Chapter 11

62 2 0
                                    

Warning: Physical Abuse

Arisanna Mirielle Trujillo

The date that Gael and I had was unforgettable and the most special day. It was able to make me feel things that were strange to me. Hanggang sa maihatid ako pauwi ni Gael, nakangiti pa rin ako na tila ba hindi man lang nakararamdam ng pagod. Hindi na ako nagpahatid pa kay Gael sa mismong unit namin ni Kuya Han dahil anong oras na rin, ayoko naman abutin pa siya ng traffic. 

Ngiting-ngiti pa ako noong nasa loob ako ng elevator, hindi ko pa rin maipaliwanag kung gaano ako naging masaya ngayong araw, sobrang pasasalamat ko kay Gael kasi pinaramdam niya sa akin yung ganitong pakiramdam.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng aming unit nang bigla itong bumukas, lumabas roon si Kuya Han at may pasa sa pisngi tapos nagdurugo ang labi. Kaagad ko itong nilapitan, kinain tuloy ako nang pangamba.

"K-Kuya Han..." tawag ko sa kaniya. 

"Let's go, Arisanna." sabi niya at hinawakan ang aking kamay. Hindi kami tuluyang nakaalis nang marinig ko ang sigaw ni Daddy mula sa loob ng unit namin.

"Palasagot ka nang bata ka! Isa ka pa, Arisanna Mirielle! Pareho kayo ng Kuya mo!" hinigit kami nito papasok sa unit, hindi ko kaagad nakalaban sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari. 

"D-Daddy nasasaktan po ako..." sabi ko at pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa aking braso. Pilit din nanlalaban si Kuya Han kahit na sa tingin ko ay kanina pa siya nasaktan ni Daddy.

"Bitawan mo si Miri!" sigaw ni Kuya Han na naging dahilan para makatanggap siya ng sampal mula kay Daddy.

"Daddy! Huwag mong saktan si Kuya!" sabi ko at hindi matago ang paghikbi. I don't know what's happening but I can't bare to see my brother like this.

"You! Ano itong nalaman namin ng Mommy mo? You got yourself a boy now? Pero pag-aaral mo, walang pinagbago? You're still the plain and nothing daughter of mine!" sigaw ni Daddy, but even though his shout was louder, my heart crushing is way louder.

Dad was about to slap me too but Kuya Han was faster that he pushed Dad on the ground. Agad akong hinatak ni Kuya Han papalabas ng unit namin. Tumakbo kami na parang may tinatakasan, na para bang wala kami sa isang gusali. I was crying so bad while we are walking towards Kuya Han's car. 

"Stop crying, Miri." sabi ni Kuya Han nang makapasok kami sa kaniyang sasakyan. He looks so serious and frustrated, that even though it's hard, I tired to stop crying and wiped all my tears.

"Didn't you received my message?" seryosong tanong ni Kuya Han. Doon ko napagtanto na hindi ko man lang nabuksan ang telepono ko simula noong tanghali. Binuksan ko kaagad ang telepono ko at doon bumungad sa akin ang sandamakmak na mensahe at missed calls mula kay Kuya.

"I'm sorry, Kuya..." paghingi ko ng pasensiya.

"Damn it, Mirielle! Kung nagbasa ka lang sana ng message ko hindi tayo aabot sa ganito." sabi ni Kuya. Hindi ako nakapagsalita, I know I'm at fault, I was too occupied and enjoying my time, I literally forgot that my life isn't normal.

"I'm sorry, Kuya Han..." mahinang usal ko. He let out a frustrated sigh. Mas ikinabigla ko pa nang bigla siyang umiyak sa aking harapan, an unusual cry because this one was a burst out one, all of his frustrations and tiredness were all present.

He was leaning against the steering wheel, hiding his crying face and slowly punching his own legs. My heart is now breaking into more and more pieces. Walang katumbas na sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil na nakikita ko. 

"I'm sorry Kuya, hindi ko na uulitin..." sabi ko at niyakap siya. Doon kahit papaano naramdaman kong kumalma ang pag-galaw ng kaniyang mga balikat. 

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon