ang nanginginig kong mga kamay.
"You trusted the wrong person so much, Xantria and Caden, pati ikaw Andreu. You trusted Arisanna so much, kaya tingnan ninyo, damay na rin kayo sa isyung mayroon." sabi ng ina ni Caden.
"Mom, just tell us what happened." sabi ni Caden.
"It was shown on the CCTV footage that Arisanna was the last person who left the student council office before the money was missing. Wala ng ibang taong pumasok doon pagka-alis niya." seryosong sagot ng ina ni Caden.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...