Warning: Verbal and Physical Abuse.
Arisanna Mirielle Trujillo
Maaga akong nagising ngayong araw dahil marami akong gagawin. Inuwi ko na rin kasi ang mga trabaho ko sa student council bukod sa mga tasks ko bilang isang estudyante dito sa bahay. Mabuti na lang din at napatagal ang business meeting nila Mommy at Daddy kaya hanggang ngayon ay nagpapadala lang sila kay Kuya Han ng allowance namin.
Maganda na rin iyon kaysa naman umuwi kami sa bahay at kung anu-anong salita lang ang matanggap namin, minsan nga hindi lang salita at umaabot pa sa pisikal. Mas titiisin ko na lang na magtipid kami ni Kuya kaysa umuwi sa bahay na kahit kailan hindi ipinaramdam sa amin salitang tahanan.
Tulog pa si Kuya Han kaya noong natapos ako sa pagluluto ng simpleng breakfast ay ginising ko na rin ito kaagad.
"Good Morning, baby Miri." bati sa akin ni Kuya Han at humalik sa aking noo bago naupo sa kusina.
"Good Morning, Kuya Han. Kain ka na, may lakad ka today right?" sabi ko sa kaniya. Tumango naman ito sa akin at siya na ang naglagay ng pagkain sa mga pinggan namin.
"Yes, uuwi rin naman ako before dinner." sabi sa akin ni Kuya Han.
"Kuya, Gael will come here. He said he'll help me with my paperwork." sabi ko kay Kuya Han.
"Bakit mo pa sinasabi sa akin?" tanong ni Kuya.
"Of course. Kailangan kong magpaalam sayo at ipaalam." sabi ko sa kaniya at parang nagtataka pa.
"I trust the both of you. Besides, alam ko namang aalagaan ka ng isang iyon, plus this is your home too, baby Miri." sabi ni Kuya Han. Napangiti naman ako roon at tumango-tango.
"Thank you, Kuya Han." pasasalamat ko.
Pagkatapos naming kumain ay si Kuya na ang nagboluntaryong magligpit ng mga pinagkainan namin, kaya habang naghuhugas siya ay naligo na muna ako. Nagsuot lang ako ng oversized long sleeves na kulay pink at may disenyo ni my melody tapos may kapares na pajama. Medyo malamig din kasi rito sa condo unit namin ni Kuya Han. Kinuha ko na rin ang lahat ng mga gamit sa kuwarto ko at nilagay na sa center table sa sala.
I opened our television and played some SUD songs there while I was waiting for Gael's arrival.
"Bibili na lang ako ng food mamaya pagkauwi. Mauuna na muna ako, Miri." sabi ni Kuya Han. Humalik ito sa ulo ko bago tuluyang umalis sa unit namin.
Medyo nagtataka na nga rin ako dahil dumadalas na may lakad si Kuya Han. Hindi ko naman kasi siya tinatanong because I know he's doing something important. Hindi naman siya mahilig maglakwatsa gaya ng iba, my brother is very goal-oriented and academically skillful.
Ilang sandali pa ang lumipas nang marinig ko na ang tunog ng doorbell. Agad-agad akong tumayo para buksan iyon. Bumungad agad sa akin ang mukha ni Gael na nakangiti nang malawak at tila sabik na sabik akong mayakap. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkapasok niya sa unit namin ay yumakap na siya agad sa akin.
"I missed you so much, baby." sabi niya at pinaliguan ako ng kaniyang mga halik. Napahagikgik naman ako sa kaniyang ikinilos.
"I missed you too, Ga." sagot ko sa kaniya.
He looks so good with his simple black loose shirt and of course, his dashing specs. I kissed him lightly before guiding him towards the living room. May mga dala rin siyang paper bags from a fast food chain.
"I have something for you, Mirielle." sabi niya at may kinuha sa isang paper bag. It was a crochet white tulip with a cute cinnamonroll clinging onto its stem.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...