Arisanna Mirielle Trujillo
After that heart-fulfilling day, dumating na naman ang araw ng simula ng aking kalbaryo. Weekends may be the best days for others, but not for me. Mas gusto ko pang pumasok sa eskwelahan, pagurin ang aking sarili sa madaming gawain, kaysa umuwi sa bahay namin, dahil hindi naman nagiging pahinga iyon, kung tutuusin ito pa ang mas nakapagpaparamdam ng pagod sa akin.
"Alam kong ayaw mong umuwi, dahil kahit din naman ako, ayokong umuwi sa bahay na iyon. Kaya lang wala tayong magagawa, kapag hindi tayo pumunta at umuwi, sila ang pupunta rito." sabi sa akin ni Kuya Han habang tinutulungan akong magdala ng mga gamit sa bag ko.
"I know, Kuya Han. We don't have any choice." sabi ko sa kaniya.
"Hayaan mo, kaunti na lang makakapagtapos na ako. Kahit hindi na tayo manghingi ng allowance sa kanila." sabi sa akin ni Kuya Han.
"Don't pressure yourself too much, Kuya Han. As long as you're here by my side, kakayanin ko." sabi ko sa kaniya at hinaplos ang buhok niya. I know how pressured and frustrated Kuya Han is.
"Ako rin, baby Miri. Stay with Kuya Han always. Ikaw lang ang pamilya ko." sabi niya sa akin, I almost let out a tear because of his words. Kahit kailan, hindi nagpalya si Kuya Han sa pagpaparamdam na kakampi namin ang isa't-isa.
"Ganito na lang, kapag dating natin doon, gumala na lang tayo. Para pag-uwi natin kakain at tutulog na lang tayo. Para wala silang oras na makukuha sa atin para magsalita ng kung anu-ano." sabi niya sa akin.
"That's a good idea, Kuya Han. Kung hindi lang talaga natin kailangan ang pera nila, hindi na ako pupunta doon." sabi ko at napanguso.
"Sa pera na nga lang sila nagkakaroon ng silbi." sabi ni Kuya Han sa akin, I laughed, he's right though. Financially present lang ang mga magulang namin, iyon lang ang mayroon sila.
"Kuya Han..." tawag ko sa kaniyang atensyon, abala kasi siya sa paglalagay ng gamit niya sa bag pagtapos niyang asikasuhin ang akin.
"What is it, baby Miri?" tanong nito at hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Will you be mad if I say that I like someone now?" tanong ko, tumawa naman siya.
"Of course not. It's your life, your own feelings, I have nothing to do with that, you silly girl." sabi ni Kuya Han sa akin at ginulo ang aking buhok.
"Who's the guy then?" tanong niya at tila nang-aasar na. Parang wrong move yata, parang mas dumami lang ang mang-aasar sa akin.
"He's a good guy, Kuya Han. He protects me just like what you're doing, pareho kayong gusto kong ituring na sanggol." sabi ko sa kaniya.
"He got my vote then." sabi ni Kuya Han at tumawa.
Nang matapos maayos lahat ni Kuya Han ang mga gamit namin, nagsuot lang ako ng hoodie at tinulungan na rin siyang ilagay sa sasakyan yung mga bag namin. We are also planning to eat at a nearby fast food chain, nagpagabi na kami para bawas sa oras na ilalagi namin sa bahay.
Yakap ko ang strawberry plushie na bigay ni Kuya Han sa akin habang nakasandal sa upuan ng sasakyan, medyo inaantok din ako dahil na rin siguro sa pagod. Kanina pa kasi akong umaga galaw nang galaw at kung saan-saan nagpupunta, but it's fine because I was happy.
"Are you okay?" tanong ni Kuya Han, inabot niya sa akin ang float at burger ko, nag-drive thru lang din kasi kami.
"Yes, Kuya Han. Medyo nahihilo lang." sabi ko at uminom na lang ng coke float, baka kapag uminom ako ng malamig mawala kahit kaunti.
BINABASA MO ANG
Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)
RomanceGuarding Chances | Battaglia Nella Vita | COMPLETED Arisanna Mirielle Trujillo also known as Miri, people know her as a lovely, sweet, and bubbly person, also an outstanding student with excellent intelligence but to her point of view, she was never...