Chapter 25

74 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo 

Everything around me seems like a mess, I don't even understand what's happening to me, inside my mind as time passes by, it keeps on making everything unclear, like a dirty swamp lagoon. 

I spet almost three-weeks inside the hospital. Hindi ko na nga alam kung paano nagawang mabayaran ang bill ko dahil tiyak akong malaki rin ang inabot noon. Knowing our financial situation right now, kaming dalawa lang ni Kuya Han ang mayroon ang isa't-isa. 

"Are you okay, Miri? Wait for me, malapit na matapos itong niluluto ko." sabi ni Kuya Han. 

Nasa kusina ito at nagluluto habang ako ay nakahiga sa sofa, at pinapanood siya. Kahit naman papaano nakagagalaw na ako, sadyang ayaw lang pumayag ni Kuya. Ilang beses ko na rin siya sinabihan na hayaan akong kumilos dito sa bahay, dahil alam ko naman na bukod sa nag-aaral siya ay nagtatrabaho siya para sa aming dalawa. Ito na lang ang mga bagay na pwede kong gawin para naman mapagaan ang sitwasyon niya.

"Kuya, I told you. Next time, I'll do the cooking. Kaya ko naman na. Don't worry too much." sabi ko sa kaniya. He shook his head and shushed me.

"I know, but I want to take care of you, end of discussion." sabi niya sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango sa kaniya.

Inayos niya ang mga pagkain na niluto niya sa center table sa aking tapat. Itinapat niya pa ang isang maliit na electric fan doon dahil pinapalamig niya ang kanin na bagong saing lang. Naupo na ako nang maayos sa sofa, inalalayan pa ako ni Kuya Han kahit kaya ko naman na. He become so paranoid, after what happened, that event that I can't even remember, parang ayaw na ayaw na niyang mawawala ako sa mata niya. 

"After my payday, start ka na sa therapy session, ready ka na ba?" tanong niya sa akin. Inaayos niya pa ang kanin at ulam sa aking pinggan bago ako hinayaang hawakan na iyon. Tumango-tango naman ako sa kaniya at nagsimula na ring kumain.

"If you're having a bad time, you can always message me? Pupuntahan kita sa clinic kung sakali, okay?" paalala niya pa sa akin.

"Kuya..." pagtawag ko sa kaniya.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at naghihintay sa aking susunod na sasabihin.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kaniya.

"Saan naman? Sa work?" tanong niya.

"Sa sitwasyon natin. Sa akin." sabi ko sa kaniya. Umayos ito ng upo at mas lumapit sa akin. Nag-aalala ang mukha nito at halatang nabahala sa salitang binitawan ko.

"Why would I even feel that way? You're my major source of strength, Miri. Paano ako mapapagod sayo kung ikaw lang nagpapalakas sa akin?" sabi ni Kuya Han sa akin. Maybe because of frustrations, I become more emotional these past few days.

Kuya Han embraced me and softly caressed my back as he calmed me down from breaking into my emotions so much. 

"Don't think that way, Miri. I know that your situation frustrates you, and hinders you to do the things you wanted but, everything takes time. Huwag kang magmadali sa lahat, kasi habang sinisikap nating pagaanin ang sitwasyon mo, nandito naman ako. When you're still focused on yourself, I'm still here to guide you. Hindi naman ako mawawala." sabi ni Kuya Han sa akin.

"Litong-lito ako Kuya...Ang daming nawawala sa akin, ang dami kong hindi na alam kahit pamilyar naman sa puso ko...Gabi-gabi parang mas lalong bumibigat yung pakiramdam ko...Nahihirapan ako, Kuya Han. Sobra..." sabi ko habang nakayakap sa kaniya na parang isang batang nagsusumbong dahil inaway ng kapwa bata.

"I know baby, alam kong nasasaktan ka and you're not alone to be hurt okay? I'm here to feel all the pain with you. Share it with me." sabi ni Kuya Han sa akin.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon