Chapter 18

53 3 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

It's been a month since everything in my life turned more colorful. Ever since Gael came into my and saw my brother drowning with so much happiness. Hindi ko maipaliwanag pero simula nang mangyari ang mga bagay na ito, mas ginanahan akong harapin ang buhay kahit na alam kong marami itong pagsubok na ibibigay sa akin. 

Sa totoo lang, matapos nang lahat, nabawasan ang takot ko. Yung takot na mayroon ako para sa mga magulang ko, dahil alam kong nandiyan ang dalawang importanteng lalaki sa buhay ko para protektahan ako, at ang pamilya ni Gael na ipinakita sa akin ang depinisyon ng isang pamilya. I have nothing to wish for more. I'm very happy and contented with the life I have now. If I have the power to freeze the time just to make my life stay like this, I will gladly do it, without any hesitations. 

"Are you okay?" tanong sa akin ni Kuya Han habang naglalakad kami papasok sa Ridgeview.

"Of course, why wouldn't I, Kuya?" tanong ko at yumakap sa kaniyang braso. Ginulo naman niya ang aking buhok at mahinang natawa.

"You've been smiling a lot lately, and that's good." sabi niya sa akin. 

"Ikaw din, Kuya Han. Never ever lose that smile, okay?" sabi ko sa kaniya.

"Yes po, Presi." sabi niya sa akin. Napangiti naman ako roon.

Hinatid lang ako ni Kuya Han sa building ng Psychology Department bago siya pumunta sa building ng Engineering and Architecture. Hindi ko pa nakikita ngayon si Gael, sinabihan niya kasi ako na may early practice sila para sa upcoming university finals league kaya bugbog daw sila ngayon sa practice. After my class and my meeting with the student council, I'm planning to visit him at the arenas where they are practicing because I miss him and I want see him.

"Good Morning, Pres!" bati sa akin nila Andreu, Xantria, Kassey, at Klyde. Hinihintay pala nila ako sa labas ng classroom.

"Good Morning, anong mayroon?" tanong ko sa kanila.

"Walang Professor for today, Pres. May general meeting daw for the Psychology Department." balita sa akin ni Klyde.

"Really? Wala naman sa aking nasabi sa akin?" nagtatakang tanong ko.

"Biglaan raw, Pres. Si Professor Joy na lang nga ang nagsabi sa amin noong dumaan siya dito." sabi ni Kassey. 

"So, back to student council muna ako." sabi ko sa kanila. 

"Marami bang gagawin, Presi? Sama na kami ni kambal." sabi ni Kassey.

"Sakto lang naman, may upcoming club day kasi next week." sabi ko sa kanila.

"May mga list na kailangang matapos, tapos mga finalization ng designs at themes." sabi ni Xantria.

"Sama na kami." sabi ni Klyde.

"Sige, tapos meryenda na lang tao sa cafeteria mamaya." sabi ni Andreu. 

Nagpunta na muna kami sa student council office, halos wala na rin kasing tao sa Psychology Department building dahil cancelled nga ang pasok due to the emergency meeting. Pagkapasok namin sa office ay bumungad sa amin doon si Caden na abala sa harap ng computer. Tumingin ito sa amin, nang magtagpo ang aming tingin ay ngumiti kami sa isa't-isa. We're still casual and interact like nothing happened. 

"May mga bisita pala kayo." sabi ni Caden sa amin.

"Yes, Vice Pres. Gusto raw nilang tumulong sa paper works." sabi ni Andreu. Tumango-tango naman si Caden at bumalik na rin sa trabaho niya.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon