Chapter 7

70 1 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Tinotoo nga ni Kuya Han ang plano niya. Inubos naming dalawa ang oras namin sa pag-gala, ginawa namin lahat para hindi kami magtagal sa bahay, kulang na lang ay sa kotse kami matulog. Mabuti na lang talaga at marami kaming kaibigan dito, kaya iyon nalibang kami sa pag-iikot. Thankfully, nagkaroon ng emergency meeting sa agency ni Mommy, kaya iyon hindi na ulit siya umuwi pa.

"Ganito na lang gawin natin tuwing uuwi tayo, mabuti na lang at may extrang apartment si Jun. Kahit ako na muna magbayad kapag uuwi tayo rito." sabi ni Kuya Han. 

Pauwi na kami ngayon sa Manila, nakausap niya si Kuya Jun na kababata niya. May extra pa itong apartment, pinakiusapan ito ni Kuya. Mabuti na lamang at pumayag ito lalo na't wala na rin naman daw tumitira roon.

"Uwi na tayo." sabi niya at pinapasok na ako sa kaniyang sasakyan.

"Kuya Han, hindi na ba tayo magpapaalam?" tanong ko nang makapasok na rin siya.

"Huwag na, wala naman din silang pakialam sa atin." sagot ni Kuya Han at pinaandar na ang sasakyan. Tumango na lamang ako at umayos ng upo. Pakiramdam ko na naman tuloy na malaya na naman ako. 

Naisipan kong mag-cellphone na lang muna. Pagkabukas ko ay kaagad lumabas ang mensahe ni Gael.

"Kailan mo pala ipapakilala sa akin yung guy na sinasabi mo?" tanong sa akin ni Kuya Han.

"Kuya Han naman...nakakahiya kaya." sabi ko at napanguso.

"Anong nakakahiya roon? Gusto ko lang naman makilala at makita iyong lalaking nagugustuhan mo." sabi niya at tumawa.

"Aasarin mo lang ako." sabi ko sa kaniya at pabirong umirap, lumakas lalo tuloy ang tawa niya.

"Hindi kaya, it's just that. It's your first time sharing that you like a guy. Nasanay ako na puro cute characters lang ang kinukwento mo, yung favorite band mong SUD, tapos yung mga napapanood mong animes." sabi ni Kuya Han. I felt that my heart was happy, because I know he pays attention to me, that our parents never did.

"He's from the Ridgeview Alums, Kuya Han." sabi ko sa kaniya.

"A freshmen?" tanong ni Kuya Han, tumango naman ako.

"I know some players, but of course, I'm not familiar with the new ones." sagot ni Kuya sa akin.

"Tomorrow, I'll let you meet him. I will ask him first if he's free." sabi ko kay Kuya. Tumango naman ito at ngumiti.

"You're really a big girl now, but still my baby Miri." sabi niya kaya napangiti ako. 

"I will be your baby Miri forever, Kuya Han. Nothing's gonna change." sabi ko sa kaniya.

"Of course, nothing will change." sabi ni Kuya at binigyan pa ako ng head pat. 

Nakinig lang kami ni Kuya Han sa mga kanta ng paborito kong banda na SUD. It was so nice to travel while listening to their songs, plus knowing that we are now free from that cage, it feels so light. 

"Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas." sabi sa akin ni Kuya Han nang makarating kami sa condo namin. 

Tumango naman ako kaagad at nagpaalam na sa kaniya. Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay bumungad na sa akin ang kama ko na puno ng mga plushies from Kuya Han, at syempre ang binigay ni Gael. Naupo na muna ako roon at nagpahinga nang kaunti. Pagkabukas ko ng aking cellphone ay bumungad sa akin ang mensahe ni Gael, mabilis ko iyong binuksan.

from: @ my_own_way_waylen
Hello, Mirielle. How are you?

to: @ my_own_way_waylen
Hi, Ga! Sorry for the late reply, I'm fine. I spent my day with my brother, how about you?

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon