Chapter 14

63 2 0
                                    

Arisanna Mirielle Trujillo

Another day another event to Ridgeview University. Pagkatapos namin magkaroon ng dinner date ni Gael kasama sila Kuya Han at Ate Cyerra, balik na naman ako sa bakbakan bilang isang honor student at student leader. Ngayong araw kasi ang main event sa basketball department ng school, kalaban kasi ng team ang matindi nilang kalaban noon pa man, ang Saint George. The student council were assigned to be around the arena to make sure that the Ridgeviewnians are well-behaved and in good condition since the game may be intense like the games on the past years. 

"Kumusta, Presi? Pawis ka na diyan." sabi ni Xantria at inabutan ako ng kaniyang panyo. Tinanggap ko naman iyon at pinunasan ang pawis sa aking noo. Nag-aayos kasi kami ng decorations sa arena para sa game mamayang hapon. 

We're just assembling the banners in the railings, ganoon rin ang ginawa ng iba sa kabilang side ng court na nilaan namin para sa mga estudyante na mula naman sa Saint George. Mabuti na lang at bukod sa aming student council ay may mga volunteer din mula sa sports club gaya ng Archery, Volleyball, at Soccer. Malaki rin ang arena ng Ridgeview, at hindi biro kung aayusan ito nang kaunti lang ang mga taong gagalaw.

"Nakaka-excite naman yung laro mamayang hapon." sabi ni Xantria habang tinutulungan akong magtali ng mga banners sa railings. Gusto ko nga kumuha ng isa para sana may hawak ako mamaya kaya lang nakakahiya naman at baka magkulang.

"Kumusta pala kayo ng bebeloves mo, Presi? Parang ang ganda ng glow mo these past few days, may label na ba?" pang-aasar ni Xantria.

"Oo nga, presi. Lalo kang gumaganda nitong mga nakaraang araw." singit naman ni Andreu na nasa gilid lang din pala namin.

"He's now courting me, guys." masayang balita ko sa kanila. Tumili naman ang dalawa kaya agad ko silang sinaway lalo na't napatingin ang halos lahat ng tao sa arena sa lakas ng boses nila.

"For sure ganadong maglalaro iyon mamaya." sabi Xantria at yumakap pa sa aking braso na akala mo isang bata. 

Natawa na lang ako sa kanilang inasta, they are really clingy which I really liked because personally, I love to receive hugs and warmth from other people for the reason that mostly feel seen, cared for, and loved. 

Medyo mainit sa arena dahil kakabukas pa lang ng airconditioners at dahil nga malaki ang arena, matatagalan pa siguro bago ito tuluyang lumamig. Kaya pala bago kami maghiwalay ni Gael kanina pagkapasok ay sinabihan niya akong maglagay ng towel sa aking likuran, mabuti na lang talaga at sinunod ko siya.

"Ang daming pa-events ng school, parang hindi ko na kaya." sabi ni Andreu, umupo muna kami sa bleachers para magpahinga saglit.

Totoo iyan, nitong nakaraan kakatapos lang ng Volleyball league tapos on-going pa ang Basketball league, isa pa, bali-balita na magkakaroon pa ng one week event para sa anniversary ng Ridgeview. Hindi ko nga alam kung makakatulog pa ba ako, dahil marami rin kaming ginagawa at gagawin pa sa Psychology, hindi naman biro maging first-year student. 

"Ganoon talaga, pinili atin ito. But then, as long as we love what we're doing, we can be tired but we will never give up." sabi ko sa kanila at hinaplos ang kanilang likuran, hoping that I can cheer them up even a bit.

After we rested for a short time, bumalik na kami kaagad sa mga ginagawa namin. Hindi lang banners ang ng sinasabit namin sa railings kung hindi maging ang iilang banderitas na may logo ng Ridgeview Alums. Sa totoo lang, hindi naman na sana namin kailangan itong gawin, but we, as the student council decided to make a move and encourage students to do volunteer work. Aside from raising a space space for the students, we also wanted them to engage in community work in order to preserve the cooperation and willness of everyone.

Guarding Chances (Battaglia Nella Vita #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon