Chapter 2

138 3 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

"Panindigan mo ako." sabi niya sa akin. Kung may laman lang ang bibig ko, tiyak naibuga ko na iyon sa kaniya sa sobrang gulat.

"Panindigan kaagad?" tanong ko sa kaniya.

"Ganoon ba kasama ang ngiti ko?" dagdag ko pa.

"Masama sa mental health ko, kasi nakakatuliro." sabi niya sa akin, hininaan niya pa ang boses niya, akala naman niya ay hindi ko iyon maririnig. Natatawa na lang ako sa kaniya. Hindi lang pala siya guwapo, funny pa siya, and I think happy crush ko na siya.

"I'm Waylen Gael Bejarano, by the way. What's your name?" tanong niya sa akin.

Ang ganda ng pangalan niya, kasing ganda ng mga mata niya. Ang sarap sa pakiramdam at gusting-gusto ko nang bigkasin.

"Hello, Gael. I'm Arisanna Mirielle Trujillo." pagpapakilala ko rin.

"Hello, Mirielle. You have a very pretty name." sabi niya sa akin. Ramdam ko ang pamumula ko, I cam't help but to blush, ikaw ba naman makatanggap ng papuri sa crush mo.

"So, you're a player here?" tanong ko sa kaniya, nakasuot kasi siya ngayon ng jersey na may logo ng Ridgeview University.

"Yup, I just accepted a while ago." masayang balita nito sa akin.

Hindi ko alam, pero kahit na ngayon pa lamang kami nagkaroon ng mahaba at maayos na usapan, parang kilalang-kilala na naming ang isa't-isa, tila pa noon pa lang ay may koneksyon na sa aming dalawa.

"May mga kasama ka ba? Bakit mag-isa ka lang ngayon dito?" tanong niya sa akin. He look so concerned, but that didn't creep me out, because I appreciated the care he is willing to give.

"I have, naroon sila sa field at may training para sa volleyball. Hinihintay ko lang din kasi ang older brother ko, sabay kasi kami uuwi." sagot ko sa kaniya.

"I'm glad to hear that you have your friends now." sabi niya sa akin.

"You talk a lot like you know me so well." sabi ko sa kaniya, natawa naman siya.

"Marami kang nasabi while sleeping when we were at the bus. Para kang nagkukuwento ng talambuhay mo while sleeping and hugging your strawberry plushie. Noong una ayaw talaga kitang gisingin dahil sobrang interesado ako sa mga sinasabi mo, but when you started talking negatively, ginising kita kaagad." sabi niya sa akin. Nanlaki kaagad ang mata ko sa kaniyang sinabi.

Hindi imposible dahil kahit si Kuya Han ay tinatawanan ako sa madalas kong pag-sleep talk. Minsan nga raw mga pagkain ang binibigkas ko, at isang beses sinabihan ako ni Kuya Han na kumain bago matulog para raw hindi ko sinasabi ang cravings ko kapag medaling araw. Gosh, hindi lang si Kuya Han ang naka-witness ng sleep talking ko, pati na rin ang happy crush ko, it's so embarrassing.

"I'm sorry, nakakahiya talaga." sabi ko at napatakip sa aking mukha tapos kaagad umiwas sa kaniya. Tumawa siya sa akin kaya mas lalo akong nahiya.

"It's not something you should be ashamed of, Mirielle. It's normal, besides it's adorable, to be honest." sabi niya at umiwas din ng tingin.

"I tend to sleep talk, sabi ng Kuya ko baka daw dahil hindi ko sinasabi ang mga ganoong bagay kapag conscious ako. Sometimes naniniwala ako sa sinabi niyang iyon. I always practice to keep everything to myself, kaya siguro kapag tulog ako, nasasabi ko iyong mga ganoong bagay." sabi ko sa kaniya. I don't know but I really feel comfortable with his presence.

"That's why it's very important to surround yourself with trustworthy and worthy set of friends, iyong mga taong kayang pakinggan ang mga sasabihin mo, iyong handing pakinggan ka kahit umabot pa ng buong maghapon, iyong hindi mapapagod na pakinggan ka." sabi niya sa akin.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon